ERIC POV
"BRO!!!"
Napalingon ako sa boses ng siraulo kong kaibigan. Kung lumapit siya sa akin ay akala mo napakarami niyang fans. Paano ba naman kasi rumarampa siya sa hallway ng school namin habang ngumingiti ngiti sa mga babaeng tumitingin sa kaniya. Siya si Jacob, ang walang hiya kong bestfriend.
"Kahit kalian talaga ang hangin hangin mo no? Parampa rampa ka pang nalalaman. Bakit ba?"
"Wala akong magagawa kung pogi talaga ako."
Sabi niya habang nakangiti. Tss.
"Ano ngang sasabihin mo?"
"Kasi diba balak mong tumambay sa library hanggang matapos mo yang research study mo?"
Tumango lang ako. Pambihira naman kasi yong prof namin. Late magsabi na pasahan na pala next next day. Yan tuloy nagrarush ako.
"Narinig ko kasi na may multo daw sa library. Lumalabas lang daw yong multong babae na yon tuwing 5 PM ng hapon. Naku ingat ka pre baka makita mo tapos di na kita makita kinabukasan."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Inakbayan ko siya.
"Hahahaha, hindi ko alam na naniniwala ka pala sa multo. Malaki ka na Jacob. Dapat di ka na naniniwala sa ganiyan."
Sabi ko sa kaniya at iniwan na siya. Sayang lang oras ko.
"BAHALA KA DIYAN ERIC!"
Sigaw niya naman. Kumaway lang ako habang nakatalikod. Tinignan ko naman ang oras sa relo ko. Sakto 5 PM na.
Pagpasok ko ay kakaunti na lang ang mga estudyanteng nandoon. Pero dahil isa ako sa mga taong ayaw ng exposure pumunta ako sa pinakasulok sa may tapat ng bintana. Sakto! Palubog na yong araw. Matatanaw ko yon kapag nasa malapit ako sa bintana. Ewan ko ba. There's something about sunset. It gives me warm feeling. At parang napakasignificant noon sa buhay ko.
Kinuha ko muna yong mga libro na kailangan ko. Palapit na ako sa pwesto na napili ko nang may narinig akong upuan na hinihila. Woah! Legit kaya na may multo dito? Lumapit pa ako nang ilang hakbang at hindi ko napigilang mapatigil nang makita ko yong babaeng pinagkakamalan nilang multo.
She sat near the window while reading a thick book that makes anyone fell asleep. She's beautiful. No! She's beyond perfect. Her skin was pure white. Her eyes were sparkling. Her lips were like cherries. I can't help but to stare at this God's perfect artwork.
Sa sobrang titig ko sa kaniya ay hindi ko na napansin na tinatawag niya ako.
"Hey! Hey! Hindi ka ba uupo?"
Tawag niya ng pansin sa akin. Oo nga pala. Nandito ako para magresearch. Eric! Back to earth!
"Ah yes. Thank you. Can I join you here? Fan kasi ako ng sunset?"
Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya. Nang mas lalo akong lumapit ay napansin kong maputla pala ang kulay ng balat niya. Ang pale masiyado. Anemic ba to?
"I am so glad na may makakasama na ako rito. Your name is Eric, right? I am Kaley."
I can't help but to be mesmerized by her smile. Bakit parang ang cute niya? Tss.
"Yeah. Paano mo nalaman name ko? And just to inform you, I think ikaw yong multo na tinutukoy ng rumors within the school."
Sabi ko with cold voice para cool haha.
"Sino ba namang hindi makakakilala sayo? You belong to the populars here in school. And yeah. I know about the rumors but I am used to it."
"Oh okay."
Tugon ko na lang at sinimulan na ang research ko.
Ilang minute ding walang nagsasalita sa amin at pasaglit saglit ay sinusulyapan ko siya. Nagulat ako nang isuot niya yong isa niyang airpod sa left ear ko.
<Playing, The Man Who Can't Be Moved>
"Going back to the corner
Where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag
I'm not gonna move
Got some words on cardboard,
Got your picture in my hand
Saying if you see this girl can you tell her where I am"
Napapikit ako habang npinapakinggan yong kanta. This song is iconic. Never gets old. Dumilat ako at hindi ko maiwasang mahiya nang mapansin kong nakatitig siya sa akin.
"Have you been in love?"
YOU ARE READING
Jigsaw Puzzle
RomanceKaley loves to go to the library. She is smart, gorgeous, rich, and humble. She is beyond perfection. She smiles a lot. She's open but she's mysterious. A living example of paradox. Eric, the man who makes girls stop with a smile. He is friendly, ap...