sad

2 1 0
                                    

RHAE

TAHIMIK kong tinitigan si Loey habang masayang nagke kwento sa akin. Sa totoo lang naiinggit ako sa kaniya. Sana katulad niya din ako na lagi lang masaya.

Sabagay saming dalawa ako naman yung may problema at nasasaktan, hindi siya. O ako lang nga ba talaga?

Niyaya niya akong kumain sa labas. Isang buwan na din nung nakilala ko siya sa coffee shop. Nagkapalit kami ng order nun at naka share ko siya sa table. Ayaw ko pa sana pumayag noon dahil hindi naman kami close at trip kong mag paka emo. Kaya nga lagi akong tambay dun dahil ang lakas maka music video ng feels. Hanggang sa lagi na siyang nakiki share ng table at naging close kami.

"Uy ang sabi ko yung cake mo durog durog na sa kakatusok mo." Bumalik ako sa realidad at napatingin sa cake.

Poor cake. I'm sorry.

"Ano nga ulit sabi mo kanina?" pag iiba ko ng topic.

Tiningnan niya muna ako bago huminga ng malalim at nagsalita. "I'll court you."

Literal na nahulog ako sa upuan. Shit.

Mabilis din siyang lumapit sa akin at inalalayan ako para makaupo muli.

"Shuta ka." Tanging nasabi ko lang sa kaniya na kinatawa niya.

Mabait si Loey. Sobra. Sa loob ng isang buwan, feeling ko nakilala ko na agad siya. Na alam ko na lahat ng tungkol sa kaniya. Pero hindi ko talaga inaasahan yung sinabi niya. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Kung anong sasabihin.

May sasabihin ba dapat?

"Wala ka naman dapat sabihin, Ae. I'll court you kasi gusto kita and I want to know you more. At ipapakita at papatunayan ko yun sayo."

Tumango ako at nginitian ko siya.

Ang sabi lang naman niya ay manliligaw siya diba? Hindi ko naman dapat ipressure yung sarili ko diba? Isa pa, hindi ko alam kung handa na ba talaga ako ulit. Parang ang bilis kasi.

"By the way, you look so beautiful with your new hairstyle." Sabi niya at nginitian muli ako bago pinagpatuloy ang pag kain.

Hinawakan ko ang buhok ko na hanggang leeg na lang na dati'y sa bewang ko pa umaabot.

I suddenly remember him.

Sino bang makakalimot? Almost 2 years ago ng iwan niya ako. Bigla na lang hindi nag text, tumawag, at nagpa kita. Pero sino ba ako para mag reklamo? Wala namang kami.

Oo walang kami.

Sobrang hirap pala talaga kapag wala kang pinanghahawakan. Yung wala kang maisumbat sa kaniya kasi hindi rin naman naging kayo. Pero sana man lang kasi nag sabi siya para aware ako. Ano, lahat ng pinakita niya at pinaramdam niya eh wala lang?

Bakit, Jax? Bakit bigla kang nawala?

NILIBOT ko ang paningin sa loob ng bar at nakita ko ang barkada na masyang nagkekwentuhan at nag iinuman sa di kalayuan

"Let's go?" Saad ni Loey at hinawakan ako sa bewang.

Sinagot ko siya after 1 week niyang sabihin sakin yun. Masyado bang mabilis? Basta ang alam ko gusto ko din mas makilala pa siya. Gusto ko bigyan ng chance yung sarili ko na maging masaya ulit.

sadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon