Short 2

87 1 0
                                    

Nandito na naman ako sa Canteen, nakatunganga. Ayoko nga kumain, diet ako.

Nagulat ako nang may biglang nagtext.

From: Kuya High High

"I think I'm inlove, In Love sayo :)"

Baka iba na natira nito, mas malakas pa dun. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hinde. Totoo kaya to o trip lang? Nasabi ko tuloy yung nasa isip ko.

"Kung totoo man to, sana si Lux siya." Tss. Buti na lang walang nakarinig. Pagtingin ko sa oras, 11:11. Shit! Tamang tama sa pagwish ko. Tadhana nga naman ohh. Baka mamaya may kapalit na naman to.

Bumalik na kami sa room. At itong si Lux, ang kapal talaga ng mukha. Nakikipagtawanan ba naman sa kaklase naming si Claire. Naiirita ako. Namumula tenga ko ngayon, panigurado.

"Kalma lang. Pulang pula na yang tenga mo. Wala namang kayo kaya wala kang karapatang magselos." Tama nga si Hannah. Walang kami. Nagising tuloy ako ng di oras.

Tss, ang bilis talaga ng kapalit nung 11:11 wish na yun. Parang ayaw ko na talaga magwish.

Natapos na yung klase nang bigla na namang nagtext si Kuya High High.

"Pwede bang antayin mo ko sa may footbridge malapit sa V.Cruz, gusto kitang makausap."

"Di ko alam kung pupunta ako o hindi baka sindikato lang kasi to at may balak na masama sakin.

Nakita ko na lang sarili ko naglalakad papuntang footbridge. Naghintay ako dito.

Nagulat ako nung makita ko si Lux tumatawid papunta dito sa kinatatayuan ko. At mas nagulat ako nang bigla siyang hagipin ng isang truck.

Biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Di ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon. Para akong tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.

Napasigaw na lang ako. "LUX !!!!!!!!!"

Nilapitan ko siya at humingi ng tulong. Leche yung driver ng truck na yun tinakasan pa kami. Ang sama niya sobra. Sana siya na lang yung naaksidente.

May dumating agad na ambulansya para saklolohan siya.

Iyak lang ako ng iyak habang hinawakan ko yung kamay niya.

"Uy! Lux, gising gising din pag may time. Uso naman yun ngayon. Walang bastusan uy, kinakausap kita tapos no response." Para na akong sira dito. Dapat sa mental muna dumaan to para mahatid ako. Mukhang ako yung kailangang isugod ehh.

Pagkadating sa ospital, dinala na agad siya sa ER. Susunod pa sana ako pero pinagbawalan ako, wala akong nagawa kundi maghintay na lang dito.

Nakita ko yung nanay ni Lux papunta sakin. "ikaw ba yung kaklase ni Lux? Nasaan siya. Kailangan kong makita ang anak ko." Kitang kita sa mukha niya yung pag-alala. Malamang nanay niya to ehh.

"Ako po yung kaklase niya. Bawal po muna tayong pumunta dun. Sa ngayon, kailangan po muna nating maghintay."Grabe ang galang at lalim ng mga salita na nasasabi ko. Nanay niya kasi to. Nakakahiya naman kung hindi gagalang.

Mayamaya biglang lumabas yung Doctor. "Dok, Kamusta na po yung pasyente?" Tanong namin ng nanay niya.

"Okay na siya, pero hindi pa nating masasabing ligtas na siya. Hindi pa rin siya magigising. Maraming buto ang nabali sa katawan niya." Ba't ganun? Ang sakit. Gusto kong umiyak pero nakakahiya nandito yung nanay niya baka kung ano pa isipin.

Si 11:11 kasi may kasalanan nito. Ito talaga ata kapalit nung wisk ko kanina.

Si Kuya High High nga pala, nandun pa kaya yun? Tinignan ko yung CP ko pero walang message. Nantititrip lang ata yun. Nandito lang ako sa room ni Lux. Tinitigan siya magdamag. Di ko magawang kumain kasi inaantay ko yung paggising niya. Ang gwapo pala niya lalo pagtulog.

Hayy, pagtingin ko sa relo ko alas nuebe na pero wala pa din akong balak umiwi. Biglang pumasok yung nanay niya.

"Iha pagod ka na. Sige na umuwi ka na anong oras na. Baka hinahanap ka na ng mama mo. Ako na bahala dito. Salamat nga pala ulit." Pinapalayas na ko dito. Huhu. Oa lang. Tsk.

"Ahh sige po, Okay lang po yun. Pupunta na lang po ako dito bukas. Wala naman pong pasok bukas . Sabado naman po ehh. Sige po. " Paalam ko.

"Teka iha, anong pangalan mo?" tanong niya.

"Fantasy Canery po." tumatakbo bilang girlfriend ni Lux. Idudugtong ko sana kaya lang baka masapak ako ng di oras ng nanay niya.

"What a beautiful name. Sige. Bye Fantasy. See you. " Ba't ako hindi sinama sa Beautiful? Ay, oo nga pala dyosa to. Hehe.

"Sige po." Umuwi na ko at natulog ng maaga para makapunta ako ng maaga sa ospital.

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon