On the Way Home

11 1 2
                                    

Magkakasama kami ng squad nun. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan habang naglalakad sa kalye. Ayaw pa naming umuwi sa kanya-kanya naming bahay. Pasado alas siyete na iyon ng gabi. Kaya naman napagkasunduan namin na tumambay muna kami sa bahay ni Levi. Si Levi ay isang magandang babae, morena, parang living version ni Barbie ngunit napakadaldal.

Papunta na sana kami sa bahay ni Levi, nang biglang may humarang sa amin na lalaki at inaaya kaming kumain sa kanilang kainan. Iyong araw na yun daw ang opening ng naturang restaurant. Sa una, wala akong interes. Nakatingin lamang ako doon sa glass window kung san makikita mo ang loob ng restaurant. Wala namang espesyal dito, katulad lang siya ng ibang mga kainan.

At mukhang nadala sa sales talk ang mga kasama ko kasi sabi nila subukan daw naming kumain dun kahit na sa simula e umaayaw pa sila at sinabing may ibang kainan na kaming nais puntahan. Pagpasok namin, nahagip ng mata ko ang kitchen nila. Nakakita ako ng iba't ibang karne, may sausages and ham. Nakakatakam! Pero sa huli ang inorder ng squad ay noodles at fried rice lamang. Saan ka pa? Napakasagana sa carbs!

Masaya kaming kumakaing magkakabarkada. Hindi naman nakakasisi na kumain kami dun kasi malasa nga yung putahe nila. Mabilis ngang naubos ng mga kasama ko ang kanilang mga pagkain. Ako naman ay may kaunti pang natitira. At kung sinuswerte ka nga naman, nadulas pa ang pagkakahawak ko sa kutsara ko dahilan ng pagkakalat ng kanin sa mesa at sa sahig. Halos lumubog na ako sa kahihiyan nun. Mukha kasi akong batang hindi pa marunong kumain dahil doon. Maagap naman ang staff ng restaurant at nagbigay ng tulong na malinisan ang banda sa kainan ko.

Matapos kong maubos ang aking pagkain, nagbayad na kami at nagpasalamat sa staff ng naturang restaurant. Nagtagal pala kami doon. Mga 8:30 pm na nung makalabas kami. Medyo malayo pa ang babyahein ng iba kaya naman napagdesisyunan na sa susunod na araw na lang tatambay sa bahay nina Levi. Malapit na lang ang bahay ni Levi sa bagong bukas na kainan kaya naman hinatid muna siya ng boyfriend niya sa kanila. Kami naman ay naiwan sa labas ng resto, habang hinihintay ang pagbabalik ng boyfriend ni Levi dahil sabay sabay kaming maglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

Habang naglalakad kami papuntang sakayan, ang taas pa din ng energy ng kasama ko. Nagsasayaw sayaw siya habang naglalakad, na siya namang nagpatawa sa amin. Bale apat na lang kami nun. Si Denise, ang babaeng sayaw nang sayaw lalo na ng Maria ni Hwasa; si Ronnie, boyfriend ni Denise; si Nico, boyfriend ni Levi ; at ako. Napakaingay namin nun kahit gabing-gabi na. Natigil si Denise at yumuko nang may makasalubong kaming grupo ng mga doktor. Nahiya siya dahil nahuli siya ng mga ito na nagsasayaw.

Nang makarating kami sa kung saan pwedeng sumakay ng jeep, walang dumadaang jeep kundi sa kabilang banda na kalye lamang.

"Tawid tayo. Dun na lang tayo sumakay. Roundtrip na lang tayo. Kakangawit na tumayo. Kanina pa tayo naglalakad", ani Ronnie.

"Sige", sang-ayon namin ni Denise.

Tumawid kami papunta sa kabila. Hindi ko pa napansin ang paparating na truck. Mabuti na lang at nakapagbreak ito sa tamang oras. Nasabon pa ako sa driver na kesyo di nag-iingat. Medyo di pa din ako nakaget-over sa muntikan kong pakasagasa, nang mapansin kong nandoon pa din sa kabila si Nico. Inaaya namin siyang tumawid na pero andun lang siya, nakaupo sa mga sako ng bigas na nakatambak sa ilalim ng puno kung saan kami nanggaling.

Tumanggi siyang tumawid. Kung kaya naman, tumawid na lang kaming muli para samahan siya at doon naghintay ng masasakyan. Sa wakas, may berdeng jeep na walang katao-tao ang tumigil sa harap namin. Kakaiba nga ang jeep na ito dahil ang upuan ay hindi katulad sa  normal na jeep na pahaba at magkakaharapan ang mga pasahero. Para itong front seat ng isang taxi na hiwa-hiwalay ang upuan at nakaharap sa direksyon ng patutunguhan.

Pagkasakay namin sa jeep, biglang nagdagsaan ang mga tao. Kaya naman mabilis itong napuno sa isang iglap. Muli kong napansin na hindi namin kasama si Nico.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon