"Kapalaran ay malupit, di kita makatalik sa ngayon at bukas pagkat di mo ibig."
(Fate is cruel, I cannot have sex with you because you do not want it)
Poem yan ng isang Judge na nahatulan ng sexual harrasment patungkol sa kanyang cleck.
Pero iyan rin ang naging tula ng buhay ko.
May crush ako noon. guapo siya, matalino, mayaman, mabait, etc.. in short. perfect sya - sa pananaw ko (dahil wala namang perfect na tao, diba?).
May dalawang problema nakikita ako sa perfect na tao.
Ang unang problema sa perfect na tao ay...Usually taken na sya. In short may asawa na. Sabagay, kung may ganyang qualities ang isang lalaki at single pa sya malamang maraming "manliligaw" sa kanya at magiging hindi na sya single.
Ang ikalawang problema ay... hindi ako perfect para kanya. Sympre naman hindi ako perfect. Alam ko yan. At kung sa pananaw ko na perfect sya, therefore hindi kami bagay.
Una kong nakita si Mar sa una kong araw sa trabaho. Napansin ko agad sya dahil bukod sa guapo, maputi, matipuno sya. May kakaiba siyang aura na hindi mo maintindihan. Para bang ang lakas ng sex appeal. Parang angel na mabait. Parang artistang si Brad Pitt. Ewan. Basta. Tinamaan yata ako sa kanya.
Dito kami nag tatrabaho sa isang branch ng isang malaking bangko dito sa Capitol Shopping Center sa Bacolod City. Kaka graduate ko lang at sweteng naka pasok ako dito bilang teller at si Mar naman ay isang Loan Officer. Bale mga pitong taon yata ang agwat ng edad namin. Naging close kami dahil parati kaming magkasabay mag lunch.
Ang lunch room namin ay isang katamtamang room na may isang malaking mesa na may anim na upuan na naka paligid dito. Naka upo kaming apat ng kasama kong kumakain. Bale, dalawa kaming baguhan at dalawa rin na matagal na ng tatrabaho dito ang naka upo. Marming tanong sa amin ang dalawang matagal na nag tatrabaho. "Siguro ito yung pinaka acquiantance party namin dalawang baguhan." nasabi ko sa isip ko.
"O, Ann, single ka pa ba?". Tanong ni Maila sa akin. Alam kong si Maila sya dahil sa name tag sa dibdib nya. "Opo" mahinang sagot ko na nahihiya pa. pero ang sa isip ko "ang bata bata pa nga namin kakagraduate lang sympre wala pa.".
"Ikaw naman Jo?" patungkol ni Maila sa katabi ko. "Yes, ma'am" Snappy na sagot ni Jocelyn.
"May bofriend?" Dagdag ng kasama niyang si Cleofe.
"Wala pa po" sabay namin na sagot.
Biglang nag iba ang itsura ni Maila at ang katabi niyang si Jessa. Parang kinikilig. Nang lumingon ako. Nakita ko si Mar. Nagkasalubong ang aming mga mata. Ngumiti sya. "Ano ba ito, hindi ko mapigilang mag blush" sabi ko sa sarili ko na hindi na yata humihinga.
"Girls, ito nga pala si Mar - Loan Officer natin, limag taon na sya rito". sabi ni Maila sabay tapik sa balikat ni Mar. "Ito si Ann, at ito naman si Jocelyn" dagdag ni Maila. "Hi! kamusta ang first day nyo?" sabi ni Mar sabay abot ng kamay jo na naka extend na. Kinamusta nya rin ako. "O my God! pinapawisan ang kamay ko. sana hindi nya mahalata. kakahiya."
Pakiramdam ko habang kumakain kami, lahat yata kami may gusto kay Mar. Si Maila na may asawa na sumasagi sagi ang braso sa braso ni Mar. Si Cleofe, kanina tahimik ngayon, malakas na ang boses at puro si Mar ang kinakausap. Si Jo, titig na titig kay Mar. at ako naman, pa demure lang pero sa isip ko. "Sarap mong ulamin Mar." natawa ako sa iniisip ko. napangiti ako.
"O Ann, ano ang ningitingiti mo dyan." sabi ni Mar. Nag blush tuloy ako.
"Uuyyy... crush nya rin si Mar." Dugtong ni Maila. Mas lalong namula ang pisngi ko.
Bilang defense mechanism ko, ako naman ang nagsalita. " Single ka pa Mar?" na may pa beautiful eyes pa sa kanya.
"Hi-Hindi na"
" Ouch. Ang sakit." sabi ni Maila habang hawak ang puso na kunwaring hinimatay.
"Hahaha! "Natawa na lamang kami.
"Mas guapo pala si Mar kapag natatawa." Sabi ko sa sarili ko.
"Ano ba ito, hindi na yata ko makakain dahil dito si Mar sa tabi ko."bulong ko sa sarili ko habang pinipilit kong ubusin ang kanin ko't ulam na laswa at Barbecue chicken.
"Wala ka na yatang ganang kumain ah." sabi ni Mar." Abay, mind reader yata ito ah." sabi ko ulit sa sarili ko. "Mas pala sya ah. sensitive"
"Ah. Eh.." sagot ko.
" Akin na lang yan kung ayaw mo" dagdag nya.
"Ha?" napanganga kong sagot sa kanya.
"Wala ka namang rabies diba?", Pabirong sabi nya.
Ngumiti na lamang ako.
" ok pala sya ah. hindi maselan" "Sana malasahan nya ang laway ko sa Barbecue" Sa isip ko.
Araw araw halos ganon ang lunch break namin. so, halos lahat kami napalapit kay Mar at ako. mas lalo ko pa siyang minahal.