CHAPTER 2

8 0 1
                                    

"Miguel hindi ba sinabi ko sayo na ubos na ang share mo dito sa kumpanya! Kaya hindi na tayo pwede magsosyo! Ano ako nalang ba lahat ang kikilos?"
(Turan ni Don Villa Ruiz)

"Paano na ang gagawin ko? Hindj akk makapapayag na mauwi nalang sa wala lahat ng pinaghirapan ko! Mahal ko ang kumpanyang ito.. 'Don kinailangan ko ang pera para sa asawa ko lahat ginawa ko, ngaung bumangon ako ulit at walang wala hindi naman pwede na basta mo nalang ako iwan sa ere, magka sosyo tayo" ( wika ni Miguel na nakikiusap)

"Matutulungan kita.. pero sa isang kondisyon.
Para maisalba ang kumpanyang ito at magpatuloy ang pagsasama naten bilang business partner"

Miguel: lahat ng kondisyon ibibigay ko.. wag lang mawala sakin ang kumpanya.

Don: Ipakasal mo ang Anak mong babae sa Anak kong si Tristan. Sa ganung paraan papayag ako na ibigay ang 50% ng shares sa kumpanya ag magpapatuloy ang business naten hanggang sa pag tanda naten na ipapamana naten sa mga magiging apo natin.

Miguel: Don may sariling pag iisip ang anak ko at ayoko siyang digtahan sa kagustuhan niyang mamili kung sino ang mamahalin at papakasalan niya.

Don: Kung ganon, pag isipan mong mabuti ang maputol ang ugnayan natin sa kumpanya o ang plano kong ipagpatuloy ang kumpanya ngunit ipapakasal naten ang mga anak naten. Mamili ka kung ano magiging desisyon mo.

(Agad ay umalis na si Mr. Villa Ruiz at naiwan na lamang mag isa si Miguel sa opisina pagkatapos ng kanilang pag uusap.)

MIGUEL's POV

"Ayokong saktan ang anak ko kilala ko ang pamilyang Villa Ruiz sa tagal ng pasasama namin. Pero paano na ang kumpanya ko? Nakasalalay lahat ng ito sakin anong gagawin ko?"
"Kailangan ko gumawa ng paraan.. lahat gagawin ko sa kumpanyang ito.. tama.. kahit ang bagay na ito para narin sa kapakanan ng kumpanya at para sa pamilya ko"

(Agad ay umalis na si Miguel sa knyang opisina pagkatapos magpasiya)

Habang nag aayos ng kanya mga gamit sa knyang bagong opisina ay sumagi sa knyang isipan ang lalaking kninang nakabangga...

"Napaka antipatiko ng lalaking yun! Masyadong bastos hindi niya ba nakita ang dami kong dala? Halos nagmamadali ako dahil malalate na ko! Ano siya dito boss? Ang kapal naman ng mukha niya sabihan ako na "What the hell?? Are you blind??" Blaaahhh blaaahh blaahhh 🙄
Syempre hindi ko nga siya napansin! Saka isa pa wala akong pake kung sino man siya! Kaya wAg nga siya ano diyan."

(Nang biglang may kumatok)..

Miguel: Knock knock!!
(Agad naman pumasok ang kanyang ama sa knyang silid)

Miguel: Good morning anak! Naiayos mo na ba ang lahat ng gamit mo? Nagustuhan mo ba ang opisinang ito?

Catrina: Yes dad! Ang ganda ng opisina, maaliwalas at sa tingin ko dad makakapag work ako dito ng maayos..

Miguel: Mabuti naman anak. Mamaya mauuna na akong umuwi pagkatapos kong asikasuhin lahat ng paper works ko.. mag iingat ka pauwi.

Catrina: Thank you dad! Thank you for being the best dad ever!
(Mahigpit na yakap ang iginawad niya sa kanyang Ama bago ito umalis)

[ Sobrang pagod at stress ang inabot ni Catrina sa buong maghapon sa dami ng kanyang bagong gawain binigyan agad siya ng limang accounts na ihahandle niya maging pati ang sekretarya ay binigyan din siya upang may makatulong sa pag aayos ng kanyang mga gawain]

Habang nag aayos ay may kumatok sa kanyang opisina.

"Knock knock.." ..

Catrina: Bukas ang pinto. Please come in!

Pumasok ang isang balingkinitang babae na nakapusod ang buhok.. na may kataasan na kung kakalkulahin niya sa knyang isipan ay nasa edad 21-22 ito.

' good afternoon maam, ako po si Lara. Ako po ang ipinadala dito para maging sekretarya niyo maam' (at inilahad ang kanyang kamay kay Catrina.)

Catrina: Hi I'm Catrina Guillera Daugther of Mr. Guillerna 😊 Nice to meet you Lara.

Lara: Yes po na inform na po ako. Kayo po ang pala ang anak ni Mr. Guillerna napaka ganda niyo naman po pala at ang kinis (pagdadagdag pa niyo habang nakatingin kay Catrina.
'Akin na po iyan maam Catrina tulungan ko na po kayo'
( habang pilit na kinuha ang mga dala niyong box na may lamang mga papel na isasaayos niya sa knyang opisina)

Catrina: Anyways, ahhh you may call me Catrina nalang 😊 Wag mo na kong tawaging Ma'am alam ko namang hindi tayo nagkakalayo ng edad I am 23 yrs old and you are???

Lara: mabilis na sumagot ' 22'

Catrina: Nice! Ohhh dba?? Matanda lang ako ng isang taon sayo kaya Catrina nalang itawag mo sakin.

(Agad ay nagkatinginan ang dalwa at nagtawanan)






Pauwi na sila Catrina at Lara pagkatapos ng sobrang nakakapagod na trabaho nang sinabi ni Catrina na sumabay na dito. Hindi naman tumanggi ang dalaga ga'yong malapit lang din naman sa knilang bahay ang bahay nila Cristina.
(Lingid sa kaalaman nila habang papasakay na sila ng sasakyan ay may nagmamatatyag sa knilang pag uwi isang lalaki na nakasakay sa isang itim na sasakyan at pinagmamasdan sila)

"Enjoy your allday long! MAPAPASAKIN KA KAYA MAGPAKA SAYA KANA"
Ayon sa Isip ni Tristan habang nakaparada ang kanyang itim na sasakyan sa tapat ng kanilang kumpanya"

Tristan: Catrina Guillerna, Soon to be my wife and will be Mrs. Villa Ruiz! Small world Baby Girl! "Isang malaking ngiti ang bumungad sa kanyang labi habang mabilis na ipinihit ang kanyang sasakyan paalis sa tapat ng kumpanya"


Lara, San kaba banda dito? Medyo malapit na to sa bahay..

Lara: Dito nalang ako Catrina.. thank you!!

(Mabilis na inihinto ni Catrina ang kotse)

Binuksan naman ni Lara ang pinto at nagpaalam na dito. At sinabi din ni Catrina kay Lara "Bukas 8:30am daanan kita dito para sabay na tayo pumasok okay?"

Mabilis naman na sumagot si Lara "Thank you Catrina ingat ka sa pag uwi"

(Pagkatapos magpaalam ay agad na ding umalis si Catrina upang dumeretso umuwi)

(Pagdating niya sa knilang bahay ay nagpark na siya ng kotse sa tabi ng sasakyan ng kanyang ama)
"narinig niya na nagtatalo ang kanyang Ama at Ina at tila umiiyak ang knyang Ina"

"Pinakinggan niya muna ito bago pumasok sa entrance door ng kanilang bahay"
"Pigil hiningang natakpan ni Catrina ang kanyang bibig pagkatapos marinig ang lahat ng usapan ng kanyang ama"....
"Mabilis na tumulo ang ang kanyang luha sa kanyang nalaman hindi niya alam kung paano at paano haharapin ang magulang ngunit nilakasan niya ang kanyang loob habang dahan dahan na binubuksan ang pinto."


Soooo ayuuunn na nga! Haha nalaman na ni Catrina ang napaka laking desisyon ng kanyang ama! Abang abang tayo mga readers para sa susunod na nakakagulangtang na eksena. Will push this story hehe 😅😅 Kahit ako nabibitin na dito sa kwentong ito 😂
Marami pa kayong malalaman na kagimbal gimbal maging sa gwapong, masungit at walang modong si Tristan hahahah 😂

.
.
.
.

Forcefully Married a ManWhere stories live. Discover now