Hindi Ko inaasahang iibig ako dahil
Hindi Ko alam kung paano umibig
Pero sabi nila Hindi mo malalaman
Kung kailan mapapaibig ka na lang bigla...
Nang Una kami nagkakilala Hindi kami masyadong
Nagkaclose siguro masaya ako dahil kasama Ko ang mga kaibigan Ko
Pero habang tumatagal may kakaibang pakiramdam ang puso Ko
Ni Hindi Ko masabing pagibig ito dahil di pa ako napaibig
Nang kasama Ko ang mga kaibigan ko nabanggit ng isa na may gusto sa akin ang
Isang babae, ang babae na gumugulo sa isipan ko ? Na iniibig Ko na yata may gusto
Siya sa akin?
Siguro naman ay binbiro lang ako ng mga to
Pero bakit labis akong nagagalak na malaman ito?
At ng tumagal napalapit din ako sa kanya di Ko alam kung paano
Siguro dahil sa mga kaibigan? O dahil sa pagibig? Basta
Naging magkaibigan kami... at doon nagsimula ang lahat...
