Suddenly Married

53 2 1
                                    

P A G - I B I G ?????

P-asakit sa lahat!

A-ng labo! Walang PATUTUNGUHAN!

G-ulo lng ang DULOT!

I-mposibleng hindi ka masasaktan!

B-aliw!Mga baliw lang ang naniniwala dito!!!

I-nggay! INGGAY ang idudulot niyan sa BUHAY mo!

G-alit. Ito ang naiiwang bakas ng dalawang taong PINAGTAGPO ngunit hindi naman NAKALAAN para sa isa't isa.

Sinarado ko ang librong binuklat ko. napakabitter kasi ng author. Naghahanap ako ng pampalubag loob, hindi pampukpok sa dumudugo kong puso. tsk! Nagbukas ako ng panibagong libro...

" Sabi nila walang pwedeng maging acronym ang salitang PAG-IBIG dahil dapat ay binabanggit o binibigkas ito ng buo. masarap raw kasing pakinggan ang buong salitang pag-ibig lalo na sa mga taong NAGMAMAHALAN" argh! ang bastos ng libro na 'to! insensitive!

NAGMAMAHALAN? napapikit ako nang maramdaman kong mukhang bibigay na naman ang mga luha ko. akala ko hindi na ako iiyak matapos ang magdamagang paghagulgol ko kagabi. i was wrong again. masyado atang maraming naimbak na tubig ang tear ducts ko kaya tila hindi na huhupa ang pag-iyak ko.

sunud-sunod na malalalim na buntong hinanga ang pinakawalan ko hanggang sa kumalma ako. Kusa kong pinunasan ang mga luha ko.

alam ko sa sarili ko na wala na ang taong inakala kong magpupunas nito.

"Hoy Erica!" Napatigil ako sa pag-eemote. kahit di ko man sila lingunin, sa boses palang kilalang kilala ko na kung sino sila. Pinunasan ko ang mga mata ko ng patago saka lumingon...

"Oh Aubrey... Sunny. ba't andito kayo bukas pa ang pasukan aa?" saka ako ngumiti na alam kong alam nilang hindi umabot sa aking mga mata. Ngunit binalewala ko nalang."

"Kami nga ang dapat magtanong sayo niyan babae ka! Sabi na nga ba, andito ka lng ehhh. akalain mong nasa LIBRARY ka?? at nag-eemote ha? patingin nga!" hinablot ni Aubrey ang librong hawak ko.

"Uy Erica! ano to ha?" sabay dampot naman ni Sunny ng libro kay Aubrey. Nagkatinginan ang dalawa at sabay na napa-iling.

"Ano ba tong mga librong binabasa mo? Bleeding heart? True Love? Drama ng mga Title ha?" kulit ulit ni Sunny at napaupo na sa bakantang upuan sa tabi ko.

Napa-iling nalang ako at tumawa. hayyy kahit kelan talaga tong dalawang toh. walang kupas! certified Panira ng moment. simula pa nung high school mga bwisitera na talaga. but i love them both. no doubt about that. napangiti nalang ako saka sila inusisa.

"Hoy mga bakla! yung totoo ba't kayo andito? napa-aga ata kayo. sira nanaman ba ang calendar ng phone nyo at nakalimutan niyong bukas pa ang pasukan?"

napatingin lang sila sakin habang winawagayway ni Sunny yung mga libro sa harap ko.

"ahhh.. ahh yan ba? ahmm na..

Nakita ko lng yan! ahh ou. nakita ko lang! Mag-aaral ako kaya ako nandito?" sabi ko. saka bumuntong hininga.

"You're the worst liar... alam mo yan. kaya quit it pls?! Hindi ikaw yung tipong mag-aaral! alam ko at alam ng buong eskwelahang yan! Kahit hindi ka mag-aral, siguradong ikaw pa rin ang MISS RANK ONE! Hindi na nakakapagtataka yun. Wag ka ng magdahilan Eca!" sagot ni Aubrey habang nilalagay ang mga braso sa bandang dibdib na halatang nagtataray.

"Ahmmm Erica? nabalitaan namin yung ..." Hindi natuloy ni sunny ang sasabihin ng biglang tinakpan ni Aubrey ang bibig nito.

"Sunny! ano ba! yang bibig mo! hayaan mong sabihin niya sa atin ng maluwag sa dibdib niya!" tumingin sila sakin gamit ang nagtatanong na expresyon.

Suddenly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon