Chapter 1

0 0 0
                                    

Chapter 1

Where Everything Started


One eyebrow raised, frowned lips, and arms crossed, I looked at the transferee introducing herself to us in front of the class.

Kung kailan magthi-third grading na saka naman ito lumipat sa school namin.

Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng nasa harap, she's a bit taller than me, has lighter complexion than mine, pretty confident and has weird full bangs na nakakadistract.

"You may sit on the vacant chair over there, Ms. Alicia," ani Ma'am Chie at itinuro ang upuang bakante sa likod ko.

She walked past me but she gave me a weird smile first before proceeding. Kumunot ang noo ko, nasobrahan sa pagiging friendly? Hindi ko siya pinansin.

Kinuha ko na lang ang black furry ballpen ko sa glittered pencil case ko nang nagsimula ang aming adviser sa kaniyang klase.

I was busy taking down notes when I heard someone whispering. Parang nagkukuwentuhan nang patago. Nagpanting ang tainga ko sa hagikgikan nila kaya pairap akong tumingin sa likod ko.

Naabutan ko 'yong transferee at ang katabi niyang si Eleanor na nagtatawanan, may binubulong pa si Alicia dito.

"Kindly, keep quiet naman, may nagfo-focus dito oh," saway ko sa kanila. It was too late nang na-realize kong medyo malakas pala ang pagkakasabi ko. They stopped laughing and looked in front, sa pagtataka, napatingin na rin ako.

"Ms. Abelardo, do you have to say something?"

Itinikom ko ang bibig ko at umiling, bumalik naman si Ma'am Chie sa pagdi-discuss. Sa pagkapahiya, medyo lumubog ako sa pagkakaupo pero may kumalabit sa akin.

A bit irritated at the harsh touch, I looked at Alison over my shoulder.

She smiled at me politely, "may extra ballpen ka?" she toned down her voice.

Tumaas ang kilay ko, kay bago bago rito, walang ballpen.

"Wala," sagot ko kahit mayroon naman talaga. Inignora ko siya at sa harap na lang tumingin.

"Patingin nga ng pencil case mo."

Wala na ngang gamit, pakialamera pa.

"Uy."

Ignore her, Madel.

Then I heard Eleanor whispered to Alicia, I don't know if it's whisper but I can hear it clear and loud.

"Huy, 'wag mong kulitin, masungit 'yan e. May extra ballpen naman ako."

I don't really know why most people think I'm "masungit," but I guess one of the reason is my resting face is a bitch face.

I ignored Eleanor's remarks though. Magsama sila ng transferee na feeling close.

Lumipas ang sumunod pang mga subjects na normal naman ang nangyari, nobody dared to talk to me again.

Recess time na at iniligpit ko na ang mga gamit ko. Laging pinapauna ko ang mga kaklase ko sa paglabas dahil ayaw kong makipag-siksikan. Tatlo na lang kaming nasa classroom kaya napagdesisyonan ko nang lumabas na.

Nasa hamba na ako ng front door ng classroom nang ang tumatawa at tumatakbo kong kaklase ay bumunggo sa akin. Halos tumilapon ako at huli na nang na-realize kong kaya pala ako nanlamig ay dahil sa lemonade-in-a-cup niyang natapon!

Nandidiri akong tumitig sa school uniform kong basang basa na at sobrang lamig. Nakita ko pa ang maliit na yelong nahulog sa sahig.

Iritado kong tiningnan ito, "look what've you done!" itinuro ko ang uniform ko.

"Oh," is the only thing he said while looking at my wet uniform. Nawala ang bakas ng pagtawa at napalitan ng pilit na ngiti.

Mavixon is such a nuisance. Siya 'yong kaklase kong basketball player na asshole.

"Tss, hindi kasi nag-iingat eh!" iritadong sabi ko at nagmartsa papuntang CR imbis na sa canteen.

Naghugas na lang ako ng braso. Nagdalawang isip pa ako kung lalabhan ko kahit ang blouse man lang pero mas lalo namang magiging basa ito. Winisikan ko na lang ito ng tubig at kinuskos, medyo nawala naman ang mantsa.

Not really satisfied with how I look, I went out of the wash room dahil naubos na yata ang break time.

Before sitting, I rolled my eyes at Mavixon who's watching me enter the classroom with his curious eyes.

Nahagip naman ng tingin ko si Alicia na pinapanood din ako, nginitian niya ako nang nagtama ang paningin namin. I just arched my eyebrow and took my seat.

Such a bad day it is.

While You're With Another OneWhere stories live. Discover now