Synopsis

8.1K 107 14
                                    

"Ale! Pakibuhat nga 'tong mga hawak ko!" utos ng tiya ko sa akin sabay abot ng napakaraming supot na hawak nito. Kasalukuyan kasi kaming nasa palengke ngayon at namamalengke ng mga kailangan sa bahay.

Npatingin pa muna ako sa mga hawak kong supot na mga pinamili rin ni tiya bago kinuha ang mga hawak-hawak niya.

"Hoy Lia, masyado mo naman atang pinapahirapan yang pamangkin mo." Biglang singit ng matandang babae na katabi namin ngayon dito sa bilihan ng mga itlog.

"Naku huwag kang mag-alala, mas malakas pa 'yang si Ale kaysa sa mga anak ko kahit na babae siya."

"Ay ewan ko sa iyo, pinapalaki mong tamad mga anak mo, mga lalaki pa man din. Paano nalang kapag nag-asawa yang pamangkin mo, ay baka mahirapan manganak yan kakabuhat sa mabibigat."

Bigla akong napangiwi sa huling sinabi nito.

"Matagal pang mag-aasawa yan, sige mauna na kami at magluluto pa ako." Sabi ni tiya pagkatapos makuha ang dalawang tray ng itlog na binili.

"Ate Alessia, tubig." inabutan agad ako ng kapatid kong si Allejo pagkatapos kong mabuhat at maipasok lahat ng pinamili namin ng tiyahin ko nang makauwi kami.

"Ang sweet naman ng kapatid ko, Salamat!" saad ko sabay pisil sa pisngi nito. Ngumiti lang ito pabalik sa akin.

"Nagawa mo na ba lahat ng assignments mo Allejo?" tanong ko sa aking kapatid pagkatapos uminom.

"Oo ate kanina pa." sagot naman nito.

"Mabuti naman kung ganun, sige dun ka muna sa kwarto natin at magbasa ka muna, magluluto lang ako." utos ko sa kanya. Sinunod naman niya agad ako.

Twelve years old ako habang four years old lang si Allejo nang mamatay ang aming mga magulang. Nabundol ng isang ten-wheel truck ang sasakyan nila at wala ni isa sa kanila ang nakaligtas sa aksidenteng iyon at dahil dun ay si tiya Lia na ang kumupkop sa amin. Siya ang nag-iisang kapatid ng mama ko.

Last year ay grumaduate na ako sa highschool, at ngayong taon naman ay gagraduate na si Allejo sa elementary kaya kailangan kong kumayod para sa pag-aaral niya.

Kumuha ako ng ilang part-time jobs at karamihan dun ay sa gabi upang matustusan ang pag-aaral naming dalawa ng kapatid ko dahil tirahan lang ang kayang ibigay sa amin ng tiyahin ko.

Kung maari lang ay gusto ko ng makaalis na kami rito pero iniisip ko ay kung saan naman kami tutuloy baka wala rin lang akong mahanap at sa kalye pa kami tumira. Ayoko naming mangyari yun dahil may hika ang kapatid ko.

"Ale! May nakalimutan akong bilhin sa palengke, pumunta ka nga sandali doon pagkatapos mong magluto!" sigaw ng tiya ko mula sa sala habang nanonood ng TV.

"Sige po tiya." mabuti nalang at patapos na ako sa pagluluto.

Nagpaalam muna ako kay Allejo bago pumunta sa palengke. Kailangan ko daw bumili ng baraha dahil luma na ang barahang ginagamit ng tiya ko at ng mga kasama niyang nagsusugal sa likod ng aming bahay.

Nagbisekleta nalang ako papunta sa palengke. Huminto ako sa isang malaking tindahan at bumili ng tatlong baraha.

"Hala ka miss bawal na daw sugal dito. May mga pulis na nanghuhuli sa mga nagsusugal ngayon." parang nananakot na sabi nung tindero sa akin.

"Huwag po kayong mag-alala, baka kayo pa po unang mahuli kasi nagbebenta pa rin kayo ng baraha kahit bawal na pala." Sagot ko pagkaabot ng sukli sa akin.

"Aba't matabil and dila ng batang to- "

Natawa naman ako. "Huwag po ulit kayong mag-alala, hindi po ako magsusumbong." Huling sabi ko bago lumapas sa tindahan niyang yun.

Pauwi na ako nang makita ko ang isang payat na lalaki sa isang kanto na pinalilibutan ng mga kabataan na sa tingin ko ay mas bata ng isa o dalawang taon sa akin.

Itinigil ko ang bisekleta ko sa tapat nila atsaka lumingon-lingon sa paligid kung may ibang taong naroon pero wala akong Nakita.

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?" simpleng tanong ko sa kanila.

Sabay-sabay silang lumingon sa akin, ang iba ay ngumisi pa sa akin pero karamihan sa kanila ay nanlaki agad ang mga mata pagkakita sa akin.

"Miss ganda huwag ka ng makialam dito, mabuti pa syotahin mo nalang ako." wika ng pinakamatangkad.

"K-Kuya Migs, tara alis nalang tayo." Nanginginig na wika ng isa sa kanila.

"Manong okay ka lang po ba diyan?" hindi ko sila pinansin bagkus ay ang kawawang lalaki ang pinansin ko.

Humarang naman agad yung matangkad na lalaki na kaya hindi ko na makita si manong.

Inis akong tumingin sa kanya. Halos mga ka-height ko lang pala ang mga ito at mas matangkad lang ng konti itong lalaking bastos sa harapan ko.

"Mabuti pa, pabayaan niyo na si manong kung ayaw niyong masaktan." malumanay na sabi ko sa kanila.

"K-kaya nga Migs, tara alis na tayo!" sabi naman ng isa pang lalaking kasama nito.

"Bakit ba aya kayo ng ayang umalis?! Natatakot ba kayo sa babaeng ito?!" inis na sigaw nitong Migs sa mga kasama.

"Oo!"

Nagulat pa kaming pareho dahil sabay sabay na sumigaw ang mga kasama nito.

"Kung mahal mo pa buhay mo umalis na tayo ngayon na! 'Yang babaeng yan yung nagpataob kay Julius nung isang linggo! Siya yung babaeng napapabalitaang magaling makipaglaban!"

"Mga gago! Bakit hindi niyo sinabi agad?! Takbooooo!!"

Natatawang tinignan ko ang grupo nila habang nag-uunahan sa pagtakbo. Nang mawala ang mga ito sa paningin ko ay saka lang ako lumapit kay manong.

Sa tingin ko ay mas matanda ito sa akin ng ilang taon at sa ayos nito ay mukha itong mayaman.

"Sir okay lang po ba kayo?" tanong ko rito.

"Salamat sa pagtulong sa akin Miss, may hinahanap kasi akong tao dito sa inyo pero nasiraan kasi ako ng sasakyan doon at ang hina ng signal dito sa inyo kaya napadpad ako dito kakahanap ng signal para sana tumawag ng pwedeng mag-ayos ng sasakyan ko." Paliwanag nito.

Napatingin ako sa cellphone na hawak nito at mukhang mamahalin iyon, kaya siguro siya nagpagtripan nung mga kabataan kanina.

"May kilala po akong pwedeng tumulong sa inyo. Tara po puntahan natin yung sasakyan niyo at doon niyo nalang po ako hintayin kasama ang mag-aayos ng sasakyan niyo." wika ko.

'Talaga?! Salamat, Miss.. ah ano palang pangalan mo?' tanong nito.

"Alessia po." sagot ko.

Bigla itong natigilan at lumaki ang mga mata.

"You're Alessia?!" gulat na saad nito.

"Kakasabi ko lang po."

"No, I mean the "Alessia" fighter na viral ngayon." excited na tugon nito. Naguguluhan naman ako sa sinasabi nito kaya mabilis nitong binuksan ang cellphone na hawak at pinakita sa akin ang isang video kung saan nakikipaglaban ako sa grupo nina Julius.

"What a small world. Ikaw yung taong hinahanap ko!" excited na saad nito.

"Bakit po ninyo ako hinahanap? Kakasuhan po ba ako dahil sa ginawa ko kay Julius?"

Natawa ito sa tanong ko. "No, I came here to offer a scholarship if you will sign up to join our taekwondo club in Eastwood University."

Hindi ko alam na dahil sa simpleng pagtulong kong iyon ay magbabagong bigla ang buhay ko.

Alluring Fighter (Sporty Princess #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon