C H A P T E R 33

1.6K 108 7
                                    

Kiel Dominic Part 2

Tita Michelle invited our family and also the gang for Christmas Eve's Celebration, pasasalamat na rin daw dahil binalik namin ng buhay si Ella sa kanila. Since out of the country naman si Daddy at sina Sabrina at Ninang Samantha ay umuwi ng province nila para doon mag Celebrate ay agad akong pumayag dahil hindi ko pa nakikita si Ella simula kahapon nung umuwi ako galing Bulacan Hospital. Gusto ko ring mag Celebrate kasama sila, para na rin kasi silang Pamilya para sa akin.

But the Gang refused dahil gusto nilang makasama ang family nila na mag celebrate ng Christmas, yung oba naman ay hindi pinayagan kaya nagsuggest na lang sila na kung pwede ay i-move ang date. Pumayag naman si Tita Michelle at napagkasunduang sa December 27 na lang.

Hapon pa lang ay tinawagan na kami ni Tita na pumunta na, sinabi rin niya na dun na lang kami matulog. Syempre excited ako dahil makikita at makakasama ko si Mika pero pagdating namin sa kanila ay wala siya.

"Tita si Ella po?" hindi ko na napigilang magtanong nung mag-aalas siete na ay hindi ko pa rin siya nakikita.

"Nasa kwarto niya, baka natutulog. Kung gusto mo ay puntahan mo na para gisingin." sabi ni Tita, abala sila ni Manang sa pagluluto katulong yung isang kasambahay.

"Ahm wag na po tita, hihintayin ko na lang po siyang bumaba." nakangiting sagot ko.

"Ikaw ang bahala pero kapag gusto mo ay puntahan mo na lang siya at gisingin."

"Sige po." umalis na ako sa kusina at bumalik sa panonood ng TV sa sala.

Panay ang tingin ko sa wristwatch ko para tignan ang oras.

Mag-aalas otso na ay hindi pa rin siya bumababa.

"Oh wala pa si Mika?" tanong ni Tita habang may binababang tray ng pagkain sa center table.

"Napasarap po siguro ang tulog. Maganda naman po iyon para mabilis siyang gumaling." tugon ko.

"O siya kumain muna kayo ng konti para hindi kayo malipasan ng gutom sa paghihintay ng 12:00" ani Tita sabay haplos sa ulo ni Kyla.

Tumingin naman sa kanya si Kyla at ngumiti bago ibinalik sa kalarong si Mia ang atensiyon.

"Aakyatin ko na si Mika at baka wala ng maitulog yun." natatawang ani tita.

"Sige po." sagot ko. Umakyat nga si tita at ilang minuto ang lumipas ay mag-isa siyang bumaba.

"Maliligo lang daw siya at bababa na." nakangiting ani Tita.

"Hindi po ba siya naabala sa pamamahinga?"

"Mukhang hindi naman siya natutulog pero tinatamad daw siyang bumangon."
Tinatamad? Alam kaya niyang nandito kami?

"Wala pa nga sanang balak na bumaba, sinabi ko lang na nandito kayo." ani Tita.

Nakangiting tumango lang ako. Bumalik si tita sa kusina at itinuon ko naman ulit ang atensiyon ko sa pinapanood.

Magkakalahating oras na ng makita kong bumababa ng hagdan si Ella. Mukhang tinatamad nga o kaya ay may sumpong. O baka may dalaw? Tss.. Mga babae talaga.

Hinihintay kong tignan niya ako at batiin pero tuloy-tuloy lang siya at tinatamad na umupo sa sofa.

Ang cute niya sa suot niyang red dress na sumasayad sa tuhod. Wala siyang kahit anong make-up sa mukha at nakaladlad lang ang buhok niya pero darn! Ang lakas lakas ng dating niya para sakin!

Tinignan niya ako, nangunot ang noo ko. "H-hi." alanganin ang ngiti at kaway niya. Anong problema ng babaeng ito?

"Hi. May problema ka ba?" tanong ko.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon