CHAPTER 4 A

7K 125 3
                                    


Dalawang linggo ang matuling lumipas. Araw na nang kinatatakutan ni Sheena. Balot ng kaba ang dibdib niya habang binabaybay ang daan patungo sa simbahan na paggaganapan ng kasal niya. Mahigpit ang hawak niya sa magkabilang gilid ng kanyang classy lace bridal gown na parang doon siya humuhugot ng lakas. Di ilang beses na humugot siya ng hininga. Elegante ang long floor length veil niya na tumabing sa kanyang magandang mukha.

Everything hastily happened. Like every other, her dream was to be with the person she loves and loves her. At hindi iyon si Mico. Imposibleng magustuhan siya nito. Kung may pagpipilian hindi niya hahayaang muling saktan ang sarili. Pero destined na nga yata talaga siyang magsuffer.

Hindi niya namalayan ang paghinto nila sa tapat ng simbahan. Natanaw niya ang mga bisita nang sumilip siya mula sa tinted na bintana ng sinasakyang Mercedes S Class. Masayang nakamasid ang mga ito sa kotseng lulan siya.

Binuksan ni Nanette ang pinto. Inalalayan siyang lumabas. Nasa likod nito si Precilla kasunod ang daddy at tito Menandro niya.

"You're absolutely fascinating anak!" Namamanghang bulalas nito. She kissed her both cheeks. "We're very much happy for you."

Hinimas ni Precilla ang likod niya. "Talagang napakaganda mo, ija. Nagmukha kang living goddess sa ayos mo. Mas maiinlove lalo sa'yo si Mico kapag nakita ka niya. I am wishing you a lifetime of love and bliss."

Hindi niya ipinahalata ang mapait na ngiti.

"Thank you mom and tita Precilla." She both hugged them.

Sunod na lumapit sa kanya ang daddy niya at si Menandro.

"Daddy." Ito naman ang niyapos niya. "Daddy...." Para siyang paslit na humagulgol.

"Shhh." Hinimas nito ang likuran ng ulo niya. Kahit hindi niya ito nakikita ramdam niyang emosyonal din ito ng mga oras na iyon. "Stop weeping my princess. Nakakahiya sa mga tao. Baka mamaya isipin nila na napipilitan ka lang sa kasal mo."

Kung alam lang nito ang totoo.

Kumalas siya dito.

"Sana daddy, pagnaghiwalay kami, nandiyan agad kayo ng mommy para kunin ako, ha?"

Natawa si Menandro. "Ija, huwag kang magsalita ng ganyan. Takot nalang ng anak kong saktan ka. Lagi lang kaming nandito para sa inyo. Para siguraduhing magiging maayos ang pagsasama ninyo."

Hinawakan ni Armando ang magkabila niyang pisngi sa ilalim ng belong tumabon doon. Diretso siya nitong tiningnan.

"Alam kong ito talaga ang gusto mo anak. Kaya ipangako mo sa akin na magiging masaya ka. Hindi lang ngayon, kundi hanggang sa huli."

Sa puntong iyon gusto niyang aminin dito ang totoo. Pero napigilan siya nang muling maalala ang dahilan bakit siya pumayag sa kasunduan na iyon. She can't take na dahil sa kanya magsuffer ang pamilya ni Mico.

"I-I promise dad."

Nagpalakpakan ang lahat nang makita siya. Pinunasan niya ng tissueng hawak ang medyo namasang mata para hindi kumalat ang make up sa mukha.

Nilapitan siya ng bestfriends niyang sina Leslie at Micah. Bumalik din ang mga ito sa pwesto matapos siyang batiin. Nakita niya sa di kalayuan ang grupo ng mga kalalakihan na halatang may sinabi sa buhay. Iyon ang mga inimbitahang kaibigan ni Mico. Pili lang ang dumalo dahil pareho nilang gusto na maging pribado ang kasal. Kasama nila ng araw na iyon ang ilang malapit na kamag anak.

She lastly gazed at her groom's direction. The distance between them and the veil covering her face gave her trouble discerning his reaction. Kung namangha man ito sa itsura at ayos niya ng mga oraas na iyon, hindi niya alam.

Pumailalim ang kantang Endless love ni Diana Ross at Lionel Richie na pinili ng mga magulang nila.

"My love,

There's only you in my life
The only thing that's right

My first love,
You're every breath that I take
You're every step I make

And I
(I-I-I-I-I)
I want to share
All my love with you
No one else will do...

She can't stop the tears gently falling from her eyes. She slowly walked in the aisle. Nasa magkabilang gilid niya ang mga magulang. Hindi na niya napansin ang tempting look ni Mico wearing cobalt blue tuxedo and suit with deep burgundy bow tie.

"Love her, as how we always do." Si Armando nang ibigay ang kamay niya kay Mico.

Nanette just gave him a hug.

Ikinapitlag niya ang pagpisil ni Mico sa kamay niya. Mabuti na lang at hindi iyon nahalata ng mga magulang.

"I will do my best to be an upright husband for Sheena. I know how much you love her, kaya mamahalin ko din siya gaya ng pagmamahal ninyo sa kanya."

Hindi na siya nagprotesta sa mga sinabi nito. Ayaw niyang lalong masira ang mood niya.

"You may now kiss the bride." Utos ng pari kay Mico.

Mabilis ang kabog ng dibdib ni Sheena nang dahan-dahan nitong itaas ang veil niya. Pumikit siya ng gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Then she felt that wet thing on her lips. Somehow, it felt good to taste his lips over hers. Naroon na naman ang pakiramdam ng ilang libong boltaheng sumasanib sa katawan niya. Natigilan lamang sila nang magpalakpakan ang mga bisita.

"One more!" Tukso ng mga ito.

Mico laughed and tightly hold her hand. Alam niyang idinaan nalang nito iyon sa pagngiti dahil ayaw na nitong halikan siya muli. Ang sarap sanang isipin na totoo ang nakikita niyang saya nang tingnan niya ito. He was really a good actor.

She peeked her wedding ring on her finger. Napangiti siya. Alam niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan ng pagpapakasal niya dito but it still brought her joy. Every person in the church displayed their foremost beamed towards them. They appeared like a happy couple in the aisle thrown with flowers.

Kinamayan ang asawa ng mga kaibigan nito. Siya naman ay niyakap at sinalubong ng halik ng mga mahahalagang tao sa buhay niya. Hindi niya maiwasang maging emosyonal dahil sa supporta ng mga ito.

"Kiss!" Tukso ng lahat sakanila

Kinabahan siya nang humarap sa kanya si Mico. He gave her an instant peck on her lips! Once more those butterflies disrupted her gut.

I Hate to Love You (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon