Chapter 4: Nothing's Gonna Change My Love For You

196 2 2
                                    

Chapter 4: Valerie’s Point Of View 

“If I had to live my life without you near me,

The days would all be empty.

The nights would seem so long.”  

Nakahiga pa rin ako sa higaan ko pero hindi pa rin ako kinakapitan ng antok. Nitong mga nakalipas na buwan puro problema na lang ang dinadala ko sa kanya.  

Noong nakaraan lang nasaktan ko siya at nadamay ko pa siya sa guidance. Dapat hindi niya nararanasan ang mga bagay na ganun. Nasasaktan ko siya pero hindi dapat. Pero nangyayari dahil sa ‘kin.  

Ayokong humantong sa panahong ire-reject din niya ‘ko kagaya ng nangyari sa ‘min ni Jane. Bestfriend ko siya simula pa noong first year pero nagdecide siya na iwan ako. Dahil nga sa kaguluhang nangyayari sa ‘kin nadadamay siya‘pag kasama niya ako.  

“With you I see forever oh so clearly,

I might have been in love before

but it never felt this strong.”  

Kaya ko lang naman yun nagawa sa kanya ay dahil ayoko ng nasasama siya sa mga gulong pinapasok ko. Sasabihin ko sana sa kanya na…siya ang dahilan kung bakit nakipag-break ako kay Chris. Buti na lang at mabait din si Chris. Naintindihan niya kung ano ang sitwastyon namin ni Lars.  

Pero naging magulo ang utak ko ng gabing iyon. Inisip ko kasi na baka ‘pag sinabi kong may nararamdaman na ‘ko sa kanya, i-reject niya rin ako. Na baka hanggang bestfriend lang naman ang tingin niya sa ‘kin.  

Pero hindi eh, ako ang mali. Maayos naman niya akong tinanong pero… Bakit ako naging ganun? Bakit ko siya ni-reject? Sa kabila ng kabutihang pinakita niya sa ‘kin. Wala pala akong karapatan na gawin ‘yun.  

Kung bakit ngayon ko lang na-realize na may nararamdaman pala ako sa kanya. Kung kailan komplikado na ang mga bagay. Kung kailan lagi ko na siyang nasasaktan.    

~~~

Lunes  

Paggising ko, inalala ko agad si Lars. Nagi-guilty na ako sa ginawa ko. Pero handa nga ba akong humarap sa kanya? Parang hindi ko pa kayang tumitig sa mga mata niya.  

Pagdating ko sa school, agad kong napansin na wala ang bike ni Lars sa parking. Pagpasok ko sa room, wala pa siya. Noong panahong ‘yon inisip ko late lang siya. Pero natapos ang klase, absent nga siya.  

Nang pinagtanong ko sa mga kaklase ng kapatid niya, hindi rin daw pumasok ang kapatid niya.   Nakakapagtaka yata?  

Pinuntahan ko ang bahay nila pero wala na nga sila doon. Sinabi ng mga kapitbahay nila na sabado pa lang daw ng gabi umalis na sila. Hindi pa ako nakakaalis ng bahay nila ng may napansin ako. May bagay na pumukaw sa pansin ko. Pinulot ko ‘yon sa may loob ng gate nila. Salamin pala ni Lars nakita kong bali sa gitna at nabasag ang kanang salamin.  

Marahil nahulog ‘to nung umalis siya. Pero kung nahulog ‘to ng hindi sinasadya dapat pinulot man lang niya. O hindi kaya, sinadya niya itong itapon.  

Kahit hindi ko siya nakita ng isang araw, parang namiss ko siya. Hindi pala, miss na miss ko na pala talaga siya. Sobra.  

Dumaan na lang ang mga araw, panahon, JS Prom at graduation…ng hindi ko kasama si Lars.  

Doon ko lang na-realize…na mahalaga pala talaga siya.  

Mahalaga.    

“Our dreams are young

Nothing's Gonna Change My Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon