Time Heals

64 7 2
                                    

To: MikoPanget

"Hoy panget! San kana?"

I texted him and recieve nothing.

Nasan na ba yung lalaking yun? Tsk. Kanina pa siya wala dito. Past 11 na ah.

Ito na ang pinaka late niyang pag-uwi kung tutuusin. Saang lupalop ka ba panget pumunta?

Iwinaksi ko muna sa isipan ko yun. Nagugutom na ako. Di pa ako kumakain ng hapunan. Inaantay ko kase siya.

Pumunta na ako sa kusina para humanap ng makakain. Actually, luto na ako kanina pa. Kase nga, I'm expecting na makakauwi agad siya. Di ako kumain kase dapat 7 palang nandito na siya at sabay dapat kami. Pero walangyang panget na yun. Baka mamaya na-rape na yun sa daan. Baka mamaya, multilated na yung katawan niya. Baka mamaya pinakain na ng killer sa aso yung mga laman loob niya.

"Waaaaaaaaahhh!" I scream out of nowhere by that creepy thought. Grabe naman tong utak ko. Pinapahamak ko na si panget. *Iling iling*

Natapos na akong kumain. Wala parin, kabwisit yun.

Napagpasyahan kong antayin nalang siya sa sala.

"Panget, asan ka na ba?" Bulong ko sa sarili ko.

Sa pag-aantay ko sa wala, nakatulog nalang ako ng di ko inaasahan.

~~

*Boooogsshh*

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog sa kusina.

Tinignan ko ang paligid, umaga na. Baka si panget yung may gawa ng ingay.

Pumunta na ako ng kusina at nakita ko si Miko na hawak ang kaldero, ayun siguro yung maingay. Anong oras kaya to umuwi kanina? Tsk.

"Good morning taba." Nakangiti niyang saad sakin. Inikutan ko lang siya ng mata at dumiretso sa lababo para mag-hilamos.

"Taba." Kublit niya sakin sa tagiliran.

"Wag mo ako kausapin Miko." Sabi ko sa kanya at umalis na sa kusina. Narinig ko pang tinawag niya pangalan ko pero di ko na siya pinansin.

Naiinis ako sa kanya. Hindi manlang siya nag-abala na itext ako kagabi kung nasaan siya. Hindi niya manlang sinabi na uumagahin pala siya sa pag-uwi. Nag-antay pa ako. Ginutom ko pa sarili ko sa wala. Haynaku naman kase, pasaway na panget.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para ayusin ang sarili ko. Linggo ngayon, walang pasok. Magsisimba nalang ako.

Natapos na ako sa morning rituals ko. Tinanghali na nga ako ng gising kanina mga past 9 na ata yun. Sobrang pagod siguro sa kakaisip kung saan yung panget na yun. Tsk.

11 na, afternoon service na ang maabutan ko nito sa simbahan. Tagal na rin ng di ako nakakapag-simba.

Matapos kong ayusin ang buhok ko, bumaba na ako. Naabutan ko si Miko na nanunuod ng T.V sa sala. Naramdaman niya siguro presensya ko kaya napalingon siya sa gawi ko. Tinignan niya ako ng may pagtataka.

"San ka pupunta?" Tanong niya sakin pagkababa ko ng hagdan.

"Magsisimba." Sagot ko sa kanya habag papunta ako sa pinto. Ano kaya susuotin ko? Magheels ba ako o flats? Simpleng black top at skinny jeans lang ang suot ko. Amp?

"Kain ka muna." Aya niya sakin.

"Hindi na. Sa labas nalang ako kakain." Ahh! Flats nalang ako para komportable. Minsan kase sa simbahan puno ang loob kaya sa labas ka lang, e walang upuan sa labas kaya tatayo ka. Kung nakaheels ka, for sure sugat sugat ang paa mo pag-uwi.

"Niluto ko favorite mo." Pag-aaya niya pa rin sakin. Kaya pala may naamoy aking adobo kanina. Nagluto pala siya. Ano yun? Pampalubag loob niya? Tss. No need.

Time Heals (WIDAY Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon