Bigla akong nagising nang mahulog ako sa bench. Agad agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Teka, bat bada uniform ko? Tumingin ako sa paligid. Basa ang buong blue bench. Umulan ah. Pero bakit hindi ko naramdaman kanina habang natutulog ako? Dapat basang basa ako ngayon eh.
Nakita kong palapit sakin si Cyril at msy hawak siyang bola ng basketball.
"Naku Tyla sorry! Are you okay?" Lumapit sakin si Cyril. May hawak siyang bola.
"Okay lang ako Cyril." Hindi talaga ako okay! Ang sakit kaya bumagsak sa semento!
"Sorry talaga ha? Natamaan pa tuloy kita." So siya ang dahilan ng pagkahulog ko?
"Okay lang talaga Cyril. May tanong pala ako."
"What is it?"
"Kanina ka pa ba dito?"
"Ah, yes. Why?"
"Umulan diba? Bakit hindi ako basa ngayon?"
"You see that?" Tinignan ko yung tinuro niya. Dalawang payong na nakasandal sa upuan. Kulay yellow ang isa at yung isa naman ay plain white lang.
"Pinayungan kita." Nakangiti niyang sagot.
"Ganun ba? Salamat pala. Pero dapat di mo na ginawa yun."
"Vavzgzvsvgsvssgs."
"Uhm, Cyril?" Napaharap siya sakin saka ngumiti.
"Ayos lang sakin no! Masarap tulog mo eh kaya di na muna kita ginising and hindi naman masyado malakas ang ulan kaya di tayo nabasa."
Ngumiti ako sakanya tsaka tinginan ang oras sa relo ko. Past seven na pala. Kailangan ko na pumasok sa classroom at baka malate pa ko. Medyo malayo pa naman ang room namin dito sa blue bench.
"Una nako Cyril. Baka malate pa ko eh."
"Seriously Tyla? Papa-excuse me." Lumayo siya sakin. Mukhang may tumawag sa cellphone niya. Hintayin ko nalang siya para may kasabay ako.
Ilang saglit lang ay lumapit na siya sakin.
"Let's go muna sa tambahay."
"Tambahay?" Nagtataka akong tumingin sakanya.
"Tambay plus Bahay equals, tambahay! Tambayan plus bahay pa."
"Yun ba yung bahay na pinuntahan natin?"
"Yes. Let's got there muna para makapagpalit ka ng uniform."
"Ay hindi na. Okay lang-"
"Sure kang papasok kang ganyan kadumi uniform mo? Let's go." Kinuha niya ang payong na yellow.
"Uhm, hindi mo ba dadalhin isa mong payong?" Tanong ko.
"Yung plain white? Hi- I mean oo dadalhin ko syempre." Kinuha niya yung payong tsaka na kami umalis.
~~~
"I'm sorry Tyla pero wala nako extra uniform dito. Nasa bahay pa kasi yung mga uniform ko eh. Ganun din yung sa iba."
"Okay lang talaga. Pa-"
"But, may extra si Rainiera. You can borrow it."
"Hala naku hindi na! Baka magalit pa sakin yun."
"Hindi yan. Wait here okay? Kukunin ko sa kwarto namin."
"Teka Cyril!" Mabilis siyang umakyat.
Nakakahiya naman kung hihiramin ko yung uniform niya lalo na't hindi kami close at hindi kami magkaibigan. Pag tinanong nalanc niya ko sasabihin ko si Cyril ang nagpahiram.