chapter 3

5 5 0
                                    

Nasa room na kami nina beauty  at tanya kanina pa nag kkwentuhan sina tanya at beauty  tungkol  kina james na ubod ng yabang.

Napag alaman ko ring basketball players pala sila.

Napatingin ako kay adrian at jason  na tahimik na nag ddrawing. Meron silang hawak na ballpen tapos gumuguhit pa sila.

Sila lang dalawa ang mag kasama kanina.
Tahimik lang si adrian .

Medyo utal mag salita si adrian hindi ko alam kung bakit . Kasi meron akong dating kaibigan na utal  rin  mag salita kapag kinakabahan.

"Madison" gulat  akong napaharap kay tanya nag lalaro sa kamay ko ang ballpen

"Bakit?" Tanong ko tumingin si tanya sa grupo ni stella na ngayon ay seryosong  nakatingin sakin

Tinaasan ko ng kilay si stella dahilan  para mas lalong mang gigil sya sa inis.

"Madison bigyan pa kaya natin ng leksyon" bulong ni beauty umiling  iling ako.

"Wag na next time na kapag mahaba pa ulit ang sungay nya agad rin nating  puputulin "  saad ko tumawa naman  si tanya at beauty  sa sinabi ko.

Napa tigil ang lahat ng biglang merong isang matandang lalaki na pumasok isang guro.

"Magandang tanghali" bati saamin ng lalaking guro na medyo mag edad na.

Napa titig ako ng ilang segundo sa kanya pamilyar  sya sakin  hindi ko alam kung  saan ko sya nakita?.

"Ako si mr . Mercado " pakilala ni mr . Mercado sabay sabay naman kaming naupo.

Pinaisa isa nya kaming mag pakilala

"Beauty madrigal " saad ni beauty sabay upo

Agad akong tumayo

"Madison  yessa" saad ko at akmang uupo na ng mag salita si mr.mercado

"Yessa?" Gulat nyang tanong agad syang lumapit sakin

"Madison yessa?" Ulit nyang tanong napa tingin naman ako kay Beauty na ngayon ay nag tataka rin sa kinikilos ni mr. Mercado

"Opo" saad ko nagulat ako ng biglang yumakap si mr. Mercado  saakin

"Ser" saad ko agad naman syang kumalas at tumayo ng tuwid.

"Sit down" saad nya agad nan akong naupo ...hindi maalis ang tingin ko kay mr. Mercado.

Bakit nya naman ako yayakapin?

Kialala nya kaya ako?o baka naman kilala ko kaya sya?

"A-adrian manalo" saad ni adrian tumawa ang mga kaklase ko

"Quiet !" Awat ni mr.mercado  agad namang tumahimik ang mga kaklase ko nakayukong naupo si adrian .....

Napa titig ako ng ilang segundo kay adrian bakit pati ikaw pamilyar?

"Class kung tatawanan nyo mali ng isang tao matatawag ba kayong isang student?" Tanong ni mr. Mercado dahilan  para mapalingon ako sa kanya napa iwas sya ng tingin ng mag tama ang paningin namin.

"Adrian right? " tanong ni ser kay adrian tumango tango naman si adrian

"Nauutal  lang  mag salita tinawanan nyo na" panimula ni ser saka nag simulang mag lakad

Nag lakad si ser papalapit kay adrian at tinapik tapik ang balikat.

"He's a good boy, handsome,  smart" saad ni mr.mercado

"Ngayon sabihin nyo kung karapat dapat bang tawanan ang isang gaya nyang isang tunay na estudyante?" Tanong ni mr. Mercado  wala namang naka imik ni isa sa mga kaklase ko.

SÓLO  TU Where stories live. Discover now