HUMUGOT ako ng malalim na buntong hininga saka ko inilibot ang paningin sa malawak na ilog na nasa harapan ko ngayon. Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin at malinaw sa paningin ko ang sinag ng araw. Kinalma ko ang sarili, ipinikit ko ang mga mata ko. Wala akong ibang marinig ngayon kundi ang pagaspas ng mga puno at mga ibong nag-lilipara.
Pumasok sa imahinasyon ko ang dating ako. Ang mga masasayang araw ko noon kasama ang taong nagbigay ng rason para ipagpatuloy ko ang buhay kong minsan ko ng binalak tapusin. Yung mga masasayang araw na kasama ko syang mangarap ng mga bagay bagay. Muling tumulo ang mga luha ko. Idinilat ko ang mga mata ko at hinubad ang kwintas kong may pendant na gold ring. Tinitigan ko iyong mabuti habang inaalala ko sa isip ang mga sinabi sa akin ng lalaking nangakong pakakasalan ako.
Masakit mang isipin, pero dito na nga nag-tatapos ang kwento naming dalawa. Dito na nga natatapos ang lahat. He's no longer mine, and I'm no longer his girl. Ang mga pangakong binitawan nya noon. Lahat yun ay naging abo. It's time for me to let go and set him free. Masakit man pero iyon ang dapat.
Goodbye and thanks for those memories.
“Honey! Kanina ka pa ba dito?!”
Ready na sana akong itapon ang sing sing sa ilog ng may bigla na lang lalaking humatak sa akin at yumakap ng pagkahigpit higpit. Pilit akong kumakawala sa mga yakap nya pero sobrang lakas nya kaya hindi ako makaalis.
“Ano ba?! Bi---”hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla nya na lang akong hinalikan. Nang-laki ang mga mata ko sa bigla. Hindi ako nakagalaw ng dahil sa gulat. It was just a soft kiss pero tumagal iyon ng halos isang minuto. Matapos ng nakaw na halik na iyon ay kumawala sya at inilapit nya ang mukha nya sa akin. Ngumiti sya ng ubod ng tamis saka nag-salita.
“I love you, Haru Lee.”
Lalong nang-laki ang mga mata ko ng sabihin nya ang mga katagang iyon. Ang mas kinagulat ko pa ay kung pano nya nalaman ang pangalan ko? Sino ang walang hiyang lalaking 'to?! It was just my first time seeing him! A tall snowy white skin guy. Unkempt brown hair. Small and pointed nose. Thin red lips. Very attractive ang mga mata nya, pero napaka-inosente ng mga ngiti nya. Mas nangibabaw ang kaputian nya dahil sa suot nyang white plain t-shirt. At mas lalo syang tumangkad dahil sa suot nyang black skinny jeans.
Hindi pa doon natapos ang kalokohan nya dahil may bigla na lang syang hinugot na maliit na box sa bulsa ng skinny jeans nya, napansin kong may tattoo sya sa ilalim ng kaliwang braso nya. Hindi ko maintindihan kung ano yun, pero mukhang unfamiliar letter. Luhod sa harapan ko dahila para mapaatras ako.
Anong ginagawa nya?! Taranta kong tanong sa isip habang ang mukha ko naman ay gulong gulo sa mga nang-yayari. Binuksan nya ang itim at maliit na box. Bumulaga sa akin ang isang may kanipisan na silver ring na napapalibutan ng twelve birthstones. Sandali akong namangha sa ganda ng ng sing sing. Pero agad ding nawala ng muli syang mag-salita.
“Will you be my half to complete my life?” gumuhit ang kwestyon sa mukha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nya ginagawa iyon samantalang ngayon lang naman kami nagkita. Hindi kaya nagkamali lang sya ng napuntahan dahil kamukha ko ang girlfriend nya? Anong nangyayari? “Marry me Haru Lee.” pero alam nya ang whole name ko eh! Why is he proposing to me?!