Chapter 2

18 8 0
                                    





Yuuri's Pov

Bwisit na lalaking yun. Dahil sakanya hindi natuloy ang pagpunta ko sa favorite spot ko, kaya sa school grounds na lang ako pumunta.

Uuwi na lang siguro ako, wala naman akong napapalang maganda sa tuwing first day ng pasukan eh, simula pa noon.

Habang naglalakad ako, hinalungkat ko yung bag ko para hanapin yung phone ko. Tatawagan ko na lang siguro yung driver namin. I don't ride my own car, para less hassle.

"Where is that pho—Aray!"

Napatigil ako sa paghahalungkat nung may nakabanggaan ako.

"Hey, watch where you're going!" I yelled at—

"You again?" Napataas ang kilay ko sakanila.

The Quadruplets again, huh?

"As expected, may balak ka na namang umuwi ng di pumapasok sa klase, so di na lang kami pumasok. Hindi naman ata pwedeng uuwi ka ng hindi dumadaan ang mga palad ko sa pagmumukha mo."

Nakapamaywang ang kanyang kanang kamay habang maarteng hawak ang bag nya sa kaliwang kamay, at syempre, mawawala ba ang pagtaas ng kilay nya?

"Yah right!" Yellowy

"Laging umuuwi ng talunan." Greeny

"Such a loser." Reddy

At mawawala rin ba ang mga asungot nya?

Pero ano daw? Laging umuuwi ng talunan? Bat parang wala akong maalala nun? Ang alam ko kasi ay ako ang laging tatalikod sakanila na may Victory Smile eh.

Arrghhh. I'm too exhausted to fight with them. So I just ignored them and walk away.

Pupungay-pungay ang mga mata kong nagpatuloy sa paglalakad dahil nararamdaman ko na talagang dadalawin na ako ng antok.

Tinapos ko pa kasi talaga yung bagong update ni DerVil kagabi eh, kaya mga 12 na ata ako nakatulog. Buti na lang at wala akong eye—

"Aray!"

Bwisit! Banggaan day ba ngayon? Bakit puro ako ang binabangga? Siguro kagagawan to ng Quadruplets na yun.

Sabi na eh! They're witch! I rolled my eyes in that thought. Nah, they're still an unknown creatures.

"Will you people stop bumping into me?! It's so annoying!" I yelled as I looked at that person with my head crease in.

"Oh Em Gee! So totoo na dito na sya mag-aaral?!" Yellowy

"Shems may gwapo sya in person!" Britney

"And how could that girl just shout at him like that?" Reddy

"Oh girl, you're so gonna die." Greeny

Di ko pinagpapapansin ang mga pinagsasabi nila dahil wala ako sa mood at wala naman akong naiintindihan eh. Saka ko lang napansin na dumarami na pala ang mga studyante sa paligid namin.

Yung iba kumukuha ng litrato nya, yung iba tumitili, yung iba parang hihimatayin na sa kilig, at yung iba naghuhubad na—but of course that's not true. Depende na lang kung may pokpok dito sa school.

Is he an artist para tilian nila ng ganyan? Well I can say that he's handsome, but I don't like to stare at him longer and tell his characteristics because I've had enough with those handsome creatures who always bumped me since this morning.

Baka mamaya gago rin tulad nung tatlo.

"They are right. You really are beautiful." He said and then flashed a smile.

Writer X Reader (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon