Chapter 1

998 25 13
                                    

Love Predictor

Copyright © 2013 by altheaphobia. (nOiisynx)

All Rights Reserved.

No part of this book may be reproduced, or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and rerieval system without the prior written permission from the Author.

Genre : Teen Fiction | Romance | Short Story | Humor

Date Started : 01 / 01 / 2013

Date Finished : 01 / 01 / 2013

---

[Priya's POV]

'Yes'

"YES! Pri! yes ang sagot" sigaw ng mga baliw kong kabarkada. Inhiga ko ang aking kaliwang pisngi sa lamesa at bumuntong hininga ng malalim. Andito na naman itong kabaliwang ito ng mga kabarkada ko >___<

"Pri, anong nangyari sa'yo? Di ba dapat natutuwa ka dahil YES ang lumabas?" tanong ni Naira sabay hampas sa ulo ko. Naka salumpak na nga ang mukha ko sa lamesa lalo pang idinukdok. Leche >___<

"Nag papaniwala kayo dyan! Eh nag-sisinungaling yan!" buntal ko ng mai-angat ko ang aking ulo mula sa pagkakasalumpak.

"Tongeks!" binatukan ako ni Claire, napahimas naman ako sa aking batok. Ang sakit lechugas na babae 'to (=____=)7

"Ano bang sinasabi mo? Hindi mo ba tanda?! Dahil dito sa Magic 8 Ball na ito nagkatuluyan kami ni Andre. Tapos etong si Naira nakatuluyan nya yang boyfriend nya ngayon pati na rin si blah blah blah blah.." hindi ko na naintindihan pa ang iba nilang sinasabi dahil sawang sawa na ako sa mga naririnig ko. >_______<

Lumabas ako ng bahay na tinitirhan ko para mag pahangin sa terrace. "PRIYA LEI!" sigaw ni Claire ng makalabas ako. Pusta lima di nya namalayan na wala na ako dahil dal-dal siya ng dal-dal =_____=

Let me introduce myself, gaya ng sigaw kanina ni Claire my name is 'Priya Lei'. You can call me 'Pri' if you want to. It's up to you, down to me; 17 years of age.; Mag-isang nakatira sa bahay ko kasi sa ibang bansa nakatira sina mama at papa.; I have long black hair, pero pag nasisinagan ng araw nagku-kulay brown. Di masyado katangkaran. Ako na nga maliit -.- hihirit pa yan ;PP

Haaaay, di sila na nga ang may boyfriend at girlfriend. Sila na nga ang masaya. Sila na nga ang.... OMO!

bigla akong napaupo sa aking kinatatayuan ng may mahagip ang aking mata.

"Si Jelo" masaya kong bulong habang nakalumpasay pa rin sa aking kinauupuan. Di kakayanin ng mahaba kong hair na makita ang mahal ko ay este crush ko pala. Ang haggard ng fes ko tapos makikita nya ako ng ganito? No way! >____< Over my dead body! ;PP

Tumayo ako ng kaunti sa aking kinauupuan para silipin si Jelo.

"haaaay,ang gwapo talaga!" kinkilig kong bulong habang nag da-day dream. Tumayo na ako ng tuluyan. Di nya naman siguro ako makikita dahil madaming halamang nakalagasy sa terrace namin. Itinukod ko ang aking siko sa balustre at humalumbaba. Ang sarap nyang pagmasdan ni Jerick Louise, a.k.a JELO!

"hooy sinong gwapo?!" may bumulong sa tenga ko

"aaaaahhhh!" sigaw ko ng makita si Claire sa tabi ko. Lecheng babae to kita ng may tinititigan, panira =____= Agad akong napa-upo sa aking kinatatayuan dahil lumingon sa aming direksyon si Jelo. Nyemas talaga.

Love PredictorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon