Chapter 4

3 1 0
                                    

October 16 ngayon at 16 days na kaming magkachat ni Max

Ang gaan na ng loob ko sakanya parang daily routine ko na yung mga chat niya like gigising ako ng maaga may chat siya sakin

I don't know pero feeling ko gusto ko na siya lolokohin ko yung sarili ko kapag sinabi kong hindi

Nasa Classroom na ko ngayon kakapasok ko lang wala pa naman si Ma'am kaya inopen ko una yung RPA ko

And tadtad ako ng message galing sakanya

"Hi goodmorning"

"Ingat sa pagpasok"

"Chat mo ko kapag andiyan ka na sa school"

"Start ur day with full of smile"

"Para ngumiti ka isipin mo na lang kung gaano ako kaguwapo joke lang"

"Hey may quiz kayo diba mamaya galingan mo ilabas mo utak mo"

"Fighting Abo"

Yan yung mga chat niya napapangiti na lang ako masama bang isipin na jowa ko na siya? HAHAHAHA

"Hi nasa Classroom na ko wala pa si Ma'am ikaw din ingat ka, then makinig ka sa mga ituturo ng teacher nyo" reply ko sa mga chat niya

But sakto nakaopen pala siya

"Yes Sir ikaw din babye" yun lang reply nya

Dumating na si Ma'am syempre nagsermon una siya

"Asan yung Group 4 diba sa hagdan kayo nakatoka ngayon bat puro kalat sa hagdan" sabi ni Ma'am

Okay dahil Leader ako ng Group 4 ako nanaman ang pagagalitan

"Asan yung leader nyo, asan si Amy" tanong ni Ma'am

Kaya tumayo na ako

"Nilinis nyo ba yung hagdan?" tanong sakin ni Ma'am

"Ma'am pagdating ko po kasi tinanong ko yung mga members ko nilinis naman na daw po nila" pagpapaliwanag ko

"Late ka nanaman bang pumasok?" hindi ako sumagot sa tanong. "Leader ka pa man din lagi kang late, mamaya linisin nyo yung hagdan" sabi ni Ma'am

Umupo na ko at nagstart na siyang magturo

Pagkayari nya dumating na yung Math Teacher namin, syempre routine na namin yung lalabas wari iihi pero asa canteen kami bumibili ng pagkain

Dumating na Math Teacher namin at kami pasimpleng tumatakas papuntang canteen

Nang makapunta na kami sa canteen bumili na kami ng lugaw ni Zen tapos bumalik ulit kami sa room ng pasimple lang dahil kapag nahuli kami ni Ma'am Math susumbong kami non sa adviser namin

Nagtuturo siya tapos ako kain lang ng kain pagkayari nyang magturo may pinasagutan siya saming 1-5

I hate Math ang hirap ng mga formula wews don

Sa room namin is team work pasimpleng nangongopya yung isa naming barkada na si Hyro sa pabida naming kaklase tapos pagkayari papasa nya yung papel nya samin tapos pasa-pasahan lang hanggang magkaron kami ng sagot lahat

Pagkayari ni Ma'am Math recess ngayon at susunod T.L.E namin tinatamad akong pumasok kaya ayain ko na lang sila mag-escape

Nasa canteen kami pero di ako bumili ha nambuburaot na lang ako

Aayain ko sila mag-escape nang magsalita si Elaine

"Wala daw si Ma'am kaya wala tayong T.L.E" sabi niya

Kaya ang saya ko hihihi

Inopen ko na lang RPA ko at chinat si Max

"Recess time na namin ngayon at guess what wala kaming T.L.E" pagbabalita ko sakanya

Pero 5 minutes later wala padin siyang reply pero delivered naman chat ko means nakaopen siya di lang niya binabasa chat ko

Inopen ko message sa Pamilyang Naol nakita ko nagchachat siya doon kaya nagchat nadin ako

"Hi guys" bati ko sa kanila sa chat

Tapos si Max sineen lang

"Hi Abo wala kayong klase" chat ni Shawn

"Recess namin ngayon tapos yung next sub namin wala kaya tambay tambay lang muna ako" reply ko sa chat niya

Pero si Max nangseseen lang wala parin siyang reply sa Chat ko

Puta kung kelan nafall na ko saka ako iiwan wews sayo pareng Max

Pagkayari ng recess tambay lang kami tapos nagtuloy tuloy klase namin hanggang sa mag-uwian na ng hapon

Pagkauwi ko sa bahay tinignan ko kung may chat si Max pero sineen nya lang ako

"Hi nakauwi na ko ikaw?" chat ko sakanya

Pero nakaout siya kaya gumawa una ako ng mga assignment ko nang kinakabihan kumain una ako ng Dinner tapos inopen ko ulit RPA ko nakita kong nakaopen siya tapos di na ko nirereplyan

Hindi ako sanay na wala siyang chat sakin, pero ayokong mangulit baka sabihin tt hunters ako

Kung kelan nafall ako sayo tapos ipaparamdam mo ngayon na wala kang balak saluhin ako pakyu ka trenta

Kung alam ko lang na igoghost mo ko dapat inunahan na kita

Pero gago marupok ako eh huhuhu

So ano yun 16 days lang talaga tayo magchachat sana ginawa mo namang 20 days para sakto

AS:
"Ang mundo ng Rpw ay isang parang malaking laro sa isang online games, masaya pero may kaakibat na sakit kapag natalo ka. Kaya you need to be a good player para di ka masaktan"

To be Continued...

16 DaysWhere stories live. Discover now