Prologue

1.6K 67 2
                                    

Dear Taehyung, alam mo ba nung una napaka hard-to-get mo, pero nung pinagtabi tayo ng tadhana biglang nagiba ang ihip ng hangin. Oo, andun pa din yung pagka masungit mo pero atleast pinapansin mo na ako.

Habang patagal ng patagal ang pagsa sama natin marami na din akong nalalaman tungkol sayo. Marami na din tayong masasayang pinagsamahan at minsan hindi rin mawawala ang pagtatampuhan.

Nalaman ko din na simula pa man hilig mo na ang pagbabasa at pagkanta. Kaya nung nalaman kong may nag papa-audition para sa pagkanta agad ko itong sinabi sa'yo.

Pero alam mo ba Taehyung, parang nag sisi ako na ginawa ko yun. Kasi alam mo? simula nun bumalik na yung dati mong ugali, hindi ka na namamansin at ang masakit pa dun ay parang wala tayong pinagsamahan.

Ano ka ba Taehyung, ako to! ako yung minahal mo noon. Ako na lagi mong kasama, ako na pinangakuan mo ng pang habang buhay na pagmamahalan. Pero bakit ganon? bakit ka nagbago? bakit mo ako kinalimutan? may hindi pa ba ako nalalaman?

''I know it is a bad thing to break a promise, but I think now that it is a worse thing to let a promise break you.''

Oo, natupad nga lahat ng pangarap mo pero isa ba sa mga requirements ng pagiging sikat na singer ang past is past? na lahat ng mga nakaraan mo ay kailangang kalimutan? pero hindi naman diba.

Imposible namang nagka amnesia ka, kasi bakit yung mga kaibigan mo dati kinakausap mo pa din. Pero pag dating sakin bakit parang wala kang maalala? hindi mo na nga ba talaga ako maalala? o sadyang gusto mo lang akong pahirapan?

''Love is when the other person's happiness is more important than your own.''

Dear Taehyung  [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon