"MALAYA KANA" (PSR)

25 1 2
                                    


"Perth nakaayos ka na ba?"
"Yes baby papalabas na!"

Ngayong araw ang isa sa pinakaiintay ni Perth. Matutupad na ang matagal niyang Pangarap. Nakapasok siya sa audition niya bilang guitarist sa isang sikat na Boy Band.

"Bye baby "muah" I love you"
" I love you too baby, mag iingat ka"

Tinanaw ko ang papalis na sasakyan ni Perth bago ako pumasok sa bahay. Tinignan ko ang wall clock at 7am na. Nagmadali na akong pumasok sa banyo para maligo. Kailangan ko pa pumunta sa flower shop. Ngayon ang deliver ng mga orders naming Flowers.

Pagdating ko sa flower shop inabutan ko ang dalawa kong assistant

"Sir Saint dumating na po yung flowers na inorder natin nung nakaraan."

" Thank you Chen, na traffic kasi ako hindi ko na inabutan"

" Sir dumating din po sila Mr. and Mrs. Chavez. Hinahanap po kayo nag iwan po ng contact nasa table niyo na po"

"Thank you Roselle"

Ring.... Ring.... Ring....

"Excuse me sagutin ko lang"

"Hello baby"

" Ahhmm baby malelate ako ng uwi mamaya. Wag mo na ko intayin baby baka mapuyat ka lang baby"

"Sige mag iingat ka baby"

"Yes baby, I love you"

"I love you too baby"

...............



Lumipas ang mga araw, linggo at buwan naging sobrang busy ni Perth sa trabaho niya. Naiintindihan ko naman iyon. Bumabawi naman ito sa mga free time niya.

"Baby my out of town ang banda baka mawala ako ng 2weeks"

"Ganon ba baby? Kelan ang alis niyo?"

"Tomorrow morning na baby. Kasama nga pala namin si Doc Ritz siya kasi ang Vocalist namin. Naalala mo pa ba siya?"

"Oo naaalala ko pa siya baby, siya diba yung actor, singer and doctor?"

"Yes baby"

"Ohh sige na mag impake na tayo ng gamit na dadalin mo"





......

Pag balik ni Perth ang daming nagbago sa kanya, parang ibang Perth na ang kasama ko. Nanlamig ang dating mainit na pakikitungo niya sa akin. Ang dating mga yakap na kay higpit, ngayon ay pilit na. Madalang na siyang umuwi, kung dati napaglalaanan pa niya ako ng oras ngayon ay hindi na.


Sumapit ang 1st anniversary namin. Naghanda ako para isuprise siya, pero ang akala ko na masayang anniversary namin nauwi sa wala. Nang hindi siya umuwi.

2days past.....

Umuwi ito ng umaga na. Hindi ako pumasok para magkasama kami. Pinabayaan ko na lang na hindi niya naalala ang anniversary namin. Siguro sobrang busy niya lang talaga. Magkasama kami pero hindi ko maramdaman na kasama ko siya. Sa phone niya lang siya nakatutok.

Kinabukasan pag gising ko wala na siya. Hindi na bago sakin to. Tinignan ko ang phone ko datirati nag iiwan to ng text message ngayon hindi na.

........

Halos isang linggo ng hindi umuuwi si Perth. Tinatawagan ko to pero kadalasan hindi sinasagot, sumagot man ito laging nagmamadali dahil busy daw.

Naisipan kong dalawin ito sa Studio na pinagtatrabahuhan niya. Dadalan ko siya ng Steak na paborito niya. Pagkarating ko doon pinagtanong ko kung nasaan siya. Tinuro naman Ng napagtanungan ko ang isang part ng building na may glass wall.

Napatigil ako sa aking nasaksihan, nakita ko si Perth kalong kalong si Ritz at ang sweet sweet nila. Nabitawan ko ang lunchbox na dala ko. Napaharap sakin sila Perth, dadali akong tumalikod at nagtatakbo ako papalabas ng studio. Hindi ko alam kung nakita niya ako o hindi. Pagkarating ko sa sasakyan doon na ako umiyak ng umiyak.


Alam ko namang meron ng iba sa mga kilos niya lang nararamdaman ko na. Kahit ang dating init ng pagsasama namin ngayon ay kay lamig na.

Bakit hindi ko naisip na may hanggan?
Bakit hindi ko maamin sa sarili ko ang isang bagay na hindi malilihim.

..........


2am ng marinig ko dumating ang sasakyan ni Perth tapos ko na din ayusin ang gamit ko. Bumaba ako papuntang sala para salubungin siya.

"Saint bakit gising ka pa at bihis na bihis ka may lakad na ba?"

Napapikit ako ng tawagin niya akong Saint gumuhit ang sakit saking dibdib pero hindi ko pinahalata.

"Inintay talaga kita, gusto kitang makausap Perth."

" Ano ba yun at hindi na nakapaghintay ng umaga?"

" Perth sagutin mo sana ko ng matapat. Mahal mo pa ba ko?"

Hindi siya nakasagot sa tanong ko.

"Meron na bang iba? Bakit ko pa ba tinatanong nakita ko na naman kanina. "

"Kitang kita naman sa mga ngiti mo kanina Perth. Yung mga ngiti na dati ako ang dahilan ngayon ay siya na. Sinabi mo sana sakin Perth hindi yung pinagmukha mo kong Tanga! Tatanggapin ko naman Perth! Ganon kita kamahal. Handa akong ibigay ang lahat ng kasiyahan mo, kahit ang kapalit pa nito ay ang sarili kong kasiyahan. Pinapaubaya na kita sa kanya. Ang tanging hiling ko lang ang mahalin ka niya at alagaan. Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin. "Perth MALAYA KANA"

.......................................

MAHIRAP KALABAN ANG TADHANA.

AKO ANG NAUNA PERO SIYA ANG MAHAL.

I'M JUST HIS PROLOGUE BUT NOT HIS EPILOGUE.







...hope you like it.....

....by PrinceTaranaki

Boys Love OneShot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon