It's Not Easy Letting Go(PSZ)

101 5 3
                                    

How many years na ba kaming magkatrabaho ni Perth sa showbiz industry? 3 years I guess.

Sa loob ng 3years naming couple sa harap ng camera. Ibang iba naman yun sa likod ng camera. Sa loob ng 3 years na yun doon ako patagong nagmamahal sa kanya habang nagmamahal siya ng iba.

Ilang beses ko na bang pinangarap na "Sana ako na lang si Mark"? Ilang beses na ba akong ngumiti sa harap nila habang durog na durog ako sa loob. Ilang beses na ba kong pikit matang hinaharap sila habang sweet na sweet sila sa harap ko.

Napaka daming sakit na ang napala ko dahil sa pagmamahal kay Perth. Pero bakit hindi mapagod itong puso ko na mahalin siya. Paulit ulit yung sakit pero ito pa rin akong si TANGA. Kasama si Perth papunta sa "condo namin" sa mata ng mga Fans pero ang totoo condo nila to ni Mark.

...................

Pagkarating namin sa tapat ng Condo
hinapit agad ako ni Perth papalapit sa kanya. Nakita niya kasing may fans sa entrance ng condo. Ganto lagi ang ginagawa niya pag may mga tao kaming kaharap o pag nasa harap kami ng Camera. Yung pag tingin niya sakin parang kapatid lang sa tunay na buhay. Sa harap naman ng fans at camera kami ay magkarelasyon.

Pag dating namin sa loob ng condo nakita ko agad si Mark na tumayo sa sofa at lumapit samin.

"Hi hon!.." humalik muna ito kay Perth bago humarap sakin at kamustahin ako.

"Hello Saint kamusta ang trabaho?"

"Ok naman Mark" sinabayan ko ng ngiti at kurot sa sarili kong hita para mapigilan ang sakit na nararamdaman ko.

"Dito kana kumain nakapagluto na din ako ng dinner, para habang iniintay mo na makaalis ang fans niyo nakakain ka na"

"Sige Mark, thank you"🙂

Ganto lagi ang routine ko. Papalipas muna ko ng oras dito bago umalis para iwan sila. Sa fire exit ako lagi dumadaan at sa likod ng condo nag aantay ang kaibigan kong si Niquita.
Buti na lang anjan ang kaibigan kong si Niquita kung hindi baka sa psychiatrist ang bagsak ko. Sa kanya ko lahat nakwekwento ang sakit na nararamdaman ko.

Makalipas ang isang oras nagpaalam na ko kay Perth at Mark.

"Thank you sa dinner Mark"

"Wala yun Saint parang hindi kana nasanay"

"Sige aalis na ko Perth see you"

" Ingat ka Saint"

Tumango na lang ako kay Perth at lumabas na. Napapitlag na lang ako ng malakas na sumarado ang pinto. Nakarinig na lang ako ng mumunting ungol. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nag unahan na lang ang luha ko. Kelan kaya magiging manhid itong puso ko. I hate this feeling parang pinipiraso piraso ang puso ko. Bumalik lang ang ulirat ko ng may mag bukas ng pinto sa hindi kalayuan ng kwarto nila Perth. Kaya nagmadali akong tumakbo papuntang fire exit. Tumakbo ko hanggang makarating ako sa kotse ni Niquita.

"Saint ano hindi ka pa ba nagsasawa?" Kung hindi ka pa sawa. pwes! ako sawang sawa na kong makita kang ganyan na durog na durog. Please Saint kung hindi ka naaawa sa sarili mo, maawa ka naman sa puso mo baka yan ang bumigay sa sobrang sakit na dinadanas niyan. Saint isipin mo naman yung sarili mo. Hindi puro si Perth na wala naman pakialam sa nararamdaman mo."

Mahabang sermon sakin ni Niquita. Hindi na lang ako kumibo kasi alam kong sawa na din siyang marinig na mahal ko si Perth kaya ko ginagawa ang mga ito ,kahit sobrang sakit sa part ko.

Pag karating ko sa bahay ni Niquita dumiretso agad ako sa banyo para maligo.

Pag labas ko nakita ko si Niquita na nakaupo sa kama ko paharap sakin. Alam ko na ang susunod nito.

Boys Love OneShot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon