SA WAKAS! ALAM KO NA KUNG SINO YUNG PANGGAPERS! SI KARL PALA YUN! HAHA =)
Sinabi lang yun ni Julie sa aken nung pagpasok ko ng gate. Tapos nakita ko si balae dun sa may flagpole., nagwawalis siya. Habang nagwawalis siya, sinisigawan ako ng "Balae! Balae!". Nakita kami tuloy ni sir. Ang ingay kasi namin kaya pinaglampaso kami. At dahil sa katalinuhan ko, sinabi ko sa mga kaklase ko na BOYS ang maglalampaso. Kaya tinulungan kami ni balae ng mga boys para maglampaso sa room. Ang bilis nilang maniwala. PERKS of being pretty. But I am proud to be ugly. Haha.
Since SSG Representative ako, inutusan kamii ng SSG Adviser namin na pumunta sa office of the SSG. Kaya pagkatapos maglampaso, pumunta kami ni Gracie dun sa office ng SSG.
Pagdating doon, nagsulat - sulat kaming mga pangalan para sa certificate nila Gracie. Perks of being an SSG Representative. Tsss. As much as I love writing on my diary, ibang level naman ang magsulat ng mga certificate para sa mga inducted officers. Tapos uppercase letters pa. Hayyyy, buhay.
A few more minutes after that, nagmeryeda kami. As usual, tokneneng ang meryenda ko. Tapos palamig.
Pagbalik dun sa office, tapos na pala ang mga gawain sa certificates. Kaya ang pinagawa sa amin ay yung introduction number namin para sa Induction program mamaya.
"Hoy! Effie! Natatandaan mo pa ba yung rolemo sa intermission number naten?" - Ricky.
"Pffft. Ako pa! Hindi naman ako makakalimutin ehh" - Ako. Kahit na guwapo at maputi sya, at kahit na CRUSH ko siya dati, lagi ko siyang inaaway. indi ko alam nga kung bakit eh. Haha.
"O, sige, practice na tayo! Cm'on guys! Kelangan nating matapos eto!" - Ricky
Then, the rehearsal began. Shems. Ang galing ko talaga. I'm proud to be half panget and half pretty =)
Eh alam mo ba yung feeling na akala niyo surprise lang ang rehearsal niyo, tapos bigla kayong pinapractice dun sa QUADRANGLE kung saan NAPAKARAMING TAO.
"Alla, pano na iyan ate Effie? Paano kung wala man silang karea-reaksiyon sa performance naten? Ayaw ko nun!" - Jhomarie.
Actually magkaparehas lang kami na kinakaba-kaba eh. Nakakatakot rin kund mangyayari yun. Di ko kakayanin. hindi talaga. Wahaha.
Then the rehearsal began. Nung time na para kami ang magperform, Kaba-kabamats. Para akong nakisali sa Ice bucket challenge na puro yelo lang ang laman. Talagang naginginig at nilalamig ako. Shems talaga.
**********
We are now getting fairest for the big celebration later. Nagpulbos na kami at nagpabango para hindi nila mapansin na galing kami sa init kanina. Yung iba nga nagbihis eh. After siguro ng 20 minutes, pumunta na kami sa quadrangle. Pagdating, tinawag agad ako ni gracie para hintayin at ibigay yung lei sa guest speaker. Mabuti na lang at kasami namin yung ibang teacher na medyo kavibes namin kaya habang naghihintay, nagkukuwentuhan kami about multo multo. Sakto naman matatakutin yung isang teacher. Haha.
Ilang oras na kami sa gate, wala pa rin yung guest. At dahil nainip kami kakahintay, pinagtripan muna namin yung lei. Oo, sinuot - suot namin yung lei tapos nagselfie - selfie kami.
Then finally. After a few hours of waiting, dumating na rin sa wakas yung guest. Then the event started.
BINABASA MO ANG
A Notebook of the Past
RomanceFriendzoned. Likezoned. Seenzoned Hahazoned. SmileyFacezoned. Halos lahat ng zone except magkabilang mundo zoned at sibling zoned naranasan naranasan ko na. Pati school zone kung counted yun. Joke. Mabuti na nga lang di ko pa naranasan an malagay sa...