PANAY ang galaw ko sa kinauupuan ko dahil sa uncomfortable feelings na binibigay ng mga titig ni Lleu sa akin. Sa mga oras na ito ay nasa isang malaking masnyon kami. Sa loob ng isang malawak na kwartong may sariling living room. Naka-upo ako sa long, purple and green sofa habang si Lleu naman ay naka-upo sa armchair. Naka-de quatro habang ang mga kamay nya ay nakapatong sa tuhod nya.
Mahigit isang minuto na nya akong tinititigan at kanina parin nangingibabaw ang katahimikan sa paligid. Dahil sa awkward na sitwasyon, ako na ang bumasag ng katahimikan.
“Ano ba talagang rason bakit mo ako pinipilit na mag-pakasal sayo?” seryoso kong tanong. Pinipilit kong tumitig sa mga mata nya pero hindi ko magawa.
Tumayo si Lleu mula sa pagkakaupo at lumapit sa mini table na nasa harapan namin. Kinuha nya ang isang puting teapot at binuhusan nya ang maliit na teacup. Muli nyang inilapag ang teapot saka nya iniabot sa akin ang teacup. Inabot ko iyon na walang lingon lingon sa kanya. Trying to avoid his deadly glare.
“It's because I want to get back my badge.”
Nag-simula nanaman akong maguluhan. He needs to get back his what? His badge? “Your badge? Akala ko ba dahil gusto mo bumallik sayo ang ex mo kaya mo 'to ginagawa?”
Natawa sya, nakatayo parin sya sa harapan ko habang ang mga kamay nya ay naka-suksuk sa magkabilaang bulsa ng pants nya. “Hindi sya ang tipo ng babaeng kababaliwan ko.”
“Eh bakit nagtanong ka kanina...?” inalala ko ang mga sinabi nya kanina. Hindi naman ako nag-kamali. Tinanong nya ako kung nag-selos ba yung babae.
“Same as you. She rejected me. She's playing hard to get. Buti na lang naan doon ka. Ipinakita ko lang naman sa kanya na hindi sya kawalan. Sya ang nawalan.”
“Sandali... ibig sabihin nag-propose ka sa babae na yun kanina? At nang ni-reject ka nya, nakita mo ako at sakin ka nag-propose?” paglilinaw ko.
“Exactly!” tuwang tuwa pa nyang saad. Ang walang hiya! Nag-propose sa dalawang babae sa parehong araw, oras at lugar?!
Mas lalong luminaw sa akin ang motibo nya! Gusto nya lang mag-pakasal dahil may bagay syang gustong makuha! Tapos nun wala na! Goodbye na! Dahil sa sinabi nyang yun mas lalong hindi ko tatanggihan ang alok nya!
“Ilang beses ka ba ni-reject ng babaeng yun? Para ganung beses din akong tataggi at ng lubayan mo na ko!” patingala akong lumingon sa kanya. Ano pa bang ginagawa nya sa harapan ko at nakatayo pa sya doon!?
“Once.”
Muntik ko ng maibuga ang tea na iniinom ko ng dahil sa nabulunan ako sa sinabi nya. Once?! Tapos yun na yun? Bakit ako?! Ilang beses ko syang ni-reject pero heto sya ngayon! Dinala pa ako sa isang lugar na hindi ko alam!
Tumayo ako at kinompronta ko sya. “Ano?! Tapos ako makailang ulit akong humindi! Just because you know my father pipilitin mo ako ng ganito! No! I'm not gonna marry you! No way!”