-
Napatawa nalang ako realizing how good he was on taking good care of you and making you happy the way I used to. It's almost been 6 years since the last time that I saw that precious smile of yours. Ang mas masakit lang sa part na ito ay yung hindi na ako ang dahilan ng pagngiti mong yan.6 years, sapat na sapat na ang panahong yan para makalimutan sa mga masasakit na ala-alang dinulot ng nakaraan pero hindi pa din ako nadadala, napakaengot ko padin.
Paano ko makakalimutan ang taong nagbigay ng malalim na kahulugan sa buhay ko? Yung taong nagturo sakin kung paano magmahal? Yung taong kahit madaming masasakit na bagay ang ginawa sakin but still sya lang din yung taong minahal at pinahalagahan ako noon, paano ko makakalimutan yung isang tulad mo?
Napabuntong hininga nalang ako at napahiga sa aking malambot na kama. Hindi ko pa din mapigilang alalahanin ang mga nangyare kanina, para bang sobrang bilis ng mga 'to.
-
(FLASHBACK)
Papasok na ako ngayon sa isang ice cream store,yes an ice cream store just to treat myself. Habang nasa may counter ako't namimili ng flavor ay di inaasahang may nakabunggo akong bata. Agad naman itong natumba kaya dali-dali ko syang pinatayo at kinamusta."Sorry bata ah,ayos ka lang ba?"Nag-aalalang tanong ko dito at hindi pa nga nakasagot ang bata ay may pumagitna na agad saming isang lalake.Hinila pa nito ang bata papalayo sa akin.
"Anong balak mo sa kanya?tarantado ka ah." Sigaw sa akin nung lalake na agad ikinalaki naman ng mata ko.teka anong pinagsasabi neto?
"No,no, it's not like what you're thinking. I just want to apologize to your son because I just bumped into him earlier." Pagdidipensa ko with hand gestures pa.
"Sa susunod kasi wag kang tatanga-tanga, di ka naman siguro duling diba? Tsk tara na ethan."sabi nya saka hinila ang bata palalabas ng store. Pinagmasdan ko lang sila habang papalabas at lumapit sa isang babaeng nakaupo sa may labasan. It's no other that the girl that I really love the most. Unang kita ko palang sayo ay wala pa ding pinagbago kahit sa 6 years na hindi tayo nagkita,ikaw padin ang mahal ko.
-
(END OF FLASHBACK)Napatigil naman ako sa pag-iisip nung biglang nagvibrate ang cp ko na kasalukuyang nasa dibdib ko nakapatong.Agad ko naman itong kinuha at sinagot kahit na unregistered ang number.
"Hi alas! I'm sorry for disturbing you btw it's me y/n." Halos naestatwa ako sa kinahihigaan ko ng marinig ko ang boses mo, totoo ba talaga tong mga nangyayare?
"Kung nagtataka ka kung kanino ko nakuha yung number mo, si Dwayne nagbigay sa akin nito. Tinawagan ko na kasi kung makakadalo sya w/ his daughter sa 6th birthday ng anak kong si ethan then sinabi nya na isama ka daw."
"Ah haha, kaya naman pala." Hindi pa ding makapaniwalang sagot ko. Si Dwayne talaga,isang kaibigan na maaasahan.
"Pumunta ka ah?Bring your kids with you,for sure na mageenjoy sila bukas sa party."
"Wala pa'kong mga anak, still enjoying my adult life."
"Oh really? Pasensya na akala ko kasi talaga may mga anak ka n--."
"Ayos lang hahaha,pupunta pa din naman ako bukas andun naman si dwayne."
"Ok then see you tomorrow alas! Thanks for accepting my invitation." Paalam mo saka pinatay ang tawag. Nakangiti naman ako habang nakatingin sa kisame, excited na ako sa mangyayare kasi bukas ay magkikita nanaman ulit tayo.
-
Ang bilis ng oras at hapon nanaman ngayon. Papunta na ako sa address na sinend mo sakin kagabi pagkatapos ng call,sa bagong bahay nyo lang pala,medyo malapit di sa bahay ng mga magulang ko. Magugustuhan kaya ng anak mo itong regalong binili ko para sa kanya? Hindi ko lang kayang kumalma knowing na makikita nanaman kita nang personal makalipas ng ilang taon.Pagkadating ko sa bahay nyo ay agad akong dumiretso sa likuran nyo kung saan dinaraos ang party. Tanggap ko naman na na wala na talaga tayong pag-asa na maging tayo ulit basta kung san ka masaya ay masaya na din ako
"Alas!" Pagtawag mo sa pangalan ko at sa pagkalingon ko ay nakita kita, suot-suot ang mga ngiti mong iyan na sya ding rason kung bakit ako nahulog nang tuluyan sa'yo.
"I-it's you,kamusta ka na?" Pagbati ko sayo nung makalapit ka na ng tuluyan sa akin.
