Nag lalakad lang si olivia malapit sa dagat dala-dala ang kanyang cellphone, naka earphones ito at nakikinig ng kanta. huminto at napatingin siya sa mga paa niya ng maramdaman niya ang tubig,
bigla nalang may kumalabit sa kanyang balikat, nilingon niya ito at sinenyasan siya ng taong kumalabit sa kanya na tanggalin ang kanyang earphones sa tenga.
"kanina pa kita tinatawag" agad na sabi ng lalaking nasa harapan niya ng matanggal na niya ang earphones. nginitian niya ito .
"sorry, ang ganda kase ng view kaya naisipan kong mag-emote " pabirong sabi ni olivia, tinignan naman niya ang dala ng lalake " hamburger! akin yung isa?" tumango naman ang lalake senyas na para nga kay olivia ang isang hamburger na dala nito.
kinuha naman ni olivia sa kamay ni Yousef ang pagkain, tumawa naman si Yousef sa ginawa ng babae.
habang kumakain ay naglalakd lang sila at pinagmasdan ang papalubog na araw.
"wala pa rin bang ideyang pumasok sa isip mo? ang ganda ganda pa naman ng ambiance dito"
" wala pa, kanina pa ako dito pero wala talagang pumapasok na ideya sa utak ko" napapakamot sa ulo na sabi ni olivia " Ayaw ko na maging writer Yousef, suko na ako " tinawanan lang siya ng lalake kaya naiiritang tinignan ito ni olivia.
"kaya mo yan" sabi ni Yousef at nginitian siya ng napakatamis.
" I know you can do it, don't worry I'll be just here, cheering for you" at ginulo ang buhok ni olivia bago ito tumakbo dahil alam niyang ayaw na ayaw ni Olivia na giinugulo ang buhok niya.
"nag ponytail na nga ako kase ayaw kong magulo ang buhok ko lalong lalo na nasa dagat at malakas ang hangin!" sigaw na saad ni olivia habang hinahabol si Yousef.
" oo na, sorry na" hinihingal na sabi ni yousef ng maabutan siya ni olivia.
humiga sila sa buhangin " ano wala pa rin? kase ang dami pang lugar na pwede kitang dalhin"
" wala pa rin talaga, pero gusto kong bumalik dito" tinignan naman ni olivia si Yousef " syempre kasama ka ulit" at ngumiti " Tara na ! last place nalang at kapag wala pa rin akong mahanap na inspirasyon sa lugar na dadalhin mo ako ay bukas nalang natin ipagpatuloy." tumaya siya at inilahad ang kamay para tulungan makatayo si Yousef. kinuha naman ni yousef ang kamay niya at tumayo na rin.
inakbayan agad siya ni yousef ng makatayo ito. " tara na, promise I save the best for last" . naglakad na sila papunta sa kotse at sumakay, agad namang pinaandar ni yousef ang makina at umalis na.
ilang minuto ang lumipas ay tumigil na ang sasakyan kaya napatingin sa may bintana si olivia para makita kung ano ang huling lugar na pinuntahan nila ngunit puro halaman at damo lang ang nakikita niya, pero may nakikita. nilingon niya si Yousef na papalabas na ng sasakyan habang siya ay nasa loob pa rin ng sasakyan dahil takot siyang lumabas ayaw pa naman niya sa madidilim at alam yun ni Yousef.
napalingon si yousef sa sasakyan niya ng napansin niyang hindi sumusunod si Olivia, kaya nagtataka siya pero agad niyang naalala na ayaw pala nito sa mga madilim, napa iling nalang siya at lumapit sa kotse. kinatok niya ang bintana at sinenyasan si Olivia na ibaba ang bintana ng sasakyan.
" lumabas ka na diyan at kumapit ka saakin para di ka mawala, On mo flashlight ng cellphone mo" mahinahon na saad ni yousef.
tumango naman si Olivia at lumabas na ng kotsepero bago sila naglakad ay ini-on niya muna ang flashlight at kumapit sa braso ni yousef.
maya-maya lang ay may nakikita na siyang ilaw, Lumaki ang mga mata niya sa nakikita.
" Ang ganda" mahinang sabi ni olivia na ikinangiti ni Yousef.
hindi maalis alis ni olivia ang paningin sa nakapaligid nito, may fireflies na nagbibigay ng ilaw sa mga magagandang bulakbulak na nakikita niya kaya kahit madilim ay makikita parin ang kagandahan nito.
"tara" saad lamang ni yousef na ikinagulat niya
"anong tara?" nagtatakang tanong niya.
may tinuro si yousef sa isang banda kaya naman ay timapal niya ang kamay ni yousef na may tinuro " U-uy! wag kang basta basta mangtuturo baka may iba kang maituro dito, iiwan talaga kita" natatakot na saad ni olivia.
tinawanan lang siya ni yousef at tinitigan sa mga mata " silly, ibig sabihin ko ay punta tayo doon kase nandoon ang lugar na sinasabi ko, entrance palang to.
"okay"
naglakad na sila papunta doon, may nakita agad silang maatas at malaking punuan na hindi nakakatakot. may kinuha sa gilid si yousef at nakita niyang may dala itong kahoy na hagdan.
itinapat niya ito sa puno at umakyat kaya sumunod naman si olivia na umakyat.
pagka akyat ang unang nakita agad ng mga mata niya ay ang napakagandang overview ng syudad. umupo sila sa isang sangay ng puno.
" ang ganda! The best ka talaga yousef!" namamanghang sabi ni olivia.
" I'm glad you like it"
niyakap siya ni olivia " thank you !! " yumakap din pabalik si yousef kay olivia at maya maya lang ay humiwalay na sila sa isa't isa.
"nakakarelax naman dito at nakakagaan sa pakiramdam at utak , parang ang sarap mag sulat ng kwento kung ganito ang makikita ko"
"from today on pwede ka nang bumalik balik dito kung gusto mo para matapos mo ang pagsusulat" saad ni yousef at ngumiti habang nakatitig lang kay olivia .
DONE