Chapter 1: Nothing's Gonna Change My Love For You

549 4 1
                                    

Chapter 1: Lars Point of View

'Wag!

'Wag mong babasahin 'to!

Nakakahiya eh.

Dito kasi ako nalalabas ng sama ng loob.

Parang diary. YUCK!

Bakit ka ba mapilit? Ano naman sa'yo kung malaman mo ang buhay ko? Ang tigas talaga ng ulo mo. Pero sana nung una pa lang kasing tigas na ng ulo mo ang ulo ko. Pero sige dahil mapilit ka. Sige GO!

Alam mo ba kung bakit ko 'to kinakahiya?

Lalaki ako...o diba nakakahiya? Saan ka nakakita ng lalaking may journal?

Hayy...sige basa lang.

Kung tutuusin pangkaraniwang binata lang ako.

Oo tama. 16 years old ako. Fourth year highschool. Sabi nila eto daw yung masayang chapter sa pag-aaral. Pero...

...sa 'kin hindi.

Hindi ako nag-eenjoy eh. Kasi...

Basta! 'Pag nalaman mo din ang kwento ko.

Hindi ka din matutuwa.

Ayan binabasa mo pa rin. Sige na nga. Ikikwento ko na.

Ako si Lars. Pero di ko tunay na panglan. May isang napakahalagang tao lang ang nagbigay sa 'kin ng ngalan na yan. Lance Alexander Raphael Silvestre

Haha! Tuwing binibigkas ko talaga yang pangalan ko natatawa ako.

Bakit? Mali ka! Hindi dahil sa mahaba.

Marami na kasing maling akala diyan sa pangalan kong yan.

Sabi nila pangalan pa lang mukha ng sobrang guwapo, ma-appeal, makisig, maangas, pang dream guy at kung anu-ano pang description na taliwas naman talaga sa kung sino ako.

Gusto mo bang malaman kung anung itsura ko? Kung ano ko? Kung anong tingin sa 'kin ng maraming tao?

Marahil... 'pag nalaman mo...

sana di mo na lang ginustong malaman.

Pero dahil mabait ako. Eto.

Pero wag ka tatawa ha!

Medyo payatin 'to kaya sakitin ako. Makapal ang buhok ko pero crew cut naman. At ang malala hati ang buhok ko sa gitna. (Oo na nakakatawa.) Kaya noong elementary ako inaasar akong "open book" ng mga kaklase ko.

At dahil lampa ako, hindi ako mahilig sa sports pwera sa chess. Yun lang naman ang sports na mental lang at hindi pisikal ang laging ginagamit. Matangkad naman pero 'di tulad sa mga tipikal na basketball player. May suot din akong salamin na may makakapal na lens at since first year ko pa. Nagsimula na akong magsalamin noong Grade 4 pa lang ako. Dahil na rin siguro sa libro ang lagi kong kaharap. Ang isang nobela ay kaya kong tapusin ng isang upuan lang. Mga libro nga ang maituturing kong tunay na kaibigan. Meron akong self-library sa tabi ng kuwarto ko. Kaya inaasar din akong "freak, nerd at weirdo" ng mga kaklase ko. Oo. Mama's boy din ako.

Wala rin akong group of friends.

Lagi akong nilalait ng nakababatang kapatid kong si Hannah. Tatlong taon ang bata niya sa 'kin. Konyo siya, may pagka-maldita.

Ilan sa mga sinabi niya:

"NO OFFENSE but... kung ako sa'yo kuya, I'll build my own island na lang. Then dun ka mag-dwell. Far away from the human civilization. Para naman 'di namin na-iistorbo ang mga out of this world na tulad mo."

"Buti na lang kuya you're so kind, gentle and matalino. Kahit papaano may kapuri-puri pa rin sa'yo. Haha!"

Take note. No offense daw.

Pero ayos lang. Kapatid ko yun. Bata pa siya. Pero kahit ganyan siya, mabait siya kahit papaano. Tinatawag niya pa rin naman akong kuya. Pinagtatanggol pa rin naman niya ko sa mga nanglalait sa 'kin.

Aminado naman akong katawa-tawa ako. Pero matagal ko ng wini-wish na sana may mga tao pa rin hindi nang-aapak ng kapwa tao. At kahit man sa dinami-dami ng taong nakapalibot sa 'kin na natatawa sa hitsura ko, sana kahit isa may makatanggap sa 'kin hindi lamang ang pamilya ko.

Nakakatawa ko 'di ba?

Samantala, ang mama ko naman ang taga-pagtanggol ko kay Hannah. Mabait siya, ma-alaga. Yun nga lang minsan para siyang animated. Basta malalaman mo na lang sa mga susunod kong kwento.

Papa ko? Ayun nasa Boston. Nagtatrabaho siya dun bilang Marketing Assistant ng isang Trading Company. Every 3 years siya umuuwi. Seryoso siya. Strikto.

Oh ayan naka-sulyap ka na sa pamilya ko. Malamang makakarelate ka na sa mga kwento ng buhay ko.

Nothing's Gonna Change My Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon