Rei's POV
Middle school pa lang kami ni Rui, nung malaman ko na hindi naman talaga ako ang gusto niya. Narinig ko nun mismo nung nag-uusap sila ni Kyou. Magcoconfess dapat ako nun kay Rui nung birthday niya, kaso narinig ko ang mga katagang yun.
"Di ko gusto si Rei nuh. Hahahaha."
Because of that, I moved on and court another girl without Rui knowing. I don't want her to know that I courted someone else because I don't want to be hopeful about us. But now I know that she loves me ever since, what should I do now?
Rui's POV
Tawag ng tawag si Rei sa cellphone ko, pero hindi ko sinasagot. Ayoko na. Gusto ko na mag-move on sa kanya nuh. Makatulog na nga lang para mawala yung sakit.
Kay Sakura na lang siya.
Nung naisip ko yun, nag-music na lang ako. Nababanas kasi ako. Eto naman si Rei, nanliligaw nang hindi man lang sa akin sinasabi. Ano pa at naging mag-bestfriend kami? Hmph!
Pumunta ako ngayon ng maaga sa school. Ayoko siyang kasabay, pero nakakaantok.
"Rui." Oh, si Kyou.
"Bakit?" At nagulat siya.
"Lunch na, di mo ba napapansin?" Nagising ako sa katotohanan nung makita ko na nag-aalisan na ang mga kaklase ko papunta sa canteen.
"So-sorry, halika na." Pumunta na kami sa canteen at sobrang dami nang tao. Wala kami mahanap na upuan.
"Rui?" Si Yuuta.
"Wala rin po kayong mahanap na upuan?" Deretsong tanong ko sa kanya.
"Meron, gusto niyo maki-join kayo ng friend mo sa table ko?" Ngiting tanong ni Yuuta sa akin.
Papayag na sana ako, nang sumabat si Kyou.
"Apat po kami eh." Oo nga pala, si Ryou at Rei pa pala.
"It's okay, I'm just the only one in the table anyway." Pumunta na kami sa table at pang-animan yung upuan.
Hay, tagal naman ni Ryou at Rei.
Labing-limang minuto na kami naghihintay tsaka sila dumating at may dala pa nga na extra. Alam niyo na kung sino yung tinutukoy ko na extra. Sino pa ba? Si Sakura. Ang awkward lang dahil sa upuan namin.
Kyou Ako Rei
Yuuta Ryou Sakura
Bago pa man sila umupo ni Sakura, ibibigay na dapat sa akin ni Rei yung strawberry flavored na pocky kaya lang biglang sumabog ang bibig ng babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
Pocky Ko: Akin Ka-Este-Yan
Teen FictionPocky ko? Akin ka na simula pa lang. --- A/N: There's a sequel for this, two-shots din. (^^) Dahil favorite ko ang pocky, lalo na yung strawberry flavor. (T^T) Disclaimer: This work is fictional. The names, characters, businesses, events, and incid...