* CHAPTER 1

33 2 1
                                    

October 25,2020
Bacolod City
11:30AM

Kate's POV

" Only you can make all this world seem right.

Only you can make the darkness bright

When you hold my hand I understand the magic that you do"

"Huy Kate!"

Bigla naman akong nagulat sa pagtawag ni Jeanna sakin

"Lalim ng iniisip natin ahh, siya na naman ba? "

"Sino?, Ahhh hindi uyy " agad na pagiwas ng tingin ko, alam ko na kasi agad kung ano ang tinutukoy niya.

Andito kami sa mall, para bumili ng bagong gamit para sa office, at di ko lang maiwasan isipin ulit siya dahil sa kantang narinig ko kanina.

"Anim na buwan na simula lumipat ako ng Bacolod at iwanan ang buhay sa Manila , para hanapin siya, ngunit hanggang ngayon tila ba ang ilap sakin ng tadhana. Minsan naiisip ko nalang  kung tama ba pa mag antay ako?"

"Kate, bayad mo huy" Tawag ulit sakin ni Jeanna, "aba budol ka naman, ako na naman magbayad ng lahat ng yan"

"Ang kapaaaal" tawang-tawa ko  sa sinabi niya , natawa nalang din siya, " alam mo mas maniniwala pa akong ikaw na naman magpapalibre sakin" sabi ko sa kanya na ngayon ay binibigay na ang pinamili namin sa cashier.

"Kain tayo" biglang sabi niya

"Oh sige, hmm Mcdo ulit?"  tuwang-tuwa na sabi ko sa kanya na akala mo eh first time kakain sa Mcdo.

"Na naman?? Hindi ka ba nagsasawa sa chicken fille & fries nila?" Natawa ako nung pagkasambit niya, alam niya kasing paborito ko kumain nun lalo na kapag nais-stress ako.

"Please sige na samahan mo na ako" pagpipilit ko sa kanya " gutom nadin kasi talaga ako, tsaka para mabilis lang"

"Oo na may magagawa pa ba ako?"

"Yehey" tuwang-tuwa kung sabi sa kanya minsan talaga nauuto ko lang din tong mabait ko na kaibigan.

"Tara na gutom na ako" sabi niya,  sumunod na din ako pagkatapos makuha mga plastics bag na pinamili ko

Habang nagaantay, biglang nag ring yung phone ko, ayaw ko sanang sagutin dahil iniisip ko na baka sa bahay na naman to, at pipilitin na naman akong pauwiin ng Manila.

Pero laking gulat ko kung sino yung nag miscall

"Anong nangyari sayo, anong problema ha?" sabi agad sakin ni Jeanna na tila alang-alala sakin

"Wala wala" nginig na sabi ko sakanya
" may bad news lang" sabi ko sakanya
na hanggang ngayon di parin makapaniwala "Baka si Arthur ba yan ha? Alam mo na ha, wag mo sasabihin magkasama tayo Kate, at malilintikan talaga tayo"

"Hindi importanteng tao lang" sabi ko agad sa kanya

"labas muna ako saglit? sabi ko kay Jeanna na hanggang ngayon ay worried pa din at di alam kung anong nangyayari

Pagkalabas ko binasa ko ulit yung message "bakit iba yung nararamdaman ko, sana siya na ito" mahina kung sabi sa sarili ko

When Stars and Moon CollideWhere stories live. Discover now