Chapter 26

1.2K 29 2
                                    

Mathew's POV

It's been 5 months simula nong tumira si Sweet sa bahay ni Caleb at aaminin kong sa bawat araw na nag daan mas lalong nadadaragdagan ang nararamdaman ko para sakanya.

"5 buwan narin simula ng sabihin mong may gusto ka sa kapatid ko. Wala ka bang balak sabihin sakanya ang tungkol dyan sa nararamdaman mo?" Biglang tanong ni Caleb habang nag uusap kami sa sala.

"Oo nga kambal, wag kang torpe dyan."Segunda ni Isaiah habang kumakain ng sandwich.

"Actually balak ko na ngang sabihin sakanya ang kaso di ko lang alam kung paano." Malumanay kong sabi sa kanila.

"Do you need some help?"Tanong ni Caleb.

"Yeah, I guess."

"Alam ko na kung paano mo sasabihin."Nakangiting saad ni Isaiah habang nakataas ang isang daliri na parang nagtri trivia.

"How?"

"Mamayang gabi dun tayo sa garden kakain mag lalagay tayo ng mesa at apat na upuan pagkatapos mag lalagay tayo ng mga lights sa paligid para romantic at mag se set ng music pagkatapos nating kumain iiwan ka namin ni Cal para makapag usap kayo ni Happy pero hindi namin papatayin yung music para alam mo na romantic."Usal nito bago muling kumagat sa sandwich.

"May pakinabang din pala minsan tong kakambal mo Mathew, akala ko kasi puro pagkain lang ang nasa isip niyan."Nang aasar na turan ni Caleb na kinatawa ko.

"Ang sama niyo sakin."Naka pout nitong saad.

"Sige mag pout kapa at pag nakita ka ni Sweet lagot na naman yang pisngi mo."Pananakot ko sakanya.

Di ko talaga kasi makalimutan nong minsang nangigil si Sweet sa pisngi ni Isaiah halos isang linggo din yung namamaga kahit naman gustong patigilin ni Isaiah si Happy ayaw niya namang umiyak ito kaya ayun tiniis ng kapatid ko yung sakit sa namamaga niyang pisngi.

"Anyare sayo tulala ka dyan?"Tanong ni Caleb.

"Naalala ko lang kasi bigla nong namaga ng sobra yung pisngi ni Isaiah."Natatawa kong sabi.

"He looks like a pig that time."Natatawa ding segunda ni Caleb.

"Bat ang bully niyong dalawa sakin?"Tanong ni Isaiah habang masamang nakatingin saming dalawa ni Caleb.

"Look at him Mathew, His face looks like a hippopotamus."Pang aasar pa lalo ni Caleb kay Isaiah.

"Gwapo ba yang hippopotamus?"Inosenting tanong ni Isaiah na kinatawa ko.

"Seriously hindi mo alam kung ano ang hippopotamus?"Di makapaniwalang tanong ko habang tumatawa.

"Hindi naman kasi yan pagkain kaya wala akong time para kilalanin yan."

"Hippopotamus is a big animal, moron."Sabi ko sakanya.

"So cute yung hippopotamus?"Tanong nito ulit.

"Yes man, hippopotamus is a very cute animal."Sabat ni Caleb.

"Kasing cute ko?"Tanong ni Isaiah.

"Yeah, actually magkamukha nga kayo."Pang uuto pa talaga sakanya ni Caleb.

"Talaga Caleb?"

"Yeah tanongin mo pa ang kapatid ko."Sagot ni Caleb sabay turo kay Sweet na pababa ng hagdan.

"Ano yung itatanong niyo sakin Kuya?"Tanong ni Sweet.

"Isaiah just want to ask you, kung magkamukha ba sila nong hippopotamus."Sagot ni Caleb.

"Really a hippopotamus?"Di makapaniwalang tanong ni Sweet kaya naman pareho kami ni Caleb na nagpipigil ng tawa.

"Sabi kasi ni Cal cute daw yung hippopotamus."Saad ni Isaiah habang patuloy sa pagkain.

My Husband's Last WishWhere stories live. Discover now