Last Part

24 2 0
                                    

Hindi ko alam kung ano nasa isip ko kung bakit ako nasa East? Kung bakit ba naman ako kiniakain ng konsensya ko e. Bakit ko pa nga kinuha ang ticket na 'to kung hindi naman ako fan ni Daniel Padilla? Bakit pa kailangan kong sumali sa chocolate booth na yan kung ayaw ko sa chocolates?

Isa lang sagot dyan Vivs. You are madly inlove to Erick.

Nakakainis lang. Bakit ba nagkaganito ang lahat? Tama nga ang sabi nila, si Ate talaga ang lamang. Tanggap ko naman yun e. Talo na ko sa lahat pero pati Erick, mukhang hindi ko na kaya.

Hindi ako umattend sa graduation. Bakit pa nga ba ako aatend? Parang may sasamang maglakad sa'kin papuntang stage. Kahit naman ata maging Valedictorian ako, wala pa ding paki yun e.

Inhale, exhale. Tama na pag-iinarte Vivs, pumunta ka na sa concert ni Daniel Padilla. Buti na lang at nadownload ko ang mga songs niya nang masabayan ko naman at hindi ako maOP.

Dahil nga sa maswerte ako nilalang, VIP pa ko nakapwesto meaning sa pinakaunahan. Hohoho! Sa grounds kasi yung venue, meaning sa labas mismo kaya nakatayo kami lahat. Ang kinalamang ko lang sa kanila, nasa unahan ako. Anong oras na nga ba? Pagkatingin ko sa relo, wow! 8:30 na! 30 minutes na delay ang show. Nung pagkasabi ko nun, nagsihiyawan na ang fans at itinaas ang hershey na chocolate lightstick. Yuck! Corny, pero bakit hindi man lang ako nainform. At nagsibilangan na ang mga fans, eto naman si ako at nakisabay na din.

"5, 4, 3, 2, 1 KYAAAH! "

"kyaaah" poker face kong sabi. Habang tumatagal, naiinis na ko sa mga katabi ko na kulang na magsabunutan. Dumating na kasi ni Daniel at kakantahin na niya ang Heaven By Your Side? Dali-dali ako tumingin a cellphone ko. Wala naman sa list ko to a?! Pero okay na din, it' my favorite song.

Heaven By Your Side - A1

You and I cannot hide

The love we feel inside

The words we need to say

I feel that I have always walked alone

But now that you're here with me

There'll always be a place that I can go

In fairness, sulit yung ticket. Ang ganda din pala ng boses ni Daniel Padilla. Parang nililigawan ka lang e. Asa naman.

And suddenly our destiny has started to unfold

"Ay shemay!" tinakip ko agad ang bibig ko. Bakit nandito ang taong ayaw kong makita ngayon? Bakit.... Why he's here?

When you're next to me I can see

The greatest story love has ever told

Shemay lang. Ang ganda pati ng boses niya sa pandinig ko. Bakit ba ang gwapo niya sa paningin ko?

Now my life is blessed with the love of an angel

How can it be true?

Somebody to keep the dream alive

The dream I found in you

Si Daniel Padilla na kumanta ng part na yun dahil pinuntahan na niya ko agad. Yan ang pangit pag nasa harap. Gusto ko na atang tumakbo. Bwisit. Kailan ba ko nahiya ng ganito? Hinatak na niya ako at naglakad papunta sa stage. Asan na ba yung mask ko? Badtrip, magiging skat nanaman ako sa media nito.

I always thought that love would be

The strangest thing to me

Pagkatigil namin sa gitna ng stage ay agad niya hinawakan ang kamay ko at inilapit ang mukha ko sa kanya..

But when we touch, I realize

That I found my place in heaven by your side

Siya na ang kumanta sa part na yun?

"'di ba dapat Hell?" bulong ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako as his response.

"Yeah right." sagot nito. Madami sana ako itatanong sa kanya pero nawala sa isip ko nung makita siya. Kumakanta pa din si Daniel Padilla. O di ba ganda ng background song at singer namin.

"Uh, Vivs." dali-dali itong lumuhod sa harap ko at sinabing..

"pwede ba kong manligaw?" at ibinigay niya sakin yung hershey na mini version na keychain.

"Alam mo na hate ko ang chocolates di ba?"

"I know"

"Alam mo na hate ko sa Daniel di ba?"

"Yeah."

"Bakit mo to ginagawa? May galit ka ba?" actually hindi ako galit, I'm just curious on why he did this.

"Kasi..." tumayo na siya at ibinulong na..

"Kung hindi ko naman ginawa yun, hindi mo naman ako mamahalin."

-END-

The Chocolate Booth (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon