The Chocolate Booth (Part One)

50 1 0
                                    

"Pambihirang buhay yan." dali-dali akong lumakad palayo sa gitna ng East Signus Park na papaligiran ng madaming tao. Bwisit lang, parang nasa drama lang kami kanina. Bakit ka kasi nagpauto Vivian e? Arggh. Nagamit ka tuloy ni Bernardo. Aba't at pinagkamalan pa kong babae ng pangit na yun. Hindi talaga ngayon mapagkakatiwalaan ang mga tao sa mundo ngayon.

Habang naglalakad ako, iniisip ko kung paano kami magkakaayos ni Ate ngayon, ang nakakatanda kong kapatid ko at ang tanging taong nakakausap ko ng matagal sa buong buhay ko.

Oo, may pagka-introvert ako at ang ate ko lang ang kaibigan ko. Hindi naman ako choosy e. Sadyang mapili lang ako sa friends.

Back to topic, seriously, ginawa ko lang naman yun dahil naipit ako sa situation e, pramis. Bwisit kasi yang kulangot na si Bernardo e. Ang pangit na nga, pangit pa ng ugali. Bakit pa kasi siya pinili ni Ate e? Nandyan naman si Piolo? Ahh, Sam Milby o kaya si James Reid. O baka naman sadyang ang motto niya ngayon ay,

"Humanap ka ng pangit, at ibigin mo ng tunay!" napa-rap tuloy ako.

"Hoy, Miss! Magdahan-dahan ka ng pananalita mo!" hindi ko napansin na may nakasalubong akong taong hamog.

Ay grabe lang, sapul si Kuya.

------------------

Isang linggo.

Hindi umuwi si Ate ni pumasok man sa school. Tinawagan ko yung cellphone pero wala pa din. Tinawagan ko na nga pati yung mga kaibigan niya kahit na puro lait na ang natanggap ko.

Isang linggo na din na laging dumadalaw si Bernardo, ang boy--ex-boyfriend nya pala dito para humingi ng tawad kay Ate. Hindi ko nga alam kung paano ko nasurvive na makita ko sa araw-araw ang pagmumukha niya e. Buti na lang at nandito lagi si papa para paagbagsakan siya na pinto. Asa naman kung kakausapin ko siya kahit hindi naman niya ko ang pakay niya. Naiinis kasi ako sa kanya. Bakit ba naman kasi hindi na lang niya diretsuhin na gusto na niyang makipagbreak kay Ate e? Nandamay pa. Tapos ayan, sising-sisi tapos gusto pang makipagbalikan. Wala na atang mas tatanga sa kanya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Pagkababa ko sa hagdan, nakita ko ang mga magulang ko sa baba sa sala at nakaupo sa sofa. Isang linggo na halos walang tulog sila kakaantay sa kapatid. For the past few days, hindi namin alam kung saan nag-iistay si Ate.

"Ma, Pa, ano gusto niyong breakfast? Ako na ang magluluto" tanong ko pagkalapit sa kanila. First time lang ako nang-offer sa kanila. Noong nandun nga ko nakatira kina Lola e lagi akong tumatanggi.

"Anak, ano ba ang nangyayari sa'yo at parang wala lang sa'yo na nawawala ang kapatid mo?! Nakakaya ba ng konsensya mo na kumain habang wala ang kapatid mo?! O, Diyos ko po. Patawarin ka." bigla na lang naghysterical si Mama. Nairita ako bigla. Ilang araw na kasi ako kinokonsensya ni Mama e. Kesyo daw nakakakayang kong matulog, kumain, pumasok sa school nang wala si Ate. What the? Hello, nasa Maslow Hierarchy of Needs kaya yun. Bago mo punan ang basic needs mo bago ang social and belongingness. Basta ganun, kahit hindi ko na masyado matandaan.

"Ma, tinatanong ko lang kung anong gusto niyo pong breakfast? Hindi yang pag-iinarte mo. Wala na nga si Ate, ganyan ka pa. Sige po, magluluto lang po ako" nag-excuse na ako at umalis na ko sa harap nila at pumunta sa kitchen. It looks like hindi niya ko bibigyan ng baon ngayon. Nasaan po ang hustisya?!

-------------

Kagaya nga ng inaasahan ko, naging headline ako, si ate at si Bernardo sa school plus naging instant celebrity pa. Last week pa talaga 'to kaya naman todo lait sa'kin ng mga kaibigan ni Ate sa phone last week. What a life. Bwisit kasi yung nagvideo ng pageeskandalo ni Ate sa park last week e. Ako nanaman tuloy ang nagmukhang kontrabida. Buti na lang at hindi nila ako binubully physically, emotionally lang.

The Chocolate Booth (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon