" OH EM GI .."
Ang romantic naman ng lalaking to.
Dapat na ba akong kiligin sa mga pakulo ng caller ko ."HINDI STELLA !! Remember dyan ka din pinahulog ni Ethan noon sa mga romantikong pakana nya. You've already suffered from depression and heartbreaks baka maulit na naman yon pag kumagat ka sa pain ng lalaking yon." These are the words that suddenly entered my mind.
Yung puso ko nakamove on na pero yung isip ko talaga yung may problema .
Gusto ko din naman makaranas ulit ng kakaibang saya.
Gusto kong sumugal sa taong hindi ko pa nakikilala .
Napabuntong hininga na lang ako sa pagtatalo ng isip ko . Sa totoo lang isa lang naman ang utak ko pero feeling ko dalawa sila , kase naman madalas silang magtalo. Laging magkakontra sa lahat ng bagay .
Naupo ako sa harap ng table na maraming bulaklak at pinag iisipan kung ano ba ang dapat kong gawin.
Tumatakbo ang oras at hindi ko na namalayang mag uumaga na pala .Tiningnan ko sa wrist watch ko kung anong oras na . Then booom !
ALAS TRES na ng Umaga.
Ganon na ba ko katagal nakaupo dito ? Halos hindi ako dinapuan ng antok.
Kung kayat kinuha ko muna ang cellphone at earpod ko sa bag at nakinig ng music.
Bakit nga ba ang puso
Pag nagmamahal na
Ay sadyang nakapagtataka
Ang bawa't sandali
Lagi nang may ngiti
Dahil langit ang nadarama
Para bang ang lahat ay walang
hanggananDahil sa tamis na nararanasan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan ...
ninamnam kong mabuti ang bawat lyrics ng kanta ng biglang pumasok si Monique.
" good morning po ma'am stella , hindi po ba kayo nakatulog sa sobrang kilig ?" aniya .
" Hehe neknek mo monique , Alam mo naman na hindi ako nadadala sa mga pabulaklak effect na yan ." Pero sa totoo lang medyo kinilig talaga ako .
Close ako sa mga empleyado ko kayat nagagawa din nila ko asarin paminsan minsan .
Kinuha ko ang phone na nakapatong sa table at napagpasyahan na i unblocked na si Unknown caller ko dahil sa pasurprise na ginawa nya . Lalo sumidhi ang pagnanais ko na makilala sya .
Kung kanina ay hindi ako makaramdam ng antok ngayon naman ay panay na ang hikab ko .Mga ilang minuto pa akong naglagi sa shop at napagpasyahan ko ng umuwi.
Papasok na ako ng aking kotse ng may mamataan akong isang lalaki na nakatayo sa may hindi kadilimang parte ng kalsada, Matangkad at nakasuot ng itim na Tshirt at maong pants na may suot din ng black na cap .

BINABASA MO ANG
Unknown Caller ( Completed )
RomanceIsang babaeng sinubok ng tadhana . Masyadong mapusok dala ng kuryosidad , nakisabay sa alon ng buhay. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil ang kanyang lalaking minahal ay siya pa lang dudurog sa kanyang pagkatao. Lumipas na ang ilang taon ngun...