Prologue

0 0 0
                                    


Prolouge

Malakas na tunog ng alarm clock at mararahas na katok sa pinto ang nagpabangon sakin sa aking higaan.

I open my eyes slowly. Ugh! Bwesit inaantok pa ako!

Ipinikit kong muli ang mga mata at umupo ng kama at mabilis na hinagilap ang istorbong bagay sa tanan buhay ko.

Inihilamos ko ang kamay sa mukha pagkatapos. Shit! Ang hirap maging senior high!

“Gene! Gigising ka o iiwan kita, mamili ka!!” napatalon ako sa gulat ng marinig ang sigaw ng pinsan.

“T-teka! Kuya maaga pa ah!” sinuklay ko ang aking straight at may kulot sa dulong buhok, gamit ang aking daliri.

“Jusmiyo anong oras na, kanina pa ako dito iiwan kita!!”

Bigla akong nataranta alam kong ayaw na ayaw ni kuya Uno ang malate siya!

Agad akong tumakbo papuntang kabinet at kumuha na uniform na isusuot.

“Papasukin kita kapag hindi mo binilisan bahala ka na mag commute! ”

Mas lalo akong nataranta ng tumunog ang cellphone ko. Hawak-hawak ang uniform kung nasabit pa sa hanger ay agad akong lumundag sa kama.

Inabot ko ang cellphone at sinagot ang tawag. At bumungad agad sakin ang mala demonyong boses ng lalaking mas gago la sa mga pinsan ko!

“Damn! Where the hell are you?! Do you even have plan to come?! I was waiting for you– ”

Inilayo ko ang cellphone sa tenga ko. Bwesit ka! Tangina? Siya pa ang may ganang magalit?!

Hah! Ako 'tong walang maayos na tulog, maayos na gising at maayos na buhay dahil sa kagaguhan niya!

Matindi!

Nagtiim bagang ako. Tangina mo po with respect! Ang sarap mong tirisin.

Huminga ako ng malalim saka inilapit muli ang cellphone. Nagtitiis lang ako ngayon dahil alam kong may kasalanan ako sa gagong 'to!

“Wait! On the way na–”

“Excuses! Next time ibahin mo ang excuse mo. Bilisan mo na! This is your damn fault kaya ayusin mo! Five minutes at kapag wala ka pa, humanda ka!”

Grrrr! Gago kaba?! Humigpit ang kapit ko sa cellphone. Alam kong may kasalanan ako pero shutangina niya.

Ano ako maid? Utusan? Ni hindi nga ako mautusan ng mga pinsan ko!

Kung hindi ba naman niya ako pinikon kahapon edi sana hindi ko naisipang gantihan siya at aksidenteng mabasa ang thesis niya!

Balak ko na sana siyang sigawan ng bigla nitong pinutol ang tawag. Argh! Kung putulin ko kaya, iyong  ano niya!

Ipinukpok ko ito sa unan at sumigaw sa sobrang frustration na nararamdaman.

“Fuck you! Halimaw talaga ugali mo!!”
naiiyak na ako. Bwesit.

“Minumura mo ba ako?!” narinig kong sigaw ni kuya. Muntik ko nang makalimutan na nasa pinto pa pala ito.

“Maliligo pa lang ako wait!!”

“ Ano?! Genessise–”

Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil pumasok na agad ako ng bathroom.

Mabilis akong naligo. Ang halos isang oras ay naging minuto lang! Nagsuot na din ako ng uniform at sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

I didn't even bothered to dry my hair. Basta ko na lamang itong itinali into ponytail.
Kinuha ko ang bag at isinukbit. Lalabas na sana ako ng may maalala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beast who attracks by her beautyWhere stories live. Discover now