"Ayos lang naman,eto may asawa na at m-may anak na din."
"Wow, good to know. Kampante na ako ngayon dahil alam kong may magaalaga na sayo ngayon kahit wala na ako sa piling mo." Pilit na ngiti kong sabi.
"Alas..." Mahinang pagtawag mo sa pangalan ko. Nabaling naman ang attention ko sa lalakeng mukhang may hinahanap. Alam kong asawa mo iyon dahil sya din yung lalakeng sinigawan ako kahapon sa ice cream store. Tumingin naman agad ako sayo at itinuro ang lalake.
"Nevermind it, diba asawa mo yun?hinahanap ka ata." Sabi ko na ikinalingon mo naman at mabilis na timingin sa akin pabalik.
"Hinahanap na nya nga ata ako, Alas. Thankyou talaga sa pagpunta I really appreciated you time and effort." Paalam mo at lumalit na dun sa asawa mo. Ako naman ay lumapit nalang sa pwesto nina Dwayne na kung saan ay nakita ko syang nakapwesto sa isang table,lumapit naman agad ako para kausapin ito.
"Uy pre." Bati ko dito, nakangiting nag fistbom kaming dalawa.
"Teka hindi mo pa pala nabibigay yang regalo mo kay y/n?ibigay mo na muna dun pre malapit na kasi magsimula pagbubukas ng regalo." Oo nga pala di ko pa pala nabigay yung regalo ko.
"Teka lang pre ah, balik lang ako." Tinapik muna kita sa balikat bago umalis at tumungo sa loob ng bahay nyo. Pagkapasok ko sa loob ay walang tao kaya naglakad-lakad muna ako sa loob.
"Bakit ba kasi ayaw mong tanggapin si Ethan?!" Nagulat ako nung marinig ang isang sigaw na sa kusina,kaboses mo ito kaya dali dali akong pumutang gilid at nagtago.
"Sige isipin mo nga! Paano ko tatanggapin yung batang yun e hindi ko naman sya anak?!" Teka ano?paano naman nangyare yun?
"Anak natin sya Timothy.." Pagkatapos mong sabihin yun ay nakarinig na ako ng hagulgul. Umiiyak ka na, tama ba'tong mga nangyayare?
"Baka nakakalimutan mong ampon lang ang batang iyan? Alam mo hindi naman sana tayo magkakaganito ngayon kung hindi ka lang naging pabaya sa anak natin!!"
" Hindi naman ako ang may kasalanan yun Timothy!! Ikaw! ikaw yung may kasalanan, alam mo kung bakit?kasi kung hindi mo lang ako inaabuso ngayon edi sana buhay pa ang anak natin." Sigaw mo pa. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Pinakawalan kita noon kasi sabi mo hindi ka nya sasaktan tapos ito lang ang maririnig ko? Lalo akong nagulat nung makarinig ako ng isang malakas na sampal.
"Wag na wag mong isisi sa akin ang pagiging pabaya mo maliwanag?!" Sigaw pa nito at kasabay nito ay ang paglabas nya sa kusina at naglakad papaalis. Buti nalang hindi nya ako nakita kaya dali-dali akong pumasok ng kusina. Halos maiyak na din ako nung makita kang makaupo sa sahig at humahagulgol. Agad naman akong lumapit sayo para patahanin ka.
"A-are you alright?" Nag-aalalang tanong ko at unti-unting inaangat ang ulo mo sa pagkakayuko at nagulat ako nung may makita akong pasa sa mukha mo.
"Don't mind me Alas, I deserve this all this pain actually kulang pa nga ito sa dami ng kasalanang nagawa ko lalo na sayo." Sabi mo at nagsimula nanamang umiyak.
"Mahal pa kita y/n, all these years ay ikaw pa din. Please hiwalayan mo na sya at sumama ka sakin.
"Ayoko alas kasi kahit ganyan sya mahal na mahal ko padin si timothy nung mga panahong walang wala ako sya yung andyan para sa akin kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.Ginagawa nya naman ang lahat para mapasaya ako until now."
" Sa tingin mo,pinapasaya ka ba nya sa ginagawa nya sayo ngayon?"
"Normal naman yan sa mga mag-asawa. Alas look at me, Do you remember all those things that I told you noong tayo pa?
"N-natatandaan ko pa."
"Lahat ng iyon sa kanya ko na tutuparin dahil sya ang asawa ko at mahal na mahal ko sya." Hinawakan mo ako sa magkabilang pisnge dahilan para mapaiyak ako ng tuluyan. Hindi ko na alam ang gagawin ko knowing na hindi na talaga pwedeng maging tayo
"I'm sorry." Mahina mong bulong sa akin sabay tayo at lumabas na ng kusina. Ako naman ay naiwang nakatulala dito.
All these years I've thought I can bring back the old us.