"kabit ka ng tatay ko. si DON DANILO SAN GREGORIO. at pinatay mo siya dahil wala ka namang makuhang pera sa kanya hindi ba?"
tanong sa akin ng attorney. tuloy tuloy lang yung luha ko sa pag patak..
napatingin ako sa lalaki matamang nakatingin sa akin.
galit at pagka disgusto ang makikita sa kanyang gwapong mukha.
tumingin ako kay attorney. at sabay iling..
"hi-hindi ko siya ppi-inatay. hindi ako.. maniwala kayo sakin."
kasama ko ang lola ko at ang kaibigan ko. at napatingin ako sa kanila. panay ang tulo ng luha ng lola at kaibigan ko..
"a-alam ng diyos. wala akong kasalanan"
"pero sa inyong apartment namatay ang biktima at may fingerprint mo ang kutsilyo na ito.."
sabay labas ni atty ng kutsilyo sa plastik.
"h-hindi ko alam. nawalan din ako ng malay nung araw na yun. h-hindi ko siya pinatay.."
naiiyak na talaga ako. miski ang abogado ko ay wala na ring pag asa..
pagkatapos ng 2nd hearing, ay hahatulan na ako sa pangatlong hatol.
"madonna, masyadong matibay ang ebidensya . wala na tayong magagawa.. mabuti pa kausapin mo ang anak ni Don Danilo na si Mr. Jordan San Gregorio. baka sakali.. baka sakali.."
nag paalam na kami kay atty.
sa ngayon ay nakakulong ako.. ayoko ng ganito.. hindi ako ang pumatay..
kinabukasan..
"madonna gatchalian, may dalaw ka sa VIP ROOM. si Mr. jordan San Gregorio."
nanginginig yung tuhod ko.. kinakabahan ako..
pagpasok ko, nilamig ako..
naka sando lang kase ako, at pajama.
"s-sir.."
"umupo ka." malamig at matigas na sabi nya.
nag umpisa nanamang tumulo yung luha ko..
nakayuko ako sa harap nya..
"sir---"
naputol yung ssbhin ko ng nagsalita sya.
"iuurong ko na yung kaso." malamig niyang sabi.
"napaangat ako ng ulo at natigil ang pag daloy ng luha.
"s-sir?"
"you heard me right. *sumandal siya habang matamang nakatingin parin sakin* iuurong ko yung kaso. pero may kapalit lahat ng ito."
"a-ano po? kahit ano po. kahit ano."
"sa akin ka titira. sa ibang bansa. iiwan mo ang lola mo, at sasama ka sakin. ipapasok n atin ang lola mo sa home for the aged--"
"hindi na ho. ayoko. ayoko iwan ang lola ko."
nagdikit ang makakapal nyang kilay.
"sa tingin mo? makukulong ka ng habang buhay, dahil mahirap lang kayo. wala kang pera. anong magagawa mo sa lola mo kung nakakulong ka habang buhay?"
napaisip ako. oo nga naman.. wala kaming pera. isa isa nnamang tumutulo yung luha ko.
"kaya ka nga kumabit sa tatay ko, para huthutan siya. marami rin naman akong pera ngayon, ako ang tagapagmana nya. dapat matuwa ka."
lalo akong nanliit sa sarili ko.. hindi ko naman kabit ang tatay nya..
"atsaka isa pa, mamamatay na rin ang lola mo, ulyanin na. kaya kung ako sayo, sumama ka na saakin."
oo nga naman. pero..
TANGINA MO JORDAN SAN GREGORIO! TANG INA MO!
"sige, sasama na ako sayo. pero gusto ko munang makita ang lola ko.. "
tumayo na siya at tumalikod saakin.
"NO. ngayon na ang flight natin. ayusin mo gamit mo. hihintayin kita."
tulo lng ng tulo yung luha ko.
lola.. patawarin mo ko..
BINABASA MO ANG
BILANGGO
General Fictionwalang tao ang gusto ang pinagdadaanan ko ngayon. ikaw, na mapagbintangan ng isang bagay na hindi mo naman ginawa. at dahil isa kang kapus palad, at ang ang mundo ay umiikot sa pera, hindi mo makuha kung ano ang hustisya. isa na akong BILANGGO sa i...