Simula

2 0 0
                                    

"Buti naisipan mo pang umahon? Akala ko ilulunod mo yang sarili mo sa pool" isang tawa ang pinakawalan ni Abby habang umuupo sa sun lounger na katabi ng inuupoan ko. Tirik na tirik ang araw dito sa France.

Kinuha ko ang aking shake na kanina pa nalulusaw dahil sa sobrang init ng araw. Abby is my friend. Simula nong sinama ako dito sa France ni tita Helena, agad kong nakilala at naging kaibigan si Abby kasi girlfriend siya ng anak ni Tita na si Lyzander.

I've been telling her about what happen 3 years ago kaya ako napunta dito sa France. Ewan ko ba, almost 2 years na kaming magkaibigan ni Abby pero ngayon lang ako nagkalakas loob sabihin sa kanya ang nangyari. It's been 3 years pero sariwa pa rin sa aking mga alaala kung paano nila winasak ang pagkatao ko.

"Oy Reign wag ka ngang masyadong magsusuot ng masyadong fit na damit. Nagmumukha ka talagang baboy. Oink oink HAHAHAHAHA"

"Andyan na yung babaeng mukhang rice terraces. Sa dami ba namang pimples HAHAHAHA"

"Oy reign palobo ng palobo tayo ngayon ah HAHAHAHA"

"Reign ampangit mo talaga kahit kailan"

Iilan sa mga pangungutyang aking natatanggap habang naglalakad sa hallway papuntang classroom para sa next subject. Oo aminado akong pangit ako. Marami akong pimples. Palagi akong nagsusuot ng salamin dahil malabo ang paningin ko.Hindi rin fair yung skin ko. Sabog na sabog pa ang aking buhok dahil sa sobrang kulot. Ayaw ko naman magparebond kasi sayang sa pera. Hindi naman kasi kami mayaman tulad ng mga classmates ko.  Mataba ako dahil nagka PolyCystic Ovarian Syndrome (PCOS) ako. Kahit anong gawin kong pagpapayat hindi talaga ako pumapayat. Ayaw ko namang magpagamot kasi wala kaming pero tsaka mga 1 year daw yung gamotan ng may PCOS at may mga iniinom pa daw yun na pills na mahal.

Third year college na ako ngayon at kasalukuyang lumalaban sa lahat ng pambubully. Pagkapasok ko sa room namin agad akong umupo sa unahan kasi yun yung designated seat ko. Four minutes nalang at time na, namataan kung kakapasok pa lang ni Garrix sa classroom at agad siyang umupo sa tabi ko. Seatmate kami kasi magkasunod yung apilyedo namin which is Alonzo at Avuevo.

"Hi Reign" panimulang bati niya na may kasamang kindat pa

"Hello" nahihiya kong sagot. Hindi kasi ako sanay na may bumabati sakin na ganito.

"Sabay tayong mag lunch after nito?" paanyaya niya sakin.

2 weeks nang nanliligaw si Garrix sa akin. Araw araw ganito yung routines namin, pagkatapos ng klase sabay kaming magla-lunch tapos pagkauwi naman ihahatid niya ko hanggang may kanto lang kasi natatakot akong malaman nina mama na may naghahatid sakin.

Gwapo si Garrix, maputi, matangkad, may abs, sweet, tsaka mayaman. Basta nasa kanya na lahat. Tinagurian nga siyang campus hearthrob. Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami daming magagandang babae dito sa campus eh ako yung nililigawan niya. Kaya nga mas dumami yung haters ko ngayon dahil alam nilang nililigawan ako ni Garrix. Kesyo hindi raw kami bagay kasi mataba ako tsaka pangit pa.

Actually alam ko naman yun eh. Minsan tinatanong ko rin sarili ko kung bakit ako yung nililigawan niya? Pero masama bang magkagusto ang isang pangit sa isang gwapo? May rules ba na dapat ang magaganda para lang din sa gwapo? At ang pangit ay para lang sa pangit?

Dumating na yung proof namin at as usual lecture, quiz, attendance and then dismissed.

"Akin na yang libro mo" si Garrix yung nagdadala ng mga libro ko papuntang canteen.

Pagkadating namin sa canteen, bulong bulongan na naman yung mga tao doon pero hindi ko na pinansin. Iniisip ko nalang na masasanay rin ako.

Si Garrix na yung bahalang umorder ng kakainin namin. Pagkabalik niya, kumain na kami at kwentuhan rin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Love AgainWhere stories live. Discover now