Begin Again. (Kate-Nathan Story; One Shot)

4.7K 89 19
  • Dedicated kay Para sa lahat ng naiwan, niloko at nasakatan.XDDD
                                    

BEGIN AGAIN

(The Kate-Nathan Story)

“Being BABAERO doesn’t make you gwapo. It makes you.. gago, tarantado, sira ulo, tang ina mo! Hayop ka! Manloloko!

LIKE!

Status ‘yun sa FB. Nakita ko lang habang nagbabasa ng newsfeed ko. Totoo naman di’ba? Karamihan kasi sa mga lalaki ngayon—ultimo yung mga hindi naman talaga pinagpala ng napakagwapong mukha—e dinaig pa ang mga babae sa sobrang kalandian. Pero I’m not putting all the blame sa mga kalalakihan, of course, those girls also take part sa kalokohan. And again, hindi ko naman nilalahat. Meron lang talagang  mga babae na walang bait sa katawan, alam ng taken na, papatulan pa!

Where’s the logic in that?!

Ganun na ba sila kawalang respeto sa mga sarili nila para makipagsiksikan lang???

Tapos eto namang mga naiwang babae—or shall I say mga niloko—sasayangin ang oras sa pagkukulong sa kwarto. Pag-iyak ng walang humpay. Halos patayin ang sarili sa hindi pagkain. At kulang na lang mag-suicide. I mean, ano namang mapapala mo kung kakaawaan mo lang ang sarili mo at pagmumukmok habang ang haliparot na EX mo ay ligayang-ligaya sa bago niyang prospect?! Di’ba?! And you’ve read it right. PROSPECT. Dahil ang mga lalaki, hindi yan matatali sa isa lang. Oo, sabihin nanatin na head over heels siya sa’yo sa umpisa, pero dadating at dadating ang panahon na mananawa yan. Kumbaga sa putahe, kahit ikaw na ang pinakapaborito niyang kare-kare, kumpletos rekados ka na, may gulay sabaw at karne ka na, may extrang alamang ka pa, e hindi naman nila matatagalan na forever na lang na ikaw ang titikman (pardon my word, pero nagko-compare ako ng pagkain dito ha). Mauumay yan. Kung hindi yan kukuha ng atchara para matanggal kahit papano ang pagkauta niyan, e titikim at titikim yan ng ibang ulam. What will happen to you? The kare-kare? You will be left behind. Echapwera habang nag-eenjoy siya sa ibang putahe na nagustuhan niya. Mapapanis ka! Kahihintay na SANA manawa na siya sa bagong nagugustuhan niya at mapansin ulit na naghihintay ka pa rin sa kanya.

And let’s assume na na-realize niya na mas gusto pa din pala niya ang paborito niya, at bumalik siya sa all-time favorite kare-kare niya, babalikan mo pa din siya? Kahit na alam mo na niloko ka na niya minsan at hindi malayong mangyari na gawin niya ulit yun sa’yo?

At kapag masyadong matigas yang ulo mo at nagpadala ka pa din sa mabulaklak niyang pananalita at pangakong magbabago at hindi ka na muling sasaktan, wala na. Hindi ka pa nga guma-graduate sa pagiging tanga, dadagdagan mo pa ng additional units ang DEGREE mo!

Nag-logout na ako. Masyado talaga akong naaapektuhan sa mga simpleng status or whatever na cheverloo na kagaya noon. Nakakaloka naman kase. Harap-harapan ng niloloko, nagbubulag-bulagan pa din. Psh!

Hi! Pasensya na kayo, nauna pa yung mahabaaaaaaaang litanya ko bago ako magpakilala sa inyo.

Ehem. Ehem.

Ako nga pala si Katherine ‘Kate’ Buenavista. Fresh college grad pa lang ako, Journalism. Kaya para sa mga nag-iisip na matanda na ako dahil sa mga sinabi ko kanina, pwes nagkakamali kayo. I’m 20 years young and FREE!

Napaling ang atensyon ko ng biglang tumaas ang boses ng lalaki sa katabing table ko. May kasama siyang isang babae na nakatungo lang habang pinagsasalitaan niya. Nasa coffee shop kasi ako ngayon. Wala lang. Tamang tambay.

Hindi ko maiwasang hindi tumingin dahil agaw-pansin naman talaga ang usapan nila.

“Akala ko ba malinaw na sa’yo na ayoko nga na pumasok ka dito? Di’ba nag-usap na tayo?!” 

Begin Again. (Kate-Nathan Story; One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon