Chapter 14

714 41 4
                                    

Rans

"Wow dumating din, kala namin bukas pa kayo dadating." Bungad kaagad samin ni Sheki pagpasok palang.

Agad hinanap ng mata ko si Gabb. Pero si Coleen lang nakita ko.

Asan siya?

"Tara na? Gagi excited na ako!" Tuwang tuwa na sabi ni Belle.

Sana ol excited, hindi pala siya kasama. Akala ko pa naman.

"Sayang wala si Gabb." Hays. Sinabi mo pa Alice.

"Bakit wala si Gabb?" Di ko mapigilang magtanong. It's been a week na din kase since we last saw each other.

"Eh pinauwi ni Tito, ewan ko ba don. Mukhang gumawa na naman ng kalokohan." Bakit parang di maganda kutob ko don?

"Pero susunod daw siya." Dagdag agad ni Coleen.

"Tara na. Dami niyong dama. Oh Rans kay Aly ka ulit sasabay?" Tumango naman ako.

"Sure ka? Parang wala ka sa mood eh." Alalang tanong ni Aly sakin.

"Syempre di kasama jowa." Asar nila. Kahit kailan talaga. Mga epal sa buhay ko.

"Ulol. Di lang maganda gising ko." Isa pa yan.

Si Mommy tumawag, may pinapa-asikaso saking project. Eh sabi ko ayaw ko. Ayon cinut lahat ng cards ko punyeta.

Buti na lang talaga may sarili akong accoung na hindi na nila na-access.

So may pera pa ako. Duh. Ganon kapag matalino.

"Oh seatbelt ulit ganda." Masyado ata akong tulala ngayong araw.

Kase naman, feeling ko parang may something ngayon araw.

Dagdag mo pa yung biglaang pagpa-pauwi ni Tito kay Gabb.

Tapos di naman siya nag-text or tumawag.

Gawain ba yon ng matinong jowa? De charr lang.

Baka nga busy lang si Gabb.

Nagtext naman ako sa kanya for her to know na miss ko na siya.

"Wag mo masyadong ma-miss. Di na yon magpaparamdam for sure." Binulong niya yung last part. Punyeta di ko na naman narinig.

Rans baka kailangan mo ng magpa-check ng tainga mo?

"H-Huh?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, basta Rans." Hinawakan niya yung kamay ko. "Kahit anong mangyari, I'm always here for you."

"Alam ko naman yun,Ly. P-Pero baka mabangga tayo."

"Di yan, triple ingat ko no, kasama ko lang naman ata ang pinaka-magandang babae sa mundo." Kumalabog ng sobra yung puso ko ng marinig sa kanya yon.

Yun na yon ang sinabi ni Gabb nung gabing hindi siya nakasama sa party namin kaya bumawi siya.

Miss ko na baby ko.

"Korni mo na Ly." Tawa ko na lang.

"Sus, kinikilig ka lang." Kung si Gabb siguro baka sobrang kilig maramdaman ko.

"Ewan ko sayo Aly, magdrive ka na diyan."

I tried to dial Gabb's phone but it's just ringing.

Napahinga na lang ako ng malalim.

Ano ba nangyayari sa kanya?

Baka naman may babae si Gabb? Grabe naman, may asawa na, may girlfriend pa tapos hahanap pa ng babae?

Fixed Marriage✓[Republished]Where stories live. Discover now