Tumayo ako at humarap sa salamin
Nasa harap ko ngayon ang isang chinitang babae na may malalim na mga mata, nasa 5'3 o 5'4 ang taas, mayroon din siyang mahaba at maiitim na buhok at tamang-tama din lang ang kulay ng kanyang balat
Pero lumayo ako sa salamin, sak ko sinipat ang sarili ko, hindi ako sexy, hindi rin malaki ang future ko sa harap man o sa likod, napahawak ako sa iba't iabang parte ng katawan ko. Marami akong pimples at pimple marks, black at white heads, hindi perfect ang ngipin ko kaya ayokong ipakita ang ngipin ko sa tuwing may picture taking, hindi maputi kili-kili ko pero hindi naman sobrang itim at higit sa lahat mayroon akong bilbil.
Kung babasahin ulit mga sinulat ko, masasabi kong marami akong kapintasan sa sarili kong anyo pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako sobrang pangit, may natira pa rin naman akong kagandahan. Ayos lang sana sa akin kung ano ang hitsura ko pero biglang nagbago ang pananaw kong iyon nang makilala ko si Bryan, si Bryan Olano
Walang-wala ako sa ibang fans na nagkakandarapa sa kanya dahil sa picture pa lang sa mag social medias ang ganda na nila. Close na nila si Bryan at kung minsan pakiramdam ko para akong bulaklak na kamumulaklak pa lamang ay tumitiklop na sa isang paligid.
BINABASA MO ANG
Just for FUN or Just for a FAN?
FanfictionA Bryan Olano FanFic Story. Please do bear with my grammars and typo, I am not a pro. And just a very, very short reminder this story is a work of author's imagination and I hope that the readers who knows Bryan, especially Bryanatics won't be mad a...