Chapter 6

573 36 0
                                    

Gaya nga ng sabi ni Joanna kahapon, bibisitahin niya ako. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit kasama niya ang dalawa—si Anton at Amylee— tapos may dala pa silang malalaking bag na animo'y mag-cacamping.


"Okay? What's happening? May picnic ba tayo at mukhang ako lang ang 'di nainform?" naguguluhan kong tanong sa tatlong taong nakahalukipkip sa may gate.


"Hehe. Makiki-sleep over sana kami, Jen. Mga two days lang naman." sagot naman ni Joanna.


"Ano? Bakit? Akala ko ba ay bibisitahin niyo lang ako?" nakakunot na ang aking noo. Anong trip ng mga ito?


"Nabalitaan kasi namin kay Joanna iyong nangyari sayo kahapon. So para makasiguro kami na ligtas ka, makikitulog muna kami dito." sagot naman ni Amylee.


"Huh? Hindi pwede. Bawal." tutol ko agad sa kanila. Buti mo nga kung maliligtas ako ng kasama ko kayo? Baka lalong mapahamak, pwede pa. Atsaka isa pa, magagalit sa akin si Lhei dahil bawal magpatulog ng outsiders dito sa boarding.


Hindi naman sila umimik pero kitang-kita ko ang pag-uusap ng kanilang mga mata. Mayroon itong hindi magandang binabalak. Naamoy ko na.


"Tumabi ka nga diyan." sabi ni Anton at bahagya nga akong tinabig patabi. Ay pota talaga.


Nang makapasok ito ng gate, humarap naman siya kina Joanna at Amylee. "Pasok kayo sa bahay ko. Sige lang. Tuloy lang kayo. Huwag na kayong mahiya." pagyayaya ng makapal ang mukha. Agad namang pumasok ang dalawang ugok kaya nauna na sila sa paglalakad. 


Hindi naman agad nagsink in sa utak ko ang nangyari kaya no'ng makatuhan ako ay dali-dali kong sinaraduhan ang gate at sinundan sila.


"Hoy, teka.." pigil ko sa tatlong feel at home na feel at home.


"Ito nga pala.." sabay abot sa akin ni Joanna ng isang papel na tuping-tupi. I frowned but she just winked at me. 'Ano ito?' tanong ko sa sarili ko ngunit hindi ko iyon binuksan. Mamaya ko na nga lang titingnan.


"Lhei, makikitulog muna kami ha." pagpaalam ni Amylee sa kababata ko na hindi ko alam na nandoon pala sa may veranda at nagkakape. 


"Sige lang." pagpayag naman no'ng isa kaya bahagya akong natigilan.


"L-Lhei.." tawag ko pa dito. He just gave a small smile.


"It's okay. I understand." he said. Ngumiti na lang din ako.


"Salamat." I said sincerely. Iginaya ko na ang tatlo papasok ng kwarto ko. Nang makaupo sila ay agad nila akong tinanong at nangalap na ng impormasyon patungkol sa nangyari sa akin kahapon.


"So ganito ang nangyari.." inumpisahan ko na ang magkwento hanggang sa ihatid nga kami ng pinsan ni Joanna pabalik dito sa boarding house.

Forlorn Like A Rose: Friendship Love||CompleteWhere stories live. Discover now