Lost and Found

22 0 0
                                    

Tiffany Reyes: Isang 2nd year college student na nag-aaral sa South Hills University. Nagmula sa isang may kayang pamilya. Simple, mabait, friendly, maputi, tama lang ang tangkad, di kapayatan. Isa sya sa mga kilalang estudyante sa school nila dahil sa pagiging maganda nya at mabait. Nag-iisang anak. Mala-fairytale ang buhay nya dahil nakukuha nya lahat ng gusto nya at ang atensyon ng pamilya nya.

Chapter 1

Tik tok, tik tok, tik tok, tik tok ~~

"OMG! Anong oras na pala. 6:00 na, kailangan ko ng mag-prepare. Late na naman ako nito" 

Oh well, araw-araw na lang ako nalelate ever since nagstart ang 2nd year ko sa college. Ewan ko ba kung bakit. Buti na nga lang at may kalapitan ang school at di ako napapagalitan ng mga profs. At ayun, nagmadali na akong naligo, kumain at nag-ayos. That’s it! Natapos na din at ready ng pumasok sa school.

___________________________________________________________

Nagmamadali na talaga akong umalis ng bahay kasi ang lapit na nga ng school tapos late pa. It will just take 30 minutes to be there. Kakaloka lang diba??

*BEEP*BEEP*

Mia:     Nasan ka na? 

She's Mia, my bestfriend ever dito sa school. She's so mabait, maputi, maganda, matangkad and simple, just like me :) 

'Nasan na kaya tong bakla na to. Late din siguro to XD. Maitext na nga bago pa to umiyak.'

Me :     I'm on my way. How bout you?

Mia:     I'm still here in the house. ^^

Me:     Nakakahiya naman sayo. Ang lapit na nga ng bahay natin eh mas late ka pa sa akin. Make fast my dear! :)

Kakaloka talaga tong friend ko.. Dumiretso na ako sa room namin, bahala na si Mia late sya eh! ... Pagpunta ko.. Good news agad, walang klase kasi wala yung prof.. Galing diba, nagmadali pa naman akong pumasok tapos ganun din.. Sa sobrang frutration ko eh pumunta na lang ako sa library para magbasa ng Korean books dun.. Sa paghahanap ko ng aking library card ay..

*bugshhhh*

"Ay sorry po!" Nasabi ko dun sa lalaking nakabangga ko. Sabay pulot na din sa books na naglalaglan. Nainis ako dun ah. Para syang di tumutingin sa daan -.- Argh!

"Ok lang po. Sorry ate, nagmamadali po kasi ako eh. Sorry talaga at di ako nakatingin sa dinaadanan ko." Todo sorry si kuya.

Pag-angat ng ulo ko, hindi na ako nakagalaw. OHMY!! Ang swerte ko naman yata! Sobra! As in sobrang gwapo ng nasa harapan ko ngayon. Sinong pwede tumulak man lang sa akin para makagalaw ako?? Teka, obvious na ata na na-star struck ako kay kuya. Mga 2 minutes akong ganun kaya naisipan na naman nyang mag-sorry.

"Miss, I'm really sorry. I never meant to.." Hindi ko na sya pinatuloy magsalita.

"I'm alright!" with matching SMILE :) Wew! He's so gwapo. How come ngayon ko lang sya nakita dito sa school?

Binigay ko na sa kanya ang books nya at nagpaalam na sya sa akin dahil super nagmamadali nga daw sya. Sayang naman! Yun na yun eh. :D

__________________________________________________________________________

Dahil sa sobrang pagka-star struck ko kay kuya na di ko man lang nalaman ang name eh nakalimutan kong papasok pa nga pala ako ng library. Papasok na ako nung may napansin ako sa sahig.

"Oh, ano to?" Pinulot ko kaagad at tinignan. Isa syang medium size, pink na hardbound na notebook. Medyo luma na rin ang itsura nito. Medyo faded na kasi. Binuksan ko sya para malaman ang info kung kanino ko isasauli to. Pagflip ko ng first page, may malaking heart na naka-drawing. For sure, girl ang may-ari diba? Flip ako ng flip when I reached the 5th page...

"DIARY?!" Anong ginagawa ng diary na to dito? Naliligaw? Sa kakaisip ko, ngayon ko lang na-realize na nakita ko sa part na pinaghulugan ng gamit ni kuya. Imposible naman sa kanya to. Pero kung sa kanya nga, bading sya ganun?? Oh my! -.-

Papasok na ako ng library ng nagtext si Mia na nasa school na sya. Pft! Wrong timing tong babae ng to, kung kelan naman oras ko na para magsipag. Lumabas na tuloy ako ng lib para puntahan sya.

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon