"Get outta here nerdy!" Napaupo ako sa sahig nang itulak ako ni Eunice.
Pinaalis nila ako sa table kung san ako nakaupo. Sabi nila sakanila daw pwesto yun e wala naman akong nakitang pangalan nila dun.
Di nalang ako sumagot at tahimik nalang na umalis. Baka pag initan nila ako. Gusto ko maging tahimik ang buhay ko dito sa Smith University.
Napagpasyahan ko nalang kumain dito sa garden ng university. Nung enrollment ay nilibot ko na yung university para pagpasok ko dito ay alam ko na ang pasikot sikot.
Nilapag ko ang pagkain ko sa lamesa tsaka nako umupo.
"Ouch!" Napatigil ako sa pagkain nang may narinig ako nag ouch.
"Shit, it hurts!" Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa bermuda grass. Anyare sakanya?
"Uhm miss? Okay ka lang?" Tanong ko sakanya nang makalapit nako.
"Go away." Ha? Bakit? Ayaw ba niya ko dito?
"Miss-"
"I said go-"
"Okay ka lang?" Tanong ko ulit sakanya. Hindi siya sumagot at nakatitig lang siya sakin.
Naiilang nako. Hindi siya kumukurap at nanatiling nakatitig lang sakin. Lumapit pa ko sakanya at pinitik ang noo niya.
"Ouch!" Hinawakan niya ang noo niya.
"Sorry miss. Hindi ka kasi kumikibo eh."
Tumayo na siya at tumingin sakin.
"Tss." Inirapan niya ko tsaka na sita umalis.
Maganda nga, ang sungit naman.
~~~
Nandito ako ngayon sa room. Sampung minuto na ang lumipas pero wala paring teacher na pumapasok. Ang ingay tuloy dito sa room. Ayoko pa naman sa lahat yung maingay.
"Hoy nerdy!" Lumapit sakin ang grupo ni Eunice.
"B-bakit?" Kabado kong tanong. Anong kailangan nila sakin?
"Naiinip lang naman kami. Pwede ka bang paglaruan?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Carmeli.
"Hoy Carmeli masyado mo naman tinakot tong si nerdy." Sabi ni Reigne.
"Aray!" Bigla akong sinabunutan ni Eunice.
"Bago ka palang dito pero ang lakas ng loob mong lapitin si Rainiera!" Pilit kong tinatanggal ang kamay ni Eunice sa buhok ko pero lalo niya lang hinihigpitan.
"Eto tandaan mo to ha? Ayaw na ayaw kong may lumalapit kay Rainiera naiintindihan mo?!" Kahit hindi ko alam kung sino at kung ano ang sinabi niya ay tumango nalang ako.
"Good. Hindi ka nababagay dito manang." Sa wakas binitawan na niya ang buhok ko.
"Isa ka lang basura dito sa SU." Sabi sakin ni Carmeli.
"Basura na, mahirap pa. Yuck ka girl!" Imbis na ipagtanggol ako ng mga kaklase ko ay tumawa lang sila.
Grabe, first day palang to. Pano pa kaya sa mga susunod na araw? Mas malala pa ba ang gagawin nila sakin?
Inayos ko ang salamin ko at umupo na sa upuan ko. Gusto ko man lumaban pero wag nalang. Ayokong gumawa nang gulo.
Napatingin kami sa pinto nang bigla itong bumukas.
"Anong meron dito?" Tanong nang babaeng basta basta nalang pumasok.
"Wa-wala naman Vice! Nag paparty lang kami dito, diba classmates?" Napilitan silang tumango. Takot sila kay Eunice kaya wala silang magagawa kundi sumunod nalang sakanya.