Prologue: A GLIMPSE OF LIFE AND LOVE

246 2 0
                                    

Understatement nga siguro kung sasabihin kong naiinis lang ako. Dahil hindi lang iyon ang nararamdaman ko. Nagpupuyos ako sa galit sa lalaking kasama ko ngayon dito sa loob ng kotse habang binabagtas namin ang daan patungo sa reception.

Galit na galit ako sa kanya. Pero hindi pa rin maalis ng galit ang nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya.

"Hindi mo alam ang lahat, Rodmar. Hindi mo alam dahil matagal kang naging bulag. No, matagal kang naging manhid at hindi mo alam na sobrang sakit sakit na..." ang naiiling kong palatak habang nakatingin sa labas ng kotse.

"Alam ko na nasaktan kita kaya patawarin mo na ako. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan e. Pati ako. Dahil sa kahit na anong pilit kong pagtatago sa nararamdaman ko, lumalabas at lumalabas pa rin ang katotohanang minahal kita..." ang maluha-luha niyang pag-amin pagkatapos niyang lumingon sa akin at itutok muli ang atensyon sa pagmamaneho.

"At ngayon nga ay patuloy na minamahal... kaya pat-" hindi ko na pinatapos kung ano ang sasabihin niya. UGGGGHHHHH! Gusto kong magsisigaw! Nilamukot ko ang mukha ko at galit na galit na lumingon sa kanya.

"Mahal? Fuck you! Anong klaseng pagmamahal yan?! Pagmamahal ba kamo yung sa araw araw na nakikita kita at naaalala ko yung mga nangyare ay parang sinasaksak ng ice pick ang puso ko? And the worst thing is ikaw mismo ang sumasaksak dito sa tarantadong puso na 'to ng paulit-ulit!" Hindi ko na napigilan ang luhang bumaha sa magkabila kong pisngi.

"Natakot lang ako Francis sa mga posibleng mangyari. Bago sakin ito at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Patawarin mo na naman ako oh..." ang pagsusumamo niya kaakibat ang basag na boses. "Mahal na mahal pa rin kita at handa na ako ngayong itama ang lahat ng mga kamalian ko. Please Nyel, give me another chance." This time, tinitigan na niya ako habang patuloy sa pagbuhos ng kanyang mga luha.

"Bullshit! Wag mo kong matawag-tawag sa pangalan na yan! Ngayon mo pa sasabihin saking mahal mo ko pagkatapos ng lahat-lahat? Para ano? Para mapaikot mo na naman ako?!" Singhal ko sa kanya kasabay nang pagpunas ko sa pisngi ko.

"Para buuin kong muli ang puso mong hindi ko sinasadyang mawasak."

Nagpanting na ang tenga ko sa sinabi niyang iyon kaya di ko na napigilan ang sarili ko nang mapahagulhol ako lalo at agawin sa kanya ang manibela.

"Wasak na wasak na 'to kaya wala ka nang bubuuin pa. Mabuti pa sigurong mamatay na lang tayo para matapos na tong sakit na nararamdaman ko!" Sumisikip na ang dibdib ko sa kakaiyak at wala na rin akong makita sa daan.

Ipinihit ko pakaliwa ang manibela na siyang naging dahilan ng paggewang-gewang ng kotseng sinasakyan namin. Dahil dito ay nabunggo kami sa isang poste at naging blangko ang lahat sa akin.

Bumalik ang aking ulirat nang maramdaman kong dumudugo ang aking ulo. Pinilit kong imulat ang aking mga mata at inalala ang nangyari. Maya maya pa ay...

"Ma-mahal na mahal ki-ta Nyel. Pa-tawarin mo na...a-ako..."

Narinig ko siyang hirap na hirap sa pagsasalita at bigla akong nakaramdam ng matinding pagsisisi sa ginawa ko kanina. Humarap ako sa kanya at pinilit abutin ang kanyang mukha.

"Wa-wag ka na... munang mag- sa-lita... Everything will be alright..." Ang naiiyak ko nang pagsusumamo sa kanya ngayong nakikita kong napapapikit na siya.

Hinaplos ko ang sugatan niyang pisngi at nakita kong wala na siyang malay. Nakadama ako ng kilabot at pangamba sa aking buong katawan.

"Wag mo kong iiwan. Please, mahal na mahal kita Den-den... Sorry... huhuhu" ang garalgal kong sabi sa kanya.

Pinilit kong igalaw ang katawan ko at nagbabakasakaling makalabas ng kotse nang maya-maya pa ay may dumating na limousine. Ang inaasahan ko sanang ambulansiya ay naging limousine nga at nagsimulang lumabas mula rito ang tatlong malalaking lalaking mukhang goons pagkatapos ay iniluwa nila ang isang lalaking hindi ko makilala kung sino.

"Tulong!" Sigaw ko sa kanila. Lumapit sila sa akin at inalalayan akong makababa ng kotse. Gayon na lamang ang pagkagulat ko nang kinaladkad ako ng mga ito at isakay sa limousine.

"Aray... Si... si... Den-den... Tu-tulungan niyo siya..."

Yun ang huli kong nasabi pagkatapos kong mawalan ng malay at maramdamang humarurot na paalis ang kotseng sinasakyan ko ngayon...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Kailan Kita Mamahalin (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon