Anak pasensya na ha?
Pasensya na kung makulit si Mama.
Pasensya na kung lagi kitang kinukulit at pinapakialamanan.
Di ko kasi mapigilan eh.
Siguro nagtataka ka ngayon kung bakit inaasikaso na naman kita.
Kasi diba simula nang grumaduate ka hinayaan na kita na ikaw na ang bahala sa sarili mo? Akala mo ba anak di ko alam na naiirita ka saakin? Akala mo ba di ko nahahalata na naiinis ka na sa ginagawa ko sayo? Anak alam ko lahat ng yun. Di mo man sabihin. Di mo man ipakita kapag nakaharap ako sayo. Ramdam kita anak. Mother's knows best ika nga diba? Kaya ramdam kita. Alam ko kung kailan ka masaya,galit,malungkot,pagod o kung ano pa man. Kaso kasi anak may nangyaring hindi ko inaasahan. May nangyaring di ko talaga inasahan at ayokong asahan. Yun ang rason kung bakit ko ulit ito ginagawa. Kasi alam kong mamimiss mo to. Kaya habang kaya ko pa. Habang nagagwa ko pa. Habang kaya ko pang iparamdam sayo gagawin ko. Dahil pagdating ng araw hahanap hanapin mo ang pagkalinga ng isang ina. Anak si Mama kasi patanda na ng patanda. Kung pwede ko nga lang sabayan ang paglaki mo gagawin ko na eh. Kaso anak malabong mangyari yun eh. Kaya pasensya na kung di na kita masasamahan sa pagtanda mo ha? Patawad kung di ko na maaabutan ang kasal ng aking anak. Patawad kung di ko na makikilala ang mapapangasawa ng anak ko. Patawad kung di ko na makikita ang mga apo kong naggagandahan at naggagwapuhan. Patawarin mo si Mama kung di na ako maka-attend sa pinaka special day mo. Sayang nga anak eh. Di ko na makikita kung gaano ba kaganda ang anak ko habang nakasuot ng isang mahabang gown na kulay puti at may belo sa ulo. Di ko na makikita kung paano kayo magpalitan ng wedding vows ng asawa mo. Di ko na masusubaybayan ang paglaki ng mga apo ko. Siguro naman anak may clue ka na kung bakit ako nagkakaganito ulit diba? Alam kong may clue ka na. Anak mahirap man para sayo na tanggapin to pero sana matanggap mo na aalis na ako. Na hindi na ako pwedeng magstay pa sa tabi mo. Na hindi na kita madadamayan sa mga problema mo. Na isang araw kailangan ko nang magpa-alam sayo. Anak tandaan mo lang lagi na habang buhay kitang mamahalin. Ilang beses mo man akong paiyakin,saktan o kahit ano pa man. Tandaan mo lang na lagi akong nandiyan para sayo. Hindi mo man ako nakikita o nahahawakan pero nararamdaman mo naman ako. Sana sa pag-alis ko wag kang umiyak. Dahil mas mahihirapan akong iwan ka. Hindi ko kayang makita kang nagdudusang mag-isa. Sana sa pag-alis ko maging masaya ka. Kasi ginusto ko rin ang pag-alis ko. Sana sa pag-alis ko ang tanging iisipin mo lang ay 'Di ako iiyak.Kung nasaan man si Mama ngayon alam kong masaya na siya dun.' Sana ganyan lang ang isipin mo. Dahil kung magiging masaya ka para saakin hindi na ako mahihirapan pang iwan ka. Alam mo bang ang iwan ka ay isa sa pinakamahirap na desisyon o gawin? Dahil kaming mga ina,walang ibang hinagad kundi ang sabayan kayo hanggang sa pagtanda niyo. Kaso kung sasabayan naman namin kayo magiging pabigat kami sa inyo. Alam niyo naman ang signs of aging diba? Kaya mahihirapan ka lang kung sasabayan pa kita. Anak ang tanging hangad ko lang ay ang iyong kaligayahan. Kaya sana wag kang umiyak. Lalo na sa harapan ko. Kapag nakahiga na ako. At payapang natutulog sa isang lalagyanan kung saan madaming nakakakita saakin. At kung dumating man ang araw na nakahiga na ako at natutulog ng payapa sa aking huling hantungan,wag ka sanang malungkot. Wag ka sanang manghina. Ikaw sana ang manguna para sumaya ang taong nakapaligid saakin. Wag mo sanang hayaan na makita ko silang umiiyak ng dahil saakin. Wag mo sanang hayaang umiyak sila sa harapan ko. Masasaktan lang ako anak. Tatagan mo sana ang loob mo.Wag ka sanang sumuko. Ako na mismo magsasabi sayo na sa una lang ang sakit na mararamdaman mo. After nun wala na yung sakit at hapdi. Hayaan mo anak papayagan naman kitang umiyak. Pero sana wag sa mismong araw kung saan lilisanin ko na talaga ang mundong ito. Pwede bang kapag feel mo ng umiyak? Kahit mga kinabukasan ba. Yung ganun? Kasi anak kapag umiyak sa mismong araw na yun mas mahihirapan ako na umalis. Ngayon pa nga lang na nagpapaalam na ako sayo para kapag dumating na ang araw na yun eh handa ka na. Di ka na mabibigla o magugulat. Ngayon pa lang anak nahihirapan na ako. Paano pa kaya pag dumating na yung oras ko diba? Kaya sana paalisin mo muna ako bago mo ipakita ang kahinaan mo. Pero sana anak pagkatapos mong umiyak ngumiti ka. Dahil hindi sa pag-alis ko titigil ang pag-ikot ng mundo mo. Maging malakas ka. Ipakita mo na kahit gaano pa kadami at katindi ang mga pagsubok o hamon na dinadanas mo eh kaya mo pa ring ngumiti. Maging malakas na para bang isang bangungot lang ang nangyari sa iyo. Yun ang gusto kong gawin mo. Anak maging masaya ka sana kahit wala na ako. Wag kang mag-alala. Binabantayan naman kita eh. Anak mahal na mahal kita. Ang tanging hiling ko lang ay ang ngumiti ka at magpakatatag. Ipagpatuloy mo ang buhay mo. Anak hanggang dito na lang ang kakayanin ko. Kailangan ko nang matulog. At sana bago tuluyang pumikit ang mga mata ko,gusto kong halikan ang anak ko. Gusto kong makita siyang nakangiti.
.
.
.
.
.
Hanggang sa muli...
.
.
.
.
.
Paalam anak!
And with that...her eyes we're finally closed...
.
.
.
Closed until forever <//3
•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•
A/n:So guys hanggat maaga pa itreasure niyo yung moments na kasama niyo pa yung mga Mommy niyo. Dahil malay niyo isang araw paggising niyo huli na ang lahat para magbago. Huli na ang lahat para itreasure niyo pa yung mga panahon na nakikita niyo pa sila. Panahon na nahahawakan niyo pa sila. Lalo na sa mga anak diyan na walang pakielam sa Nanay nila dahil ang katwiran nila ay 'Eh sa nakakairita na siya eh! Paulit-ulit na lang! Nakakarindi na!' 'She's too annoying!' or whatsoever. Always remember na kahit ilang beses pa kayong masuya sa ugali ng nanay niyo,wala pa ring papantay sa sakit na mararanasan mo kapag nawala na siya. Dahil nasasaktan ka na nagsisisi ka pa at nakokonsensya.
So guys yan yung "A Mother's Love (One shot)" na ginawa ko. Please do support my first story. My mistake! This story is basically my second story cause my first one was "My Relationship With Him Is" but because of some personal matters,I need to delete it. I know it was a sudden because I didn't informed my readers but I really need to do that. So sa mga readers ko sa "MRWHI" I'm really really sorry for disappointing you. I hope that you can understand me. Kindly read this one. And please VOTE.COMMENT.BE A FAN. of this story. Hope you like it!
BINABASA MO ANG
A Mother's love [One shot]
Short StoryPeople can love you easily. Love you truly. Love you to use you. Or whatever they're reason is. But A MOTHER'S LOVE IS REAL. IT IS ETERNAL. A LOVE THAT CAN'T NEVER BE REPLACED BY ANYONE. A LOVE that you'll feel ONCE IN A BLUE MOON or ONCE IN A LIFET...