Taehyung

268 21 4
                                    

Dear Taehyung,

Sabi ko na nga ba eh, may gusto ka sakin. Haha! Nako nahuli na din kita Taehyung. Pano? May nakita kasi yung classmate natin sa notebook mo na letter at nakalagay "Dear Kristine" edi siyempre ako yun.

Ang nakaka pagtaka lang eh bakit mo'ko namimiss araw araw? Eh araw araw din naman tayong magkasama sa classroom, hindi pa ba sapat 'yon? Atsaka bakit ang drama ng letter mo sakin?

"Dear Kristine,

Alam kong baka galit ka saakin, pero namimiss kita araw araw. Sana maging close tayo kagaya ng iba, sana magkausap na din tayo. At sana magkaayos na din sila -----

From, Taehyung"

Napansin kong putol ang sulat na ginawa mo sakin, pero okay na yun. Ang mahalaga nalaman ko din na gusto mo din pala akong makausap gaya ng kagustuhan ko. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya, Taehyung.

From, Kristine

Dear Taehyung  [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon