Bakit ganito nalang lagi pinaparamdam sakin ng mga tao na nasa paligid ko? Lagi nilang pinaparamdam sakin na hindi ako worth it o walang kwenta sa lahat ng bagay.
Ano ba problema o baka ako ang problema kaya nila ako iniiwan, pinapagpalit o hindi pinipili sa huli.
Sawang sawa nako sa paulit ulit na nangyayari sa buhay ko wala na bang bago? Ganito nalang ba lagi, lagi nalang nasasaktan? Umiiyak?
Matutulala ka nalang sa kakaisip kung ano bang kulang ? Ano bang problema? Bakit ganon? Bakit ganito?
Sanay nakong magisa pero bakit ganito nanaman...
Sinasabi nila sakin na hindi ka naman nagiisa eh kasama mo pa pamilya mo bakit hindi ka magopen up sakanila ng problema mo?
Hindi nila alam na ang parent's ko ang reason kung bakit nagkanda letse leste ang buhay ko.
Sila ang reason kung bakit ako nasasaktan at umiiyak ng dahil sa problema nilang prinoproblema ko rin.
Broken family kami, at ako ang sinisisi ng kapatid ko sa tuwing umuuwi ang aking ama sa bahay.
Bunso ako pero ang tindi na ng mga nararanasan ko. Three years old palang ako nagaaway na sila walang ginawa kung hindi magbugbugan, magbatuhan ng bote ng alak, mag bangayan, hanggang ngayon din naman ganun eh walang pinagbago kahit through chats ganun din.
Hindi buo ang pamilya ko pero may nasasabihan naman ako ng problema kahit ganun, at yun ang nanay ko pero kahit ganun hindi ko padin masabi sakanya kung ano ang problema ko.
Hindi ko naman gaano kaclose ate ko dahil madalas din kami nagaaway, naalala ko nun sinabihan nyako ng hindi naman kita tinuring na kapatid eh, Demonyo ka!, Sana hindi ka nalang nabuhay.
What a lifeeeeeee!!!!
Pinanganak yata akong malungkutin.
Kapag masaya ako napakatinding lungkot na ang kapalit.
Kapag may tama akong ginagawa hindi nila napapansin pero pag may mali akong nagagawa ayun kagad napapansin nila.
-_-
Sarili ko nga hindi kona kayang pagkatiwalaan eh sila pa kaya pshhh...
Kapag malungkot ako gumagawa nalang ako ng stories or kumakanta nalang ako or hindi kaya ineexpress ko yung nararamdaman ko sa salamin.
Napakacute mo naman para saktan nila hahaha ang confident mo talaga Zeinly De Leon.
Kahit na dinadown ako ng mga taong nasa paligid ko hindi padin ako sumusuko, lumalaban padin ako kahit na sukong suko nako. Ito ang pinakagusto ko sa sarili ko ang tatag ko sa lahat ng challenges na dumadating sa buhay ko.
Like nung nagkagirlfriend ako, first girlfriend ko sya nagtagal kami ng 3 years and months akalain mo yun nagtagal pa kami kahit na napakatoxic na ng relasyon namin sa una palang, pinaglaban ko sya kahit na tutol lahat ng tao sa paligid namin. Hindi alam ng parent's kona naging kami dahil hindi naman na nila kailangan malaman yun.
What i learned from our relationship is need mo nadin pala palayain yung mga toxic sa buhay mo, alam mo yung feeling na nakakulong ka sa piling nya yung pinagbabawalan ka sa lahat ng bagay like pumunta sa ganito o sumama kay ganito, hindi ba dapat tanggap nya yung mga mahal ko sa buhay dapat mamahalin nya rin yung mga mahal ko sa buhay hindi yung huwag ka sumama kay ganyan dahil ayoko.
Napakatoxic ng relationship namin, away dito away doon, kahit sa public places nagaaway kami, iyak ako ng iyak at sya tinataasan nya parin pride nya. Habol ako ng habol kahit na magmukha akong tanga.
Pero sayang talaga yung food na binili ko sakanya nung nagaway kami sa mall, doon ako nanghinayang. Sana pala hindi nako bumili kung hindi nya rin pala kakainin.
Makikipagbreak dahil sa selos, tapos sasabihan nyakong gago, manloloko, plastic tapos makikipagbalikan... tapos makikipagbreak? Tapos makikipagbalikan uli? Sinong hindi mawawalan ng gana dun sa mga sinabi nyang masasakit -_-
Ako na yung nakipagbreak tapos sasabihin nya ikaw din pala yung mangiiwan blablabla nagpromise promise kapa iiwanan mo din pala ko blablablablaaaa....
Ayoko sa lahat talaga is yung nagpropromise, gusto ko yung ginagawa ko ayoko yung nagpropromise ako tapos hindi ko naman gagawin, nagpromise lang naman ako dahil pinipilit nya lang ako magpromise na huwag ko sya iwanan kahit na sinabi kona ayoko magpromise gusto ko ginagawa ko dahil ang promise napapako din yan sa huli.
Tanggap nya daw ako pero sinusumbat nya lahat ng mga kamalian ko sa buhay.
Pero no choice sinusunod ko gusto nya, lalo na huwag pumunta sa ganito o huwag sumama kay ganito, ang tanga ko lang sa part na yun na sinunod ko sya. Mas pinili ko yung kaligayahan nya kesa sakin, ni hindi ko nga magawang pagbawalan sya eh,
Ayoko kasing sabihin nya nakakasakal ako.Alam nyo yung pinakamasakit? Yung pinabasa nya pa sa mga kaibigan ko yung conversation namin na nagaaway kami, then after nun boom wala nakong kaibigan kumampi sakanya pero okay lang sanay nakong binabalewala nalang. Kung sino pa yung mas kilala ka kumampi sila doon sa hindi nila masyadong kilala pa.
Alam mo yung feeling? Ang sarap sa pakiramdam na makalaya sa taong toxic o sa mga taong toxic.
You feel free!!! Nakakagala ka ng walang pumipigil sayo, nakakapagenjoy ka, chill chill lang pero may kulang padin...
You feel unloved and unworthy.
After nung nangyari na sinukuan ko sya nagpray ako na sana maging okay nako na sana mawala yung sakit at makamove on.
Then ayun pagkagising ko hindi nako malungkot, hindi kona magawang isipin sya, mas inuna ko muna sarili ko na mahalin muna ang sarili bago ka magmahal ulit.
Paano makamove on? Tanggapin at patawarin lang yung taong nakasakit sayo, goodterms na kami now friends na lang kami. ^-^
Ang gulo ng buhay ko hahaha.
Everyday i pray na sana makita o kausapin nako ng love of my life ko, wala naman mawawala kung magtitiwala ka.
I pray and i pray sya lang kasi yung person na matatakbuhan ko o makakausap ko kahit na may mga kaibigan naman ako.
I don't lose hope, faith and trust dahil ayun yung makakapagpalakas sakin.
Nakatingin lang ako sa kisame habang nagiisip isip at nagpapatugtog ng malulungkot na kanta haha drama diba.
Chineck ko phone ko at wala ni isang nagchachat puro gc hahaha bubulok na messenger ko.
Kaya napaisip akong bumaba nalang para maghanap ng makakakain.
Ohh mabuti bumaba kana, nagulat ako ng makita ko nanay ko ngayon lang kasi ko bumaba at ngayon palang ako kakain.
Nagugutom nako eh ano ulam? Naghahalungkat ako sa cabinet at ref.
Ito oh nagorder ako ng bonchon kumain kana dyan dahil nauna na kami kesa sayo, umupo na si mama sa sala at kumain nako.
Pagkatapos kong kumain naghalfbath nako at inayos na mga gamit ko sa higaan dahil ako'y matutulog na Zzzzz...
I pray again na sana makausap o makita kona sya >□<
Author's note;
Dumating na kaya yung pinagdadasal nya sana dumating na!!!! Nakakalungkot naman yung kwento ni zeinly pati ako nalulungkot perooo happy lang dapat!!!Read and Voteeeee !!!
BINABASA MO ANG
It Felt so Real
RomanceIt is possible that the girl in your dreams becomes the love of your life? When nothing is sure, Everything is possible.