Reena's POV
*Riiiing*
Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang isang napakalakas na tunog na nanggagaling sa bedside table ko.
"5 minutes" Kinuha ko yung unan na nasa tabi ko lang at idiniin iyon sa mukha ko.
*RIIIIIIING*
Hindi pa rin tumigil ang pagtunog nito kaya't sa inis ko'y dali-dali akong bumangon, pinulot ang alarm clock at binato iyon kung saan.
Kinuha ko yung cellphone ko na katabi lang din ng alarm clock ko kanina upang tignan kung may text galing kay Brice but I am so disappointed dahil wala.
Annoyed, I get up and went down to the dining room to eat.
"Mam, sabi po ng mommy niyo susunduin daw po nila kayo mamaya" Sabi ng katulong namin na si Yaya Maria "Bakit daw po?"
"Pupunta daw po kayo sa bahay ng kaibigan mg mommy niyo" tumango na lamang ako at dalidaling tinapos ang pagkain ko at naligo.
Matapos ng daily routines ko ay sumakay na ako sa back seat ng kotse at nagpa-drive papuntang school
- - - - - -
After 30 minutes here I am, standing outside our classroom. It's monday again and it pisses me off. I hate Mondays.
I leave a deep sigh before opening the door
"Sis!" I saw Madisson smiling very wide. Beside was her twin sister Alisson. What's with this two? Mukhang ang saya-saya ng araw nila.
"Hi there" Naupo ako sa tabi ni Alisson at nagpangalumbaba. It's only 7 in the morning and I'm already having a bad day. Why? Because my boyfriend, Brice, was nowhere to be found. He's not answering my calls nor text. Ugh, baka nambabae na yun (wag naman sana)
"What's with the face?" Nakangiwing tanong sakin ni Alisson. Kinuha ko yung cellphone ko, pinunta sa inbox tapos tinapat iyon sa mukha niya. Napa-'Oh' naman siya habang tumatango. Looks like she understand what I'm trying to say. Good.
Tinago ko na yung cellphone ko at isinandal ang ulo ko sa lamesa habang tinitignan yung pinto.
Napaangat ako ng ulo nang bigla na lamang itong bumukas, I'm hoping na siya na sana yung papasok but no. Hindi siya.
Pumasok yung teacher namin kasunod niya ay isang lalaking maputi na matangkad. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya, aaminin kong gwapo siya pero hindi yun ang dahilan. I can't take my eyes off his nose. Ang laki kasi eh. Hindi joke lang.
Hindi familiar ang mukha niya, it's in the middle of July so hindi malabong bagong transfer siya or late enrollee.
"Class, may bago kayong classmate. He tranferred school for some private reasons. Mind if you introduce yourself, Mr. Castillo" Nag-step forward naman yung bagong transfer na student. Yung mga kaklase ko naman nagbulungan, most of the girls (including the twins) giggled
"Kurt Russel Castillo. Nice meeting you all" Pagi-introduce niya sabay ngiti dahilan para maghiyawan ang mga malalandi kong mga kaklase. Hay, kairita.
"QUIET!" Natigil ang lahat sa biglaang pagsigaw ng teacher naming si Ms. Morales. Nakakatakot ang itsura nito at mukhang mangangain na ng tao.
"Ang babata niyo pa, kung magsitilian kayo parang ngayon lang kayo nakakita ng isang bagong transfer na estudyante? Naturingang matatalino, magaganda, gwapo at disiplinado ang mga estudyanteng naga-aral sa school na ito and yet dahil lang sa isang transfer students tila kayo mga baboy na kinakatay? Nakakahiya" iiling-iling na sabi ng teacher namin.
"Pasensya ka na sa inaasal ng mga estudyante dito, hijo. Sige maupo ka na sa tabi ni Ms. Veron" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ms. Morales. No, hindi pwede
"Mam, dito po nakaupo si Brice" Paga-angal ko. "Lilipat na lang si Brice sa likod ni Alisson" Bakit kasi magt-transfer tong lalaking to, sa araw pa na absent si Brice. Tsk.
Naglakad na si New transfer student papunta sa upuan ni Brice. Ibinagsak ko na rin lang ang ulo ko sa may lamesa. Hindi ko pa rin talaga matanggap na hindi ko na katabi si Brice
"Uh, hi?" Narinig kong nakikipag usap yung transfer student sakin pero sa halip na angatin ko siya ng tingin ay nanatili lamang akong nakatungo
"Don't talk to me. It's all your fault" nanlulumo kong sabi.
"Huh?" Naguguluhan nitong tanong. Ngayon iha-huh niya lang ako? Joke.
"Nothing" Inangat ko na yung ulo ko at pinilit na makinig sa mga lessons ni Ms. Morales.
"Ano nga ulit pangalan mo? Nakabuo na tayo ng conversation pero hindi pa rim tayo magkakilala" sabi ni New transfer.
"Reena Samantha Veron" sagot ko na lang para matigil na siya. Ang kulit kulit kulit kulit niys. Parang di ka niya titigilan hanggat hindi mo sinasagot yung tanong niya
"Cool name. I'm Kurt Russel Castillo" nakangiting sabi niya. Ngayon alam ko na kung bakit magtilian yung mga kaklase ko kanina. Gwapo pala talaga siya
Pero mas gwapo si Brice.
"Uy kinausap ni Reena yung new transfer student" -Girl 1
"Buti pa yun kinakausap niya. Tsk" -Boy 1
"Heh, feeling mo naman mapapansin ka ni Reena? Sa itsura mong yan?" -Girl 2
"Sikat ka pala sa school na 'to?" Rinig kong nakikipagusap nanaman siya.
"Uh... Yeah?" Alanganin kong sagot. Actually hindi ko naman talaga alamm kung 'famous' na ba tawagin yung araw-araw chismis, araw-araw maraming lamang chocolates and stuff yung locker...
I heard him chuckle. Abnormal na ata ang isang 'to.
"Why are you chuckling?" I asked
"Wala" sagot niya.
Ibinagsak ko na lang ulit yung ulo ko sa lamesa. Talking to this guy won't change the fact na hindi ko na katabi ang boyfriend ko. Besides, bakit hindi siya pumasok? Ugh!
Monday totally sucks! I hate Mondays!