Chapter 2

220 12 4
                                    

Nanlaki ang mata ko sa nabasa mula sa salamin ng bolang hawak ko.

'Signs point to yes'

Inulit ko ulit ang aking tanong. I shaked the ball and an answer pop out again.

'Most likely'

Hindi sila magkaparehas ng sagot pero iisa ang ibig sabihin. I lay onto my bed and giggled. Inulit ko ulit ng ilang beses ang tanong at lahat ng sagot ay magkakaiba pero iisa ang ibig sabihin. 'Yes'

***

"Hooy! Nako po!" paiyak na ngawa ni Naira habang hinahampas sa balikat si Claire. Nasa cafeteria kami ngayon dahil breaktime naming magbabarkada. Ang ingay naman nitong babaneg 'to! magsama silang dalawa ni Claire =_________=

"Problema mo?" kunot noong tanong ni Claire

"Nawawala!

"Ang alin?"

"Nawawala!"

"Leche ang alin nga?" Ano ba yan, ayaw sumagot ng maayos nitong si Naira, mainit na ang bait ni Claire (-__-")7

"Yung Magic 8 Ball. Kahapon ko pa napapansin na wala sa bag ko. Akala ko na sa'yo!" natatarantang pag ngawa ni Naira. Ako naman dedma lang na naka-upo sa sulok ng bench na katabi ni Trisha isa ko ring kabarkadang may boyfriend na. Oo ako na lang talag awal. Bakit ba pa-ulit ulit ko na lang na sinasabi na wala akong boyfriend at sila meron? Hooy! di ako naka-unli! Wala ako load! ;PP

"yun lang pal-- HA?!" sigaw ni Claire na napatayo sa kanyang kinauupuan dahilan para malag-lag sa semento ang pagkain nyang mamon. Pinagtitinginan na siya ng iba pang mga estudyante kaya naman nag-senyas ako na umupo na siya at nakakahiya.

"Saan mo inilagay?!" inis na tanong ni Claire habang ginugulo ang buhok nya. Lalong lumapit ang boyfriend nya sa kanya na naka-upo sa tabi nya para pakalmahin siya. Ako, eto pa rin patay malisya.

"Di ko alam! Pag dating ko sa bahay wala na sa bag ko!" paiyak na sabi ni Naira. Nasa bahay ko yung Magic 8 Ball nyo mga bruha! Teka ibig sabihin nakalimutan nila sa bahay yung bolang yun? Hindi nila ako binibwisit lang?

"Tama na nga yan!" awat ni Trisha na tumayo sa kanyang kinauupuan para pulutin yung pagkain ni Claire na nahulog sa semento. Dumaretso siya sa basurahan at itinapon ito.

"Paano na yan? Mahalaga pa naman yun dahil dun nagsimula ang lovelife natin.." malungkot ang tono ng boses ni Claire. Aba nagbago ang ihip ng hangin! Kung kanina galit siya ngayon kalmang kalma na! Iba na talaga ang naga-gawa ng boyfriend ngayon. tsk tsk tsk (=____=)

Habang nag-uusap pa rin sila sa nawawalang bola ay ako etong si patay malisya girl di nakikinig sa kanila at patuloy sa pag kain ng cookies. 

"Hoy baliw ka talaga kahit kailan!" rinig kong sigaw mula sa malayo. At mula sa malayo alam ko kung kaninong boses yun! Kay Jelo na crush ko! Naglalakad siya ng daretso at halatang inis na inis sa kanyang kaibigan. Ano na naman kayang ginawa ng mga yun sa crush ko? Makakatikim yung mga yun sakin ng sapak >___<!!

Agad kong inayos ang aking sarili at ibinalik sa lalagyan ang cookies na aking kinakain. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Napalingon sa direksyon kung saan kami naka-upo si Jelo. Ng makita nya ako ay lalong nadag-dagan ang inis sa mukha niya.

My reaction ~> (^o,^) pa pretty face pa yan at smiley face ng bonggang bongga

His reaction ~> (>_< !!) galit na galit ang mukha. Kunot na kunot ang noo. Yung totoo may problema?

Love PredictorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon