Chapter 1

6.8K 99 27
                                    

Love and Heartbreak

Simple lang ang buhay nya.Meron syang ama na sobrang mahal sya,may kaibigan na baliw pero laging nandyan para sakanya,maganda pa sya at may boyfriend di tulad ng iba dyan.

Meron syang boyfriend na medyo suplado pero gwapo at mahal na mahal nya ito.Naiintindihan nya rin naman ang ugali nito.Nasa isip nya na hindi naman perpekto ang lahat ng relasyon.

6 months na sila ng boyfriend nya.Nasa kusina sya ng bahay nila kasi uuwi na ang Papa nya at iniimbitahan nya ang boyfriend nya kasi ipapakilala nya rin ito sakanyang ama kaya nag isip sya kung ano ang ibabake nya.Hanggang sa huli ay chocolate brownies nalang ang naisip nyang e bake.

Makalipas ang isang oras ay tapos na rin s'ya.Nag ayos na sya sakanyang sarili hanggang sa natapos sya ay hindi pa rin dumating ang kanyang boyfriend.

"Nasaan na ba yun?Hindi naman yun nalalate."tinignan nya ang cellphone nya kasi baka nagtext sakanya ang boyfriend nya pero wala.Habang naghihintay sya sa boyfriend nya ay may ala alang pumasok sa isip nya.

*FLASHBACK*

May lalaking nakabangga sakanya pagkalabas nya ng classroom nya.

"Oh"sabi ng lalaki.

'Ang ganda n'ya.'sabi ng lalaki sakanyang isipan.

Sinimulang kunin ng lalaki ang mga libro nya na nahulog.Nagpasalamat naman sya.

"Pasensya kana,nagmamadali kasi ako.May naghahabol sakin.Sana makabangga kita ulit para masaya."wala syang nasabi sa sinabi ng lalaki.

'May itsura.'sabi nya sakanyang isipan.

"Ako nga pala si Klent"pagpapakilala sakanya ng lalaki.

"Hi,Flair"maikling pagpapakilala nya sakanyang sarili.

"Nice to meet you.I'll see you around."tumango at ngumiti lang si Flair.

Naramdaman agad ni Flair na komportable sya kay Klent sa hindi malamang dahilan.

Pagkatapos nun ay lagi na silang magkasama,inaaya sya ni Klent na sabay silang maglunch.Minsan hinahatid din sya sa bahay nito.Hanggang sa niligawan sya ni Klent at sinagot naman nya ito.

"Hoy."tawag sakanya ni Klent.

"Hoy ka rin.Sa'n ka galing?"hindi nya kasi ito nakita ng ilang araw

"Umuwi si Dad.Pinagsasabihan na naman ako na hindi nakakatulong ang soccer.Dapat daw mag focus ako sa business namin..blahblah"natawa nalang si Flair kay Klent."Ikaw ba?Anong ganap mo habang wala ako?"tanong sakanya ni Klent.

"Nothing special.Nanood lang ng movies tapos nag shopping ng konti kasama si Jaz"napatango tango nalang si Klent.

"May binili ka ba para sakin?Baka naman"natatawang sabi ni Klent.

"Wala e kuripot ako"natatawang sagot ni Flair.

"Awit naman"napahawak pa si Klent sa kanyang dibdib."Pero okay lang.I have something for you."

"Ano?"

"Here"may kinuha ito sa bag nya na isang maliit na kahon.

"It's the.."yung gusto nyang bracelet.

"Oo.Alam ko"natatawang sabi ni Klent.

"Paano mo-"

"Nakita kita na tinitignan mo yan noong lumabas tayo para manood ng movie.So,naisip ko na bigyan kita ng advance birthday gift haha."

Never let me go(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